Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
Mga Loan sa Crypto
Gift Card
Binance Pay
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Magpadala ng Cryptocurrency sa Isang Indibiwal gamit ang Binance Pay

2021-08-06 10:35
May dalawang paraan para magpadala ng crypto sa iba gamit ang Binance Pay: sa pamamagitan ng QR code o ng email, numero ng telepono, Binance ID(UID), o Pay ID ng iyong account sa Binance. 

Paano magpadala ng cryptocurrency gamit ang QR code?

1. I-scan lang ang Binance Pay QR code ng kabilang partido gamit ang iyong Binance App. May dalawang paraan para ma-access ang QR code scanner sa iyong Binance App:
1.1 Maa-access mo ang Binance QR code scanner sa pamamagitan ng widget ng Binance. Pindutin nang matagal ang icon ng Binance App sa home screen ng iyong mobile. I-tap ang [I-scan].
1.2 Puwede mo ring i-access ang Binance QR code scanner sa pamamagitan ng Binance App. I-tap ang QR code scanner sa homepage.
2. Makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad pagkatapos i-scan ang QR code. Suriin at kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad.
Tandaan na ang mga detalye ng pagbabayad mo ay mag-iiba depende sa mga tagubilin sa pagbabayad na itinakda ng kabilang partido pagkagawa ng QR code.
3. I-tap ang [Magpatuloy] pagkatapos kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad. Kung gusto mong baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad, i-tap ang [Paraan ng Pagbabayad] para tingnan ang mga available na paraan ng pagbabayad. Pagkatapos noon, i-tap ang [Kumpirmahin].
4. Ilagay ang iyong Pay PIN para sa pag-verify sa pagbabayad. Tandaan na mala-lock ang iyong Pay PIN pagkatapos ng 5 maling pagtatangka.
Kung sakaling ma-lock ang iyong Pay PIN, puwede mong subukan ulit pagkatapos ng limang oras.
5. Pagkatapos i-verify ang iyong PIN, makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad. Nakumpleto na ang iyong pagbabayad.
Para magbayad sa isang tao gamit ang mga paraan ng pagbabayad na ito, kailangan mo ang email, numero ng telepono, Binance ID(UID), o Pay ID ng account niya sa Binance.
1. Mag-log in sa iyong Binance App, pumunta sa [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay].
O i-tap lang ang button na [...] at piliin ang [Magpadala].
2. Puwede mong i-paste o manu-manong ilagay ang email, numero ng telepono, Binance ID(UID), o Pay ID ng account sa Binance ng kabilang partido. I-tap ang [Magpatuloy].
3. Ire-redirect ka ng system sa page ng listahan ng cryptocurrency. Puwede mong tingnan ang available na balanse sa Funding at Spot Wallet. Kung walang available na asset, dapat ka munang maglipat ng mga pondo sa iyong Funding o Spot Wallet.
Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ilipat.
4. Ilagay ang halagang babayaran at mga tala (kung mayroon) para sa pagbabayad na ito.
5. I-tap ang [Kumpirmahin]. Kung gusto mong baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad, i-tap ang [Paraan ng Pagbabayad] para tingnan ang mga available na paraan ng pagbabayad. Pagkatapos noon, i-tap ang [Kumpirmahin].
6. Ilagay ang Pay PIN mo para sa pag-verify sa pagbabayad.
7. Pagkatapos i-verify ang iyong PIN, makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad. Nakumpleto na ang iyong pagbabayad.
Ibabawas sa balanse sa iyong Funding Wallet o Spot Wallet ang halagang binayaran ayon sa itinakda mong pagkakasunod-sunod ng cryptocurrency.
Sa kasalukuyan, puwede ka lang magbayad sa mga merchant sa Binance Pay sa pamamagitan ng QR code. Humingi muna ng QR code sa merchant.
1. Buksan ang iyong Binance App at i-tap ang QR code scanner sa homepage. I-scan ang QR code ng merchant.
2. Makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad pagkatapos i-scan ang QR code. Puwede mong i-tap ang icon ng impormasyon sa tabi ng pangalan ng merchant para makita ang kanyang listahan ng mga hindi sinusuportahang cryptocurrency ng pagbabayad. I-tap ang [Magpatuloy] pagkatapos kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad.
3. Ipapakita na ng App ang mga cryptocurrency na gagamitin sa pagbabayad mo ayon sa iyong mga setting ng priyoridad ng pagbabayad. Suriin ang mga detalye ng pagbabayad at i-tap ang [Kumpirmahin].
Tandaan na kung sakaling hindi sapat ang balanse ng iyong priyoridad na crypto para mabayaran ang halagang babayaran, maraming cryptocurrency ang gagamitin sa gusto mong pagkakasunod-sunod ng pagbabayad para maisagawa ang iyong pagbabayad.
4.1. Baguhin ang iyong cryptocurrency ng pagbabayad/pagkakasunod-sunod ng cryptocurrency ng pagbabayad (opsyonal)
Kung gusto mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng iyong cryptocurrency ng pagbabayad, i-tap ang [>] sa tabi ng [Currency] para tingnan ang iyong available na balanse ng cryptocurrency para sa pagbabayad.
I-drag lang ang available na crypto para ilagay ang mga ito sa gusto mong pagkakasunod-sunod. Malalapat lang ang setting na ito sa iyong kasalukuyang transaksyon at hindi ito makakaapekto sa inisyal na pagkakasunod-sunod ng priyoridad ng pagbabayad na na-configure noong na-set up ang wallet mo.
5. Ilagay ang Pay PIN mo para sa pag-verify sa pagbabayad. Tandaan na mala-lock ang iyong Pay PIN pagkatapos ng 5 maling pagtatangka.
Kung sakaling ma-lock ang iyong Pay PIN, puwede mong subukan ulit pagkatapos ng limang oras.
6. Matapos i-verify ang iyong PIN, makikita mo ang iyong Mga Detalye ng Pagbabayad. Nakumpleto na ang iyong pagbabayad.