Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Binance Pay
Paano Tumanggap ng Mga Pagbabayad Gamit ang Cryptocurrency sa Binance Pay
Paano Tumanggap ng Mga Pagbabayad Gamit ang Cryptocurrency sa Binance Pay
2021-04-15 07:10
May dalawang paraan para makatanggap ng mga pagbabayad sa cryptocurrency sa Binance Pay. Puwede kang humiling ng mga pagbabayad gamit ang QR code mo sa Binance Pay, o ang email, numero ng telepono, Binance ID(UID) o Pay ID ng iyong account sa Binance.
Paano tumanggap ng mga pagbabayad gamit ang cryptocurrency sa Binance Pay sa pamamagitan ng website ng Binance?
Sundin ang mga sunod-sunod na tagubilin sa video na ito:
Paano tumanggap ng mga pagbabayad gamit ang cryptocurrency sa Binance Pay sa pamamagitan ng Binance App?
1. Bumuo ng QR code para makatanggap ng mga pagbabayad
Mayroong tatlong uri ng QR code na puwede mong buuin para makatanggap ng mga pagbabayad.
- Mga pagbabayad sa anumang cryptocurrency
- Mga pagbabayad sa isang partikular na cryptocurrency
- Mga pagbabayad sa isang partikular na cryptocurrency at halaga
Paano bumuo ng QR code para sa mga pagbabayad sa anumang cryptocurrency?
1. Pumunta sa [User Center] - [Pay], at i-tap ang [Tumanggap].

O puwede mong direktang i-tap ang [...] sa homepage ng App at i-tap ang [Tumanggap] para buuin ang iyong natatanging QR code at Pay ID.

2. I-tap ang [I-save ang QR] para i-save ang QR code. Pagkatapos ay maipapadala mo na ito sa ibang tao para sa pagbabayad.

3. Kapag nakumpleto na ang pagbabayad, makikita mo ito sa iyong Funding Wallet.
Paano bumuo ng QR code para sa mga pagbabayad sa isang partikular na cryptocurrency?
1. I-tap ang [Magdagdag ng Halaga], piliin ang cryptocurrency na gusto mong matanggap mula sa kabilang partido. I-tap ang [Kumpirmahin].

2. Bubuo ang system ng natatanging QR code batay sa pinili mong cryptocurrency. Ipadala lang ang QR code na ito o ang iyong Pay ID sa kabilang partido para makatanggap ng bayad na cryptocurrency.

Paano bumuo ng QR code para sa mga pagbabayad sa isang partikular na cryptocurrency at halaga?
Kung gusto mong tukuyin ang cryptocurrency at halaga sa magpapadala, puwede mong i-tap ang [Magdagdag ng Halaga], piliin ang cryptocurrency, at idagdag ang halagang gusto mong matanggap. Puwede ka ring magdagdag ng tala para sa kabilang partido. I-tap ang [Kumpirmahin], bubuo ang Binance Pay ng natatanging QR code batay sa mga detalye ng pagbabayad. Ipadala lang ang QR code na ito o ang iyong Pay ID sa kabilang partido para makatanggap ng bayad na cryptocurrency.

2. Gamitin ang email/numero ng telepono/Binance ID(UID)/Pay ID ng iyong account sa Binance para makatanggap ng mga pagbabayad
Puwede mo ring ipadala sa magpapadala ang email, numero ng telepono, Binance ID, o Pay ID ng iyong account sa Binance para makatanggap ng mga pagbabayad gamit ang cryptocurrency. Para tingnan ang iyong Binance ID, mag-tap lang sa larawan sa iyong profile sa kaliwang sulok sa itaas.
Tandaan: Iba ang Pay ID kaysa sa Binance ID(UID). Binubuo ang Pay ID mula sa Binance Pay at partikular itong ginagamit para tumanggap ng cryptocurrency. Ang iyong Binance ID ay ang natatangi mong identifier sa Binance na ginagamit para matukoy ang iyong account.
Paano hanapin ang aking Binance Pay ID?
Puwede kang magpadala at makatanggap ng crypto sa pamamagitan ng iyong Binance Pay ID. Tingnan natin kung paano mahahanap ang iyong Pay ID sa website at App ng Binance.
Sa website:
Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pananalapi] - [Binance Pay]. Makikita mo ang iyong Pay ID sa ibaba ng alyas mo.

Sa App:
May ilang paraan para makita ang iyong Pay ID sa Binance App.
1. Mag-tap sa icon na [Pay] mula sa homepage ng App.

2. Puwede mo ring i-tap ang QR code scanner sa homepage ng App, pagkatapos ay i-tap ang [Tumanggap] para pumunta sa Binance Pay.

3. Makikita mo ang iyong Pay ID sa itaas ng screen.

Pagkatapos makumpleto ang pagbabayad, lalabas ang mga pondo sa iyong [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay] - [Kasaysayan ng Pagbabayad].