Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Binance Futures
Strategy Trading
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Mga COIN-M Futures Contract
Gabay sa Futures
Hedge Mode
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Index
Trading Rules
Leveraged Token
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Paliitin ang Tsansa Mong Ma-liquidate

2021-08-04 12:57

1. Bantayan ang Ratio ng Margin

Para maiwasan ang liquidation, kailangan mong bantayan nang mabuti ang iyong Ratio ng Margin sa Futures. Kapag umabot sa 100% ang ratio ng margin mo, mali-liquidate ang ilan sa iyong mga posisyon, kung hindi man ang lahat ng ito. 
Kinakalkula ang ratio ng margin bilang maintenance margin na hinati sa balanse sa margin.
Samakatuwid, kung magiging mas mababa ang iyong balanse sa margin kaysa sa rate ng maintenance margin - ili-liquidate ng palitan ang mga posisyon mo.
Kung sakaling bumagsak ang presyo, siguraduhing may sapat kang balanse sa margin sa iyong futures account. Kung mas mataas ang iyong balanse sa margin, mas mababa ang liquidation price.
Puwede mong gamitin ang calculator ng Liquidation price ng Binance Futures para kalkulahin kung gaano mapapababa ang liquidation price kung daragdagan mo ang balanse sa iyong wallet.

2. Gamitin ang function na stop-loss para limitahan at kontrolin ang mga posibleng pagkalugi

Ang stop-loss order ay isang kondisyonal na order na ipinapatupad sa isang tinukoy na presyo pagkatapos maabot ang isang partikular na stop price. Kapag naabot na ang stop price, bibili o magbebenta ito sa market/limit price depende sa mga parameter ng iyong order.
Idinisenyo ang isang stop-loss para limitahan ang pagkalugi ng isang mamumuhunan sa isang posisyong magkakaroon ng hindi magandang paggalaw. Halimbawa, nag-set up ka ng 20% stop loss mula sa iyong entry price.
Ipagpalagay na ipinatupad ang iyong entry order sa $40,000. Mati-trigger ang stop-loss order kapag bumaba ang presyo nang -20% mula $40,000.
Sa pamamagitan ng pagtatakda ng stop-loss function, makakalabas ka nang mas maaga sa paluging posisyon at maiiwasan mong ma-liquidate.

3. Iwasang mag-ipon pa ng mga kontrata sa paluging posisyon

Pag-isipan natin ang sitwasyong ito. Ipagpalagay na mayroon kang 500 USDT na balanse sa wallet. Pumasok ka sa isang long na posisyon ng BTCUSDT na nagkakahalaga ng 1,000 USDT na may 20x na leverage sa $50,000. Sa halimbawang ito, $25,100.40 ang iyong liquidation price.
Ngayon, ipagpalagay na babagsak ang presyo ng BTCUSDT nang 10% sa $45,000. Sa puntong ito, nagpasya kang dagdagan ang iyong paluging posisyon at naglagay ka ng isa pang long na posisyon ng BTCUSDT na nagkakahalaga ng 1000 USDT na may 20x na leverage sa $45,000. Pagka-adjust sa pinakabago mong posisyon, $35,857.67 na ngayon ang liquidation price.
Gaya ng ipinakita, kapag nagdagdag ka pa ng mga kontrata sa paluging posisyon, tataas ang iyong liquidation price ng buong posisyon.