Paano Bumili ng XRP
Ano ang Ripple (XRP)
Ang Ripple (XRP) ay isang blockchain-based na network at protocol ng digital na pagbabayad na magkasamang itinatag nina Chris Larsen at Jed McCaleb noong 2012. Nag-aalok ito ng tuloy-tuloy na pagpapapalit at pag-remit ng mga asset sa pamamagitan ng peer-to-peer na desentralisadong platform nito, na naglalayong magbigay ng mas mahuhusay na serbisyo sa pagbabangko.
Ibang mekanismo ng consensus ang ginagamit ng Ripple para magkumpirma ng mga transaksyon. Umaasa ito sa isang protocol ng consensus para mag-validate ng mga balanse sa account at transaksyon sa system at maiwasan ang dobleng paggastos. Halos agaran ang mga kumpirmasyon at maliit na bayad lang ang sinisingil nito. Kapag nagsasagawa ng transaksyon ang mga user sa Ripple, nagkakaltas ang network ng maliit na halaga ng XRP, ang katutubong cryptocurrency nito, bilang bayad. Ginagamit din ang XRP bilang tagapamagitan ng palitan ng dalawang asset o network para magbigay-daan sa mabilis na pag-convert. Ginagamit din ang XRP bilang pandaigdigang tulay na currency sa pagitan ng maraming fiat currency. Puwedeng bilhin ang XRP sa palitan ng Binance.
Paano bumili ng XRP
Bumili at magbenta ng XRP on the Move
