Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
NFT

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Ipinapakilala ang Marketplace ng Binance NFT

2021-07-06 06:56

Ano ang marketplace ng Binance NFT?

Ang marketplace ng Binance NFT ay isang marketplace na nagtatampok ng lahat ng anyo ng digital artwork at collectible. Ang marketplace ng Binance NFT, na pinapagana ng imprastraktura at komunidad ng blockchain ng Binance, ay nagbibigay ng platform na may mataas na liquidity kung saan makakapaglunsad at makakapag-trade ng mga NFT ang mga user.
Ang non-fungible token (NFT) ay isang uri ng digital token na kumakatawan sa isang natatanging asset. Puwede itong mga ganap na digital asset o tokenized na bersyon ng mga asset sa totoong buhay. Dahil hindi napagpapalit ang mga NFT, gumagana ang mga ito bilang pruweba ng pagiging tunay at pagmamay-ari sa digital na mundo. Para matuto pa tungkol sa mga NFT, tingnan ang artikulo sa Binance Academy na “Isang Gabay sa Mga Crypto Collectible at Non-fungible Token (NFT)”.

Paano magsimula sa Marketplace ng Binance NFT?

Pinagsasama-sama ng Marketplace ng Binance NFT ang mga artist, creator, at mahihilig sa crypto sa iisang platform para gumawa at mag-trade ng mga NFT. Nagtatampok ang platform ng 3 hanay ng produkto:
  • Marketplace: Mag-mint, magbenta, mag-bid, at bumili ng mga NFT mula sa mga creator sa buong mundo.
  • Mga Event: Bumili ng mga premium at eksklusibong NFT na ginawa ng mga nangungunang artist sa buong mundo at mga pinakamaimpluwensyang pangalan at brand. Kasama sa mga event ang mga alok mula sa mga digital artist, musician, pati na rin mga atleta at celebrity.
  • Mga Mystery Box: Bawat Mystery Box ay garantisadong may lamang isang random na NFT. Buksan ito para sa tsansang manalo ng Normal (N), Rare (R), Super Rare (SR), o Super Super Rare (SSR) na NFT.
Tandaan na hindi maisasauli ang mga biniling Mystery Box sa anumang dahilan, pero puwede mong i-trade ang hindi pa nabubuksang Mystery Box o ang laman nitong NFT pagkatapos buksan ang Box sa Marketplace ng Binance NFT.
Kung bago ka sa Binance, makakapagsimula ka sa 4 na mabilis at madaling hakbang:
Para matuto pa kung paano magsimula sa Binance, sumangguni sa:

Mga Madalas na Itanong

1. Paano ako magkakaroon ng NFT account?
Puwede mong gamitin ang iyong regular na account sa Binance para i-access ang Marketplace ng Binance NFT. Kung hindi ka user ng Binance, kailangan mo munang gumawa ng account sa Binance.
2. Aling mga cryptocurrency ang magagamit ko para bumili o mag-trade ng mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT?
Sinusuportahan ng Marketplace ng Binance NFT ang BNB, BUSD, at ETH.
3. Puwede bang magdeposito at mag-withdraw ng mga NFT ang mga user sa Marketplace ng Binance NFT?
Oo. Puwede mong ideposito ang iyong mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT at ilista ang mga ito para sa pagbebenta. Sumangguni sa Paano Magdeposito ng NFT sa Binance para sa karagdagang impormasyon.
Tandaan na kailangang paunang maaprubahan ang iyong address ng kontrata sa NFT bago mo ito ma-import sa Marketplace ng Binance NFT.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pag-withdraw ng NFT, sumangguni sa Paano Mag-withdraw ng NFT mula sa Binance.
4. Puwede ba akong mag-mint ng mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT? Paano ako makakagawa at makakapaglista ng mga NFT ko?
Isa sa mga pinakakapana-panabik na feature para sa mga creator sa Marketplace ng Binance NFT ay ang pag-mint ng mga non-fungible token (NFT). Mabilis kang makakapag-mint ng mga NFT at makakagawa ng mga sarili mong koleksyon ng NFT sa BNB Chain (dating BSC) at Ethereum (ETH).
Tandaan na mga na-verify na user lang ang makakagawa ng mga NFT sa Binance, kaya dapat mong kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan bago ka magsimula. Dagdag pa rito, kailangan mong magkaroon ng kahit 2 follower sa user profile mo sa Binance NFT.
Para sa mga karagdagang detalye, sumangguni sa Paano Gumawa ng Iyong NFT sa Marketplace ng Binance NFT.
5. Kailangan ko bang kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan bago ako makapag-trade ng mga NFT?
Oo. Kailangan mong kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan para makapag-trade ng mga NFT. Tandaan na posibleng kailanganin mong kumumpleto ng ilang partikular na antas ng pag-verify para mapataas ang iyong mga kaukulang limitasyon sa pagdeposito at pag-withdraw. Magkakaiba ang mga limitasyon sa iba't ibang bansa. Para matuto pa, bisitahin ang Paano Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan.

Glossary

Ang ibig sabihin ng NFT ay non-fungible token. Isa itong digital token na kumakatawan sa mga natatanging asset na magagamit bilang pruweba ng pagiging tunay at pagmamay-ari ng mga digital at tokenized na pisikal na asset.
Pag-mint: ang paggawa o pag-isyu ng non-fungible token (NFT).
Ang BNB Chain ay binubuo ng BNB Smart Chain (dating BSC) at BNB Beacon Chain. Nagbibigay-daan ang BNB Smart Chain sa functionality ng smart contract at compatible ito sa Ethereum Virtual Machine (EVM), kaya naman madali para sa mga developer na gumawa ng mga tool at DApp o i-port ang mga proyekto nila mula sa Ethereum.
Ang BNB ay isang utility token na nagpapagana sa ecosystem ng Binance. Ito ang native coin ng BNB Chain. Tandaan na para makapag-mint ng mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT, kailangan mong bayaran ang kaukulang bayarin sa BNB.
Ang BEP-721, na ni-release noong huling bahagi ng 2020, ay ang pamantayan ng token ng NFT ng Binance, na gumagana sa BNB Chain (dating BSC). Tandaan na hindi ka makakagamit ng mga BEP-721 token sa network ng Ethereum.
Ang Mystery Box ay isang box na naglalaman ng isang random na NFT. Pagkabili nito, buksan ito para sa tsansang manalo ng Normal (N), Rare (R), Super Rare (SR), o Super Super Rare (SSR) na NFT. Puwede mo ring i-trade ang mga hindi nabuksang Mystery Box kung gusto mo.