Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano bumili ng Ethereum (ETH)

Ang Binance ay ang pinakamagandang lugar para madaling makabili, makapagbenta, makapag-trade, at makahawak ng ETH. Kapag nag-sign up ka para sa account sa Binance, makakabili, makakapagbenta, at makakahawak ka ng cryptocurrency.
Bumili ng ETH dito

Ano ang Ethereum (ETH)

Ang Ethereum ay isang open-source na blockchain na may sarili nitong cryptocurrency, ang ether (ETH). Bagama't madalas na napagpapalit ng gamit ang dalawang pangalan, sa teknikal na usapan, ang Ether (ETH) ang aktwal na token, at ang Ethereum ay ang teknolohiya ng blockchain na nasa likod ng cryptocurrency. Hindi posibleng direktang mamuhunan sa Ethereum, pero puwede kang bumili ng Ether.

Ang Ethereum ay itinatag ng programmer na si Vitalik Buterin noong 2015. Isa itong desentralisadong pampublikong ledger na nagva-validate at nagtatala ng mga transaksyon. Nagbibigay-daan din ito sa mga developer na bumuo, mag-publish, at gumamit ng mga smart contract at desentralisadong application (dApp) nang hindi nangangailangan ng mga serbisyo ng third party. Nagbigay-daan ang Ethereum sa mga bagong cryptocurrency, produkto, at serbisyo, kasama na ang trending na mga non-fungible token (NFT). Naging marketplace na ito para sa mga serbisyong pampinansyal, laro, at app — na lahat ay puwedeng bayaran gamit ang ETH. ETH ang pangalawang pinakamalaking cryptocurrency ayon sa market capitalization pagkatapos ng Bitcoin.

Paano bumili ng Ethereum

Buy Ethereum with Bank Transfer
Bumili ng mga stablecoin na nakalista sa Binance sa pamamagitan ng pag-wire ng pera mula sa iyong account papunta sa mga provider ng mga coin na ito. Pagkatapos, gamitin ang mga stablecoin na ito para bumili ng Ethereum sa palitan ng Binance.
Mag-trade ng Ethereum
Sinusuportahan ng Binance ang pagdeposito ng mahigit sa 300 cryptocurrency, at maipapapalit mo ang ilan sa mga iyon sa Ethereum sa ilan sa pinakamagagandang rate sa merkado.
Bumili ng Ethereum gamit ang Credit Card
Puwede kang direktang bumili ng Ethereum gamit ang credit card o debit card sa Binance. Iniaalok namin ang pinakamagandang ruta ng pagbili ng Ethereum gamit ang Visa o MasterCard.
Bumili ng Ethereum nang Direkta
Puwede mo itong bilhin nang direkta mula sa ibang indibidwal sa personal o sa web sa sarili mong kondisyon. Pumunta sa palitan ng Binance P2P para bumili ng Ethereum nang lokal.

Bumili at magbenta ng ETH on the Move

I-download ang crypto trading app ng Binance at i-trade ang iyong ETH pati na ang 300+ cryptocurrency, kahit saan at kahit kailan.
I-download mula sa
Google Play
I-download sa
App Store

Binance: Kung Saan Nagte-trade ng Ethereum ang Mundo

Mabilis
Ang world-class na engine ng pagtutugma ng Binance ay sumusuporta sa hanggang sa 1,400,000 order bawat segundo. Sinisiguro nito na ang iyong karanasan sa pag-trade ng crypto ay mabilis at maaasahan.
Simple
Ang pag-trade ng crypto sa Binance ay mabilis at madaling maunawaan. Ilang hakbang lang ang kailangan mo para makabili agad ng Ethereum.
Ligtas at Pinagkakatiwalaan
Milyon-milyong user ng crypto sa buong mundo ang nagtitiwala sa amin. Ang iyong account ay poprotektahan ng aming multi-tier at multi-cluster na arkitektura ng system at pondo ng insurance ng SAFU (Secure Assets Fund for Users).
Liquid
Ang Binance ay isa sa mga pinaka-liquid na palitan ng cryptocurrency at isa rin ito sa may pinakamatataas na volume sa maraming pares ng crypto.

Ano ang Dapat Gawin Pagkatapos Kong Bumili ng Ethereum

Mag-store/Humawak ng Ethereum
Maraming user humahawak ng kanilang Ethereum nang umaasang tataas ang halaga nito. Ligtas mong maso-store ang Ethereum mo sa iyong Binance wallet o sa aming crypto wallet app na Trust Wallet, ang pinakamadaling gamitin at pinaka-secure na mobile wallet.
Mag-trade ng Ethereum
Puwede kang mag-trade ng Ethereum kapalit ng 300+ cryptocurrency sa platform ng pag-trade ng Binance na nangunguna sa industriya, mabilis, at ligtas. Nag-aalok ang Binance ng maraming pares sa pag-trade ng Ethereum para matugunan ang iyong mga pangangailangan.
Kumita ng Ethereum
Makakuha ng Mga Reward sa pag-stake ng mga coin. Ang pag-stake ay isang napakahusay na paraan para i-maximize ang mga hawak mo sa pag-stake ng mga coin na nakatengga lang sana sa wallet o account sa pag-trade.
Magpadala ng Ethereum
Oo, sa Binance Pay, madali kang makakapaglipat ng halaga sa buong mundo, nang mabilis. Puwede kang bumili ng Ethereum online at magpadala kahit kanino at kahit saan gamit ang kanilang Ethereum address nang WALANG bayarin.
Gumastos ng Ethereum
Puwede ka ring bumili ng mga produkto at serbisyo gamit ang iyong Ethereum. Parami nang parami ang mga vendor at retailer na tumatanggap ng Ethereum araw-araw. Bisitahin ang alinman sa mga nakalistang merchant para bilhin ang mga paborito mong bagay gamit ang Ethereum sa Binance Pay.
Mag-donate ng Ethereum
Tumatanggap ang Binance Charity ng mga donasyong Ethereum para sa mga pandaigdigang proyekto na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga taong nasa tinatawag na bottom billion o pinakamahihirap sa mundo. Puwede kang mag-donate ng Ethereum para walang mapag-iwanan sa paglagong dala ng blockchain.
Matuto Pa Tungkol sa Ethereum
Makakapagbasa ka ng mga mas detalyadong artikulo tungkol sa Ethereum at mapag-aaralan mo kung paano gumagana ang mga cryptocurrency gaya ng Ethereum sa Binance Academy

Simulang bumili ng ETH

Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mong bumili ng ilang Ethereum, gawin ang susunod na hakbang sa Binance!
Mag-umpisa ngayon
Ang mga aktibidad ng pamumuhunan sa cryptocurrency, kabilang ang mga aksyong ginagawa para bumili ng Ethereum online sa pamamagitan ng Binance, ay posibleng maapektuhan ng panganib sa merkado. Nagbibigay ang Binance ng madadali at magiginhawang paraan para makabili ka agad ng Ethereum, at ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para magkaroon ng sapat na kaalaman ang aming mga user tungkol sa bawat isang cryptocurrency na iniaalok namin sa palitan, pero hindi kami responsable sa mga posibleng maging resulta ng pagbili mo ng Ethereum. Ang page na ito at ang anumang impormasyong narito ay hindi dapat ipagpalagay na pag-eendorso ng anumang partikular na cryptocurrency o paraan ng pagkuha nito.