Paano Bumili ng Binance Coin
Ano ang BNB
Ang BNB ay ang native token ng BNB Chain (dating Binance Smart Chain at Binance Chain). Ang BNB, na unang na-mint noong Hulyo 2017 sa Ethereum, ay isang utility token na nagbibigay-daan sa mga may-hawak na magbayad ng may diskwentong bayarin sa pag-trade sa palitan ng Binance. Gayunpaman, ang BNB ay hindi nagbibigay sa mga user ng bahagi ng mga kita ng Binance, kumakatawan sa pamumuhunan sa Binance, o nagbibigay ng anumang kabayaran.
Puwedeng bayaran ang lahat ng transaksyon sa BNB Smart Chain at BNB Beacon Chain gamit ang BEP-20 o BEP-2 BNB. May limitadong supply na 200 milyon ang coin, at nagsasagawa ang Binance ng awtomatikong pag-burn ng BNB bilang deflationary na hakbang. Mangyayari ang mga pag-burn hanggang sa bumaba sa 100 milyon ang kabuuang supply.
Maliban sa mga diskwento sa bayad sa pag-trade at pagbibigay-daan sa mga transaksyon, magagamit ang BNB para sa gastusin sa pagbiyahe at puwede itong gastusin sa mga produkto at serbisyo gamit ang Binance Visa card. Puwede ring mag-donate ng BNB sa charity ang mga may-hawak sa pamamagitan ng proyektong Binance Charity Foundation (BCF).
Paano bumili ng BNB
Bumili at magbenta ng BNB on the Move
