Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Seguridad
Mga Tip sa Seguridad
Paano Iiwasan ang Mga Phishing Attack
Binance
2021-04-28 03:00

1. Ano ang phishing attack?

Ang phishing ay isang uri ng social engineering na pag-atake; isang mapanlokong pagtatangka na makakuha ng sensitibong impormasyon gaya ng username, password, 2FA code, atbp. sa pamamagitan ng pagkukunwaring Binance sa elektronikong komunikasyon. Kadalasan, naloloko ang mga user ng mga hindi mapagkakatiwalaang partido gaya ng:
  • Pag-spoof ng email.
  • Pekeng site ng Binance.
  • Instant message na may mapanirang link.
  • Mga social website na may minanipulang link ng Binance.
  • Pakikipag-chat sa nagpapanggap na Binance support.
  • Pekeng hotline o support ng Binance sa search engine, atbp.
  • Pekeng Account sa Social Media.
  • Malware na na-download sa internet.
  • Phishing sa libreng WIFI.

2. Proteksyon laban sa phishing attack

Ang pinakamahalaga at pinakamahinang aspeto ng isang sistema ng seguridad ay ang mga tao. Kaya naman mahalaga para sa mga user na maging mapagbantay:
  • Kadalasan, naglalaman ang isang spoofed na mensahe ng mga hindi halatang pagkakamali gaya ng mga mali sa spelling, kakaibang pagkakasunod-sunod ng mga salita, mga hindi natural na salita, mga domain name na mali ang spelling, atbp.
  • Bukod pa rito, kadalasang susubukan ng mga attacker na hikayatin ang mga user na kumilos sa pamamagitan ng pag-aapura sa kanila. Halimbawa, puwedeng magbanta ang isang email na mag-e-expire na ang isang account at dapat itong i-verify sa loob ng isang takdang panahon; isang mensaheng nag-uutos sa mga user na maglipat ng mga asset sa isang secure na wallet para maiwasan ang pagkalugi sa lalong madaling panahon.
Para sa proteksyon laban sa phishing attack, kailangang magsagawa ng mga hakbang ang mga user at ang Binance.
  • Palaging i-upgrade ang Google Chrome o Mozilla Firefox sa pinakabagong bersyon. Magbibigay ng babala ang Google Chrome o Mozilla Firefox sa mga user tungkol sa phishing o hindi ligtas na website na may mataas na panganib. Halimbawa:
mceclip0.png
  • Ang pinakaligtas na paraan para mag-log in sa Binance ay sa pamamagitan ng website na https://www.binance.com
mceclip1.png
  • Inirerekomenda rin namin sa iyo na tingnan at i-verify kung may ibinigay bang SSL certificate sa domain name na *.binance.com o *.binance.net
mceclip0.png
  • I-enable ang Two-Factor Authentication (2FA) gaya ng Google 2FA o SMS 2FA. Maging maingat at huwag ibahagi ang 16 na digital na backup key ng Google 2FA sa sinuman o sa anumang website. Kung nakompromiso ang username at password, mapipigilan ng 2FA ang paggamit ng mga nakompromisong kredensyal, dahil hindi sapat ang mga ito para makapasok sa account o makuha ang mga pondo nito.
I-install ang Chrome Netcraft Extension o Firefox Netcraft Anti-Phishing Extension.
  • Chrome Netcraft Extension
mceclip0.png
  • Firefox Netcraft Anti-Phishing Extension
mceclip1.png
  • Panatilihing updated ang iyong mga system/application para maiwasan ang mga bug sa seguridad. Mag-install ng anti-virus software at panatilihin itong updated.
  • Huwag kumonekta sa isang hindi pinagkakatiwalaang wireless network.

3. Pag-uulat sa Phishing

  • Iulat sa aming Team ng Seguridad ang anumang makikita mong site ng phishing sa Binance sa pamamagitan ng email: security@binance.com.

4. Mga kaso ng phishing

  • Mga kaso ng phishing email, mag-click: dito
  • Mga kaso ng phishing site, mag-click: dito
  • Mga kaso ng pekeng hotline o support ng Binance sa search engine, mag-click: dito
  • Mga kaso ng pakikipag-chat sa nagpapanggap na support ng Binance, mag-click: dito
  • Mga kaso ng mga scammer sa Twitter, mag-click: dito
Mga Kaugnay na Artikulo
Mga Tip sa Seguridad