Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Gabay sa Pagbili gamit ang Credit/Debit Card

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
P2P Trading
Credit/Debit Card
Gabay sa Pagbili gamit ang Credit/Debit Card
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Paano Bumili ng Crypto Gamit ang Credit/Debit Card

2020-12-04 10:51
Tutorial na Video
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Bumili ng Crypto] - [Credit/Debit Card].
2. Dito, mapipili mong bumili ng crypto gamit ang iba't ibang fiat currency. Ilagay ang halaga ng fiat na gusto mong gastusin at awtomatikong ipapakita ng system ang dami ng crypto na puwede mong makuha.
3. I-click ang [Magdagdag ng bagong card].
4. Ilagay ang mga detalye ng iyong credit card. Tandaan na puwede ka lang magbayad gamit ang mga credit card na nakapangalan sa iyo.
5. Ilagay ang iyong address ng pagsingil at i-click ang [Magdagdag ng Card].
6. Tingnan ang mga detalye ng pagbabayad at kumpirmahin ang iyong order sa loob ng 1 minuto. Pagkalipas ng 1 minuto, kakalkulahin ulit ang presyo at ang dami ng crypto na makukuha mo. Puwede mong i-click ang [I-refresh] para makita ang kasalukuyang market price. Ang rate ng bayad ay 2% kada transaksyon.
7. Ire-redirect ka sa page ng transaksyong may OTP ng iyong bangko. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-verify ang pagbabayad.
Mga Madalas na Itanong:
1. Kung gagamit ako ng bank card para bumili ng crypto, ano ang mga sinusuportahang paraan ng pagbabayad?
Sinusuportahan ng Binance ang mga pagbabayad gamit ang Visa card o Mastercard.
Tinatanggap ang Visa para sa mga may-ari ng card sa mga bansa sa European Economic Area (EEA), Ukraine, at UK.
Available ang mga pagbabayad gamit ang Mastercard sa mga sumusunod na bansa at rehiyon: Colombia, Czech Republic, France, Germany, Indonesia, Italy, Latvia, Luxembourg, Mexico, Norway, Poland, Slovakia, Slovenia, Spain, Switzerland, Turkey, UK, Ukraine, atbp.
2. Hindi raw sinusuportahan ang bansang nag-isyu ng card ko. Anong mga bansang nag-iisyu ng card ang sinusuportahan ng Binance sa kasalukuyan?
Tinatanggap ang Visa para sa mga may-ari ng card sa mga bansa sa European Economic Area (EEA), gaya ng Ukraine, UK, atbp. Available ang mga pagbabayad gamit ang Mastercard sa mga sumusunod na bansa at rehiyon: Colombia, Czech Republic, France, Germany, Indonesia, Italy, Latvia, Luxembourg, Mexico, Norway, Poland, Slovakia, Slovenia, Spain, Switzerland, Turkey, UK, Ukraine, atbp.
3. Ilang bank card ang puwede kong i-link sa account ko?
Puwede kang mag-link ng hanggang 5 bank card.
4. Bakit ko nakikita ang mensahe ng error na ito: "Tinanggihan ng nag-isyung bangko ang transaksyon. Makipag-ugnayan sa iyong bangko o sumubok ng ibang bank card."?
Ibig sabihin nito, hindi sinusuportahan ng iyong bank card ang ganitong uri ng transaksyon. Makipag-ugnayan sa iyong bangko o sumubok ng ibang bank card.
5. Makakansela ba ang transaksyon kung hindi ko makukumpleto ang pagbili sa loob ng takdang oras?
Oo, kung hindi mo makukumpleto ang order sa loob ng takdang oras, magiging invalid ito at kakailanganin mong magsumite ng bagong transaksyon.
6. Kung papalya ang pagbili ko, mababawi ko ba ang naibayad na halaga?
Kung naibawas na ang bayad para sa mga pumalyang transaksyon, ibabalik ang halaga ng bayad sa iyong card.
7. Pagkatapos makumpleto ang order, saan ko makikita ang binili kong crypto?
Puwede kang pumunta sa [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya] para tingnan kung dumating na ang cryptocurrency.
8. Noong naglagay ako ng order, sinabihan ako na umabot na ako sa pang-araw-araw kong limitasyon. Paano ko mapapataas ang limitasyon?
Puwede kang pumunta sa [Personal na Pag-verify] para i-upgrade ang antas ng pag-authenticate ng account para ma-upgrade ang limitasyon ng account mo.
9. Saan ko matitingnan ang kasaysayan ng pagbili ko?
Puwede mong i-click ang [Mga Order] - [Kasaysayan ng Pagbili ng Crypto] para tingnan ang kasaysayan ng order mo.