Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Tutorial

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Tutorial
Deposito ng Crypto
Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Paano Ako Magdedeposito/Magwi-withdraw ng Cryptocurrency sa Binance

2021-01-11 03:44

Paano magdeposito/mag-withdraw ng cryptocurrency sa Binance App?

Paano magdeposito/mag-withdraw ng cryptocurrency sa website ng Binance? 

Paano pumili ng network?

  • Ang BEP2 ay tumutukoy sa BNB Beacon Chain (dating Binance Chain).
  • Ang BEP20 ay tumutukoy sa BNB Smart Chain (BSC) (dating Binance Smart Chain).
  • Ang ERC20 ay tumutukoy sa Ethereum network. ETH ang native cryptocurrency nito.
  • Ang TRC20 ay tumutukoy sa TRON network.
  • Ang EOS ay tumutukoy sa Enterprise Operation System network. 
  • Ang BTC ay tumutukoy sa Bitcoin network.
  • Ang BTC (SegWit) ay tumutukoy sa Native Segwit (bech32), at nagsisimula ang address sa “bc1.” Puwede kang mag-withdraw o magpadala ng Bitcoin sa mga SegWit (bech32) address. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Tungkol sa Segregated Witness (SegWit).
Para sa ilang partikular na network, tulad ng BEP2 o EOS, dapat mong ilagay ang Memo kapag naglilipat ka, kung hindi, hindi made-detect ang iyong address.
Siguraduhing kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo o magdedeposito ng mga pondo. Kung maling network ang mapipili mo, mawawala sa iyo ang mga pondo mo.
  • Ang pagpili ng network ay nakadepende sa mga opsyong ibinigay ng panlabas na wallet/palitan kung saan mo ginagawa ang pag-withdraw. Kung ang panlabas na platform ay sumusuporta lang sa ERC20, kailangan mong piliin ang network ng deposito ng ERC20.
  • HUWAG piliin ang may pinakamurang opsyon ng bayad. Piliin ang isa na tugma sa panlabas na platform. Halimbawa, puwede ka lang magpadala ng ERC20 token sa isa pang ERC20 address, at puwede ka lang magpadala ng BSC token sa isa pang BSC address. Kung pipiliin mo ang hindi tugma/naiibang network ng deposito, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
  • Siguraduhing tama ang inilagay mong address at halaga bago mo kumpirmahin ang paglilipat.
Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa: 

Sunod-sunod na tutorial

1. Buksan ang iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Magdeposito]
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ideposito, gaya ng USDT.
3. Makikita mo ang available na network para sa pagdeposito ng USDT. Piliing mabuti ang network ng pagdeposito at siguraduhing kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung maling network ang mapipili mo, mawawala sa iyo ang mga pondo mo.
4. Makikita mo ang isang QR code at ang address ng pagdeposito. Mag-click para kopyahin ang address ng pagdeposito ng iyong Binance Wallet at i-paste ito sa field ng address sa platform kung saan mo gustong mag-withdraw ng crypto. Puwede mo ring i-click ang [I-save bilang Larawan] at i-import ang QR code sa mismong platform para sa pag-withdraw. 
Puwede mong i-tap ang [Baguhin ang Wallet], at piliin ang “Spot Wallet” o “Funding Wallet” kung saan magdedeposito.
5. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pagdeposito, ipoproseso ang paglilipat. Make-credit ang mga pondo sa iyong account sa Binance pagkatapos.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya]
2. I-click ang [Magdeposito] at makakakita ka ng pop-up na window.
3. I-click ang [Pagdeposito ng Crypto].
4. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ideposito, gaya ng USDT.
5. Pagkatapos, piliin ang network ng pagdeposito. Siguraduhing kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung maling network ang mapipilli mo, mawawala sa iyo ang mga pondo mo.
6. Sa halimbawang ito, magwi-withdraw tayo ng USDT mula sa isa pang platform at idedeposito ito sa Binance. Dahil magwi-withdraw tayo mula sa isang ERC20 address (Ethereum blockchain), pipiliin namin ang network ng deposito ng ERC20.
7. Mag-click para kopyahin ang address ng deposito ng iyong Binance Wallet at i-paste ito sa field ng address sa platform kung saan mo gustong mag-withdraw ng crypto.
Puwede mo ring i-click ang icon ng QR code para makakuha ng QR code ng address at i-import ito sa platform kung saan ka magwi-withdraw.
I-click ang [Baguhin], at piliin ang “Spot Wallet” o “Funding Wallet” kung saan magdedeposito. 
8. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pagdeposito, medyo matagal bago makumpirma ang transaksyon. Ang tagal ng kumpirmasyon ay nag-iiba depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network nito.
Kapag naproseso na ang paglilipat, make-credit ang mga pondo sa iyong account sa Binance pagkatapos.
1. Buksan ang iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Mag-withdraw]
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw, halimbawa ay BNB. Pagkatapos ay i-tap ang [Ipadala sa pamamagitan ng Crypto Network].
3. I-paste ang address kung saan mo gustong mag-withdraw at piliin ang network. 
Piliing mabuti ang network at siguraduhing kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung maling network ang mapipili mo, mawawala sa iyo ang mga pondo mo.
4. Ilagay ang iwi-withdraw na halaga, at makikita mo ang katumbas na bayad sa transaksyon at ang pinal na halagang matatanggap mo. I-tap ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.
5. Ipo-prompt kang kumpirmahin ulit ang transaksyon. Siguraduhing mabuti at i-tap ang [Kumpirmahin].
Babala: Kung maling impormasyon ang mailalagay mo o maling network ang mapipili mo kapag naglilipat ka, permanenteng mawawala ang iyong mga asset. Siguraduhing tama ang impormasyon bago mo kumpirmahin ang transaksyon.
6. Susunod, kakailanganin mong i-verify ang transakyon gamit ang mga 2FA device. Sundin ang mga tagubilin sa screen para kumpletuhin ang proseso.
6. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, hintaying maproseso ang paglilipat. 
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya]
2. I-click ang [Mag-withdraw] -[I-withdraw ang Crypto]
3. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw. 
4. Piliin ang network. 
Piliing mabuti ang network at siguraduhing kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung maling network ang mapipili mo, mawawala sa iyo ang mga pondo mo.
5. Ilagay ang address ng tatanggap o pumili sa iyong address book.
6. Ilagay ang iwi-withdraw na halaga, at makikita mo ang katumbas na bayad sa transaksyon at ang pinal na halagang matatanggap mo. I-click ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.
Puwede mong piliin ang “Spot Wallet” o “Funding Wallet” para piliin kung aling wallet ang gusto mong i-withdraw, o i-click ang [Ilipat] para ilipat ang crypto.
7. Pagkatapos, kakailanganin mong i-verify ang transaksyon. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Babala: Kung maling impormasyon ang mailalagay mo o maling network ang mapipili mo kapag naglilipat ka, permanenteng mawawala ang iyong mga asset. Siguraduhing tama ang impormasyon bago mo kumpirmahin ang transaksyon.
8. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, maging matiyaga sa paghihintay na maproseso ang paglilipat. Mag-click dito para sa higit pang impormasyon.

Mga Madalas na Itanong

Pagkatapos kumpirmahin ang iyong kahilingan sa Binance, medyo matagal bago makumpirma ang transaksyon sa blockchain. Ang tagal ng kumpirmasyon ay nag-iiba depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network nito.
Puwede mong makita ang status ng iyong pagdeposito o pag-withdraw mula sa [Wallet] -[Pangkalahatang-ideya]- [Kasaysayan ng Transaksyon]].
Kung ang App ang ginagamit mo, pumunta sa [Mga Wallet] - [Pangkalahatang-ideya] - [Spot] at i-tap ang icon ng [Kasaysayan ng Transaksyon] sa kanan.
1. Para magdagdag ng bagong tatanggap, i-click ang [Address Book] - [Pamamahala ng Address].
2. I-click ang [Magdagdag ng address].
3. Piliin ang coin at network. Pagkatapos, maglagay ng label ng address, i-paste ang address, at piliin ang pinagmulan ng address. Puwede mo rin itong itakda bilang unibersal na address nang walang anumang partikular na coin.
  • Ang label ng address ay isang naka-customize na pangalan na puwede mong ibigay sa bawat address ng pag-withdraw para sa sarili mong sanggunian.
  • Ang MEMO ay opsyonal. Halimbawa, kailangan mong ibigay ang MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isa pang account sa Binance o sa isa pang palitan. Hindi mo kailangan ng MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isang Trust Wallet address.
  • Tiyaking suriing mabuti kung kinakailangan o hindi ang MEMO. Kung kinakailangan ang MEMO at hindi mo ito maibigay, puwedeng mawala sa iyo ang iyong mga pondo.
  • Tandaan na ang ilang platform at wallet ay tinutukoy ang MEMO bilang Tag o Payment ID.
  • Ang pinagmulan ng address ay para sa pagtukoy kung mula ba sa isang palitan o sa isang wallet ang address.
4. Puwede mo ring ilagay ang bagong dagdag na address sa iyong whitelist. Kung naka-enable ang function na ito, sa mga naka-whitelist na address ng pag-withdraw lang makakapag-withdraw ang iyong account.