Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn
Pag-farm ng Liquidity
Paano Tingnan ang Aking Bahagi sa Pag-farm ng Liquidity at Kasaysayan sa Binance
Paano Tingnan ang Aking Bahagi sa Pag-farm ng Liquidity at Kasaysayan sa Binance
2022-04-12 01:07
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity].

2. I-click ang [Pangkalahatang-ideya] - [Ipakita ang Aking Bahagi] at makikita mo ang kabuuang hindi pa nake-claim na mga reward at mga detalye ng bahagi rito.

Ipinapakita ng Kabuuang Hindi Pa Nake-claim na Mga Reward ang kasalukuyang kabuuang value ng mga hindi mo pa nake-claim na reward.
Ipinapakita ng Mga Detalye ng Bahagi ang mga detalye ng mga aktibo mong pares ng liquidity.
PNL ng Value ng Bahagi: Ang lahat ng kita at pagkalugi mula sa kasalukuyang market-making share ay kinabibilangan ng gastos + kita sa bayad sa pag-trade + kita sa interes + pansamantalang pagkalugi + mga hindi pa nake-claim na reward.
Komposisyon ng Bahagi ng Pool: Mga kasalukuyang composite ng iyong bahagi.
Gastos bawat Bahagi: Ang value ng share na makukuha mo kapag nailagay na ang iyong order. Hindi kasama ang mga nauugnay na bayad sa komisyon.
Bahagi ng Pool: Mababago ang ratio ng bahagi ayon sa pagbabago sa Bahagi ng pool.
3. I-click ang [Kasaysayan] - [Liquidity] para makita ang kasaysayan ng liquidity mo, mga na-claim na reward, at history ng pamamahagi. Puwede mong baguhin ang Petsa, Pares, at Uri para maghanap ng mga dating order.

Mahahalagang Tala:
- Kapag labis ang naging pagbabago-bago ng presyo ng isang token sa merkado, posibleng hindi makakuha ng parehong kita sa value ang mga shareholder ng pool ng pares ng token (mga tagapagbigay ng liquidity). Ibig sabihin, ang pagdaragdag ng liquidity ay hindi isang uri ng pagdepositong walang panganib, at hindi ito isang paraan para magpreserba ng kapital.
- Tuwing UTC+0 00:00 araw-araw, gagamitin ng system ang mga asset sa kasalukuyang pool ng pares ng token - halagang idinagdag kahapon + halagang na-redeem kahapon bilang prinsipal na may interes, at ang kasalukuyang rate ng interes ng token kahapon kumpara sa token ng pool para kalkulahin ang kita sa interes. Kung walang katumbas na produkto ng savings para sa isang partikular na token, walang magiging kita sa savings.
- Pagkatapos magdagdag ng mga asset sa isang partikular na pool ng pares ng token para makakuha ng mga bahagi ng pool (magkakaroon ng nauugnay na bayarin ang pagdaragdag ng isang token), puwedeng ma-redeem ang mga ito mula sa parehong pool ng pares ng token sa pamamagitan ng mga bahagi ng pool. Puwede kang mag-redeem ng dalawang token sa parehong oras sa proporsyonal na paraan, o puwede kang pumili ng isang token na ire-redeem. Kapag nagre-redeem ng token, dahil kailangan mong mag-trade ng isa pang token sa pool ng pares bilang token na pinili mong i-redeem, may sisingiling bayad sa transaksyon, na ibabawas sa halagang puwede mong makuha.
- Ia-adjust ang slippage ng transaksyon nang real-time ayon sa mga kondisyon ng merkado, at ang presyong ipapakita sa page ay posibleng hindi ang pinal na presyo ng slippage ng transaksyon.