Paano bumili ng Bitcoin Cash (BCH)
Ano ang Bitcoin Cash (BCH)
Ang Bitcoin Cash, na ginawa noong 2017, ay isang fork ng orihinal na blockchain ng Bitcoin. Sinusubukang ayusin ng proyekto ang mga isyu ng Bitcoin sa scalability at bayarin sa transaksyon sa pamamagitan ng pagtataas ng limitasyon sa laki ng block. Sa pagbabagong ito, puwedeng magkaroon ng mas maraming transaksyon sa bawat block kaysa sa orihinal na idinisenyo ni Satoshi Nakamoto. Kasama sa iba pang pagbabago ang dynamic na pag-adjust sa hirap ng pagmimina, mga smart contract, at suporta sa pag-isyu ng token.
Kapareho ng mekanismo ng consensus na Proof of Work ng orihinal na network ng Bitcoin ang sa Bitcoin Cash. Pareho itong may target na tagal na 10 minuto kada nakumpletong block at max na supply na 21 milyon. Noong panahon ng hard fork, anumang wallet na may hawak na Bitcoin ay nakatanggap ng katumbas na dami ng Bitcoin Cash.
Kilala rin ang Bitcoin Cash bilang Bitcoin Cash ABC para matukoy ang pagkakaiba nito sa ibang hard fork na kilala bilang Bitcoin Cash SV.
Paano bumili ng Bitcoin Cash
Bumili at magbenta ng BCH on the Move
