Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano bumili ng Solana (SOL)

Ang Binance ay ang pinakamagandang lugar para madaling makabili, makapagbenta, makapag-trade, at makahawak ng SOL. Kapag nag-sign up ka para sa account sa Binance, makakabili, makakapagbenta, at makakahawak ka ng cryptocurrency.
Bumili ng SOL dito

Ano ang Solana (SOL)

Ang Solana ay isang Proof of Stake na third-generation na blockchain na itinatag noong 2017 ni Anatoly Yakovenko. Sinusubukang makamit ng network ang ilan sa pinakamabibilis na pagproseso ng transaksyon sa industriya sa pamamagitan ng natatangi nitong mekanismo ng Proof of History. Sa pamamagitan ng pagsasama ng Proof of History at Proof of Stake, sinasabi ng network na nakakapagproseso ito ng 50,000 transaksyon kada segundo.

Hina-hash ng Solana ang lahat ng transaksyon sa isang linear na proseso, kaya madaling ma-verify ang pagkakasunod-sunod ng aktibidad sa network. Dahil sa feature na ito, hindi na kailangan ng timestamp at iba pang validator para makumpirma na lehitimo ang oras ng mga transaksyon.

Ginagamit ng network ang katutubong token nito na SOL para sa bayarin sa transaksyon at pag-stake. Binu-burn ng Solana ang 50% ng SOL sa bawat bayad sa transaksyon bilang bahagi ng deflationary na modelo nito. Puwede ring maging mga validator ng network ang mga may-hawak ng SOL at puwede silang mag-ambag sa pagpapatakbo ng blockchain.

Paano bumili ng Solana

Buy Solana with Bank Transfer
Bumili ng mga stablecoin na nakalista sa Binance sa pamamagitan ng pag-wire ng pera mula sa iyong account papunta sa mga provider ng mga coin na ito. Pagkatapos, gamitin ang mga stablecoin na ito para bumili ng Solana sa palitan ng Binance.
Mag-trade ng Solana
Sinusuportahan ng Binance ang pagdeposito ng mahigit sa 300 cryptocurrency, at maipapapalit mo ang ilan sa mga iyon sa Solana sa ilan sa pinakamagagandang rate sa merkado.
Bumili ng Solana gamit ang Credit Card
Puwede kang direktang bumili ng Solana gamit ang credit card o debit card sa Binance. Iniaalok namin ang pinakamagandang ruta ng pagbili ng Solana gamit ang Visa o MasterCard.

Bumili at magbenta ng SOL on the Move

I-download ang crypto trading app ng Binance at i-trade ang iyong SOL pati na ang 300+ cryptocurrency, kahit saan at kahit kailan.
I-download mula sa
Google Play
I-download sa
App Store

Binance: Kung Saan Nagte-trade ng Solana ang Mundo

Mabilis
Ang world-class na engine ng pagtutugma ng Binance ay sumusuporta sa hanggang sa 1,400,000 order bawat segundo. Sinisiguro nito na ang iyong karanasan sa pag-trade ng crypto ay mabilis at maaasahan.
Simple
Ang pag-trade ng crypto sa Binance ay mabilis at madaling maunawaan. Ilang hakbang lang ang kailangan mo para makabili agad ng Solana.
Ligtas at Pinagkakatiwalaan
Milyon-milyong user ng crypto sa buong mundo ang nagtitiwala sa amin. Ang iyong account ay poprotektahan ng aming multi-tier at multi-cluster na arkitektura ng system at pondo ng insurance ng SAFU (Secure Assets Fund for Users).
Liquid
Ang Binance ay isa sa mga pinaka-liquid na palitan ng cryptocurrency at isa rin ito sa may pinakamatataas na volume sa maraming pares ng crypto.

Ano ang Dapat Gawin Pagkatapos Kong Bumili ng Solana

Mag-store/Humawak ng Solana
Maraming user humahawak ng kanilang Solana nang umaasang tataas ang halaga nito. Ligtas mong maso-store ang Solana mo sa iyong Binance wallet o sa aming crypto wallet app na Trust Wallet, ang pinakamadaling gamitin at pinaka-secure na mobile wallet.
Mag-trade ng Solana
Puwede kang mag-trade ng Solana kapalit ng 300+ cryptocurrency sa platform ng pag-trade ng Binance na nangunguna sa industriya, mabilis, at ligtas. Nag-aalok ang Binance ng maraming pares sa pag-trade ng Solana para matugunan ang iyong mga pangangailangan.
Kumita ng Solana
Makakuha ng Mga Reward sa pag-stake ng mga coin. Ang pag-stake ay isang napakahusay na paraan para i-maximize ang mga hawak mo sa pag-stake ng mga coin na nakatengga lang sana sa wallet o account sa pag-trade.
Matuto Pa Tungkol sa Solana
Makakapagbasa ka ng mga mas detalyadong artikulo tungkol sa Solana at mapag-aaralan mo kung paano gumagana ang mga cryptocurrency gaya ng Solana sa Binance Academy

Simulang bumili ng SOL

Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mong bumili ng ilang Solana, gawin ang susunod na hakbang sa Binance!
Mag-umpisa ngayon
Ang mga presyo ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado at volatility ng presyo. Dapat ka lang mamuhunan sa mga produktong pamilyar sa iyo at kung saan nauunawaan mo ang mga nauugnay na panganib. Dapat mong isaalang-alang nang mabuti ang iyong karanasan sa pamumuhunan, pinansyal na sitwasyon, mga layunin sa pamumuhunan, at tolerance sa panganib at kumonsulta sa isang independent na tagapayo sa pananalapi bago gumawa ng anumang pamumuhunan. Ang materyal na ito ay hindi dapat ipakahulugang pinansyal na payo. Ang nakaraang performance ay hindi maaasahang tagapagpahiwatig ng performance sa hinaharap. Puwede pa ring bumaba o tumaas ang halaga ng iyong pamumuhunan, at puwedeng hindi mo mabawi ang halagang ipinuhunan mo. Ikaw lang ang responsable sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Hindi responsibilidad ng Binance ang anumang pagkalugi na puwede mong matamo. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa amingMga Tuntunin ng Paggamit at Babala sa Panganib.
Tandaan na ang data na may kaugnayan sa mga cryptocurrency na nabanggit sa itaas na inilahad dito (tulad ng kasalukuyang live na presyo) ay batay sa mga third party na pinagkukunan. Inilahad ang mga ito sa iyo sa isang "as is" na batayan at para lang sa pagbibigay ng impormasyon, nang walang anumang representasyon o warranty. Ang mga link na ibinigay sa mga third-party na site ay wala rin sa kontrol ng Binance. Hindi responsibilidad ng Binance ang pagiging maaasahan at katumpakan ng mga third-party na site na ito at ng kanilang mga content.