Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
NFT
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Image
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Image
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Image
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
Image
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Gift Card
Paano Maging Isang Binance Gift Card Partner

Paano Maging Isang Binance Gift Card Partner

2022-01-20 06:23
Mga Distributor/Reseller
P2P (Peer-to-Peer) Trade Merchant
Mga Platform ng Palitan/Broker
Merchant
Mga Distributor/Reseller

Ano ang Binance Gift Card?

Ang Binance Gift Card ay isang prepaid na crypto voucher na nagbibigay-daan sa simpleng paglilipat at pakikipagpalitan ng crypto. Mabibili ang mga Binance Gift Card ng mga user at hindi user ng crypto para magdeposito lang ng mga pondo sa kanilang account sa Binance o iba pang account na tumatanggap ng mga Binance Gift Card bilang anyo ng paglilipat ng crypto.

Ano ang mga gamit at benepisyo ng pamamahagi ng mga Binance Gift Card?

Bilang Distributor ng Binance Gift Card, kasama sa mga pinakakaraniwang gamit at benepisyo ang:
  • Kumita sa pag-resell ng Binance Gift Card sa anumang presyo o currency
  • Hikayatin ang mga mahilig sa crypto sa buong mundo sa pamamagitan pagbibigay ng mga reward sa customer sa Binance Gift Card
  • Alternatibong paraan ng pagpapasuweldo
  • Mga airdrop ng NFT/Token
  • Offline na pamamahagi para sa mga event

Paano magsimula sa Binance Gift Card?

Hakbang 1: Magrehistro ng Account sa Binance at kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan
Hakbang 2: Ihanda ang mga pondo sa iyong Binance Funding Wallet
Hakbang 3: Bumuo ng mga Binance Gift Card sa pamamagitan ng API o gumawa ng mga Binance Gift Card nang maramihan sa pamamagitan ng website ng Gift Card
Narito ang mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card:
  • Limitasyon sa halaga: 2 BTC/24 na oras
  • Limitasyon sa paggawa: 200 gift card/24 na oras
Hakbang 4: Mamahagi ng mga Binance Gift Card sa iyong platform

Paano mamahagi o mag-resell ng mga Binance Gift Card?

Isang karaniwang halimbawa ng proseso ng pamamahagi sa pamamagitan ng Maramihang Paggawa:
Hakbang 1: Magdeposito ng mga pondo sa iyong Binance Funding Wallet at gumawa ng mga Binance Gift Card nang maramihan.
Hakbang 2: Tumanggap ng mga order ng Binance Gift Card mula sa mga customer at mabayaran nang cash.
Hakbang 3: Magpadala ng mga nagawa nang Binance Gift Card sa mga customer.
Hakbang 4: Magre-redeem ng mga Binance Gift Card ang mga customer para maging crypto sa Binance.
Isang karaniwang halimbawa ng proseso ng pamamahagi sa pamamagitan ng API:
Hakbang 1: I-set up ang Binance Gift Card API at magdeposito ng mga pondo sa iyong Binance Funding Wallet.
Hakbang 2: Tumanggap ng mga order ng Binance Gift Card mula sa mga customer at mabayaran nang cash.
Hakbang 3: Bumuo ng mga Binance Gift Card sa pamamagitan ng Binance Gift Card API at ipadala ang mga iyon sa mga customer.
Hakbang 4: Magre-redeem ng mga Binance Gift Card ang mga customer para maging crypto sa Binance.

Mga Madalas Itanong

1. Magkano ko maire-resell ang mga Binance Gift Card?
Kapag naging distributor ka ng Binance Gift Card, puwede kang magtakda ng gusto mong selling price at tumubo.
2. Paano ko magagamit ang Binance Gift Card para sa mga reward ng customer?
Puwede mong gamitin ang Binance Gift Card bilang insentibo para makaugnayan ang mga regular na customer. Halimbawa, puwede mong palitan ng Binance Gift Card ang loyalty/reward points ng customer, ibig sabihin, puwedeng i-convert ng isang kumpanya ng airline ang miles ng mga customer sa mga Binance Gift Card.
3. Paano pataasin ang pang-araw-araw kong limitasyon para sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card?
Kung gusto mong pataasin ang iyong mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card, mag-email sa giftcard@binance.com at isama ang iyong UID sa Binance na nakakonekta sa Binance Gift Card API o ginamit para bumuo ng mga Binance Gift Card at ang impormasyon ng kumpanya/platform mo. Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 7 araw ng trabaho para sa mga karagdagang tagubilin.
4. Anong cryptocurrency ang maibebenta ko?
Sinusuportahan ng Binance Gift Card ang karamihan ng mga cryptocurrency na nakalista sa Binance Funding Wallet. Puwede kang magbenta ng mga Binance Gift Card sa anumang cryptocurrency na sinusuportahan namin.
5. Saan ko makikita ang Binance Gift Card?
Puwede mong ibenta ang mga gift card gamit ang iyong mga platform at outlet bilang distributor.
6. Nagbibigay ba kayo ng mga invoice sa pagbili?
Hindi kami nagbibigay ng mga invoice. Para humiling ng mga Binance Gift Card, puwede kang magbayad ng crypto nang walang anumang karagdagang bayarin sa ngayon. O kaya, kung mas gusto mong magbayad ng US dollars, puwede ka naming tulungan sa pag-convert.
7. Puwede ba akong mag-resell ng Binance Gift Card bilang co-branded na gift card?
I-email sa giftcard@binance.com ang profile ng iyong kumpanya at ang impormasyon ng platform ng pamamahagi para mas mapag-usapan pa ito.

Ano ang Binance Gift Card?

Ang Binance Gift Card ay isang prepaid na crypto voucher na nagbibigay-daan sa simpleng paglilipat at pakikipagpalitan ng crypto. Ang mga Binance Gift Card na ito ay puwedeng i-trade at gamitin ng mga user at hindi user ng crypto sa mga platform sa labas ng ecosystem ng Binance.

Ano ang benepisyo ng pag-trade ng Binance Gift Card bilang P2P trade merchant?

Bilang P2P trade merchant ng Binance Gift Card, puwede kang bumili at magbenta ng crypto sa mga Binance Gift Card at makinabang sa arbitrage ng crypto. Sa pamamagitan ng pagpapalawak o pagsisimula ng iyong negosyo bilang P2P trade merchant, mahihikayat mo ang mga mahilig sa crypto sa buong mundo at mapapataas mo ang trapiko sa iyong platform.

Paano magsimula sa Binance Gift Card?

Hakbang 1: Magrehistro ng Account sa Binance at kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan
Hakbang 2: Ihanda ang mga pondo sa iyong Binance Funding Wallet 
Hakbang 3: Mag-trade ng mga Binance Gift Card sa iyong platform 
Hakbang 4: Bumuo at mag-redeem ng mga Binance Gift Card sa pamamagitan ng API o gumawa ng mga Binance Gift Card nang maramihan sa pamamagitan ng website ng Gift Card 
Narito ang mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card:
  • Limitasyon sa halaga: 2 BTC/24 na oras
  • Limitasyon sa paggawa: 200 gift card/24 na oras

Paano bumili at magbenta ng Mga Binance Gift Card?

Isang karaniwang halimbawa ng isang P2P trade merchant na nagbebenta ng mga Binance Gift Card:
Hakbang 1: Hihiling ng Binance Gift Card ang iyong mga customer at magbabayad sila nang cash.
Hakbang 2: Hihilingin mo ang gift card sa pamamagitan ng API o bubuuin mo ito nang manu-mano sa pamamagitan ng website ng Gift Card at ipapadala ito sa iyong customer.
Hakbang 3: Magagawa ng customer mo na i-redeem ang gift card sa Binance o i-trade ang gift card sa platform mo.
Isang karaniwang halimbawa ng isang P2P trade merchant na bumibili ng mga Binance Gift Card:
Hakbang 1: Magbebenta ng mga Binance Gift Card ang iyong mga customer sa platform mo.
Hakbang 2: Iva-validate o ire-redeem ng iyong platform ang mga gift card sa pamamagitan ng API o ire-redeem nito ito nang manu-mano sa pamamagitan ng website ng Gift Card
Hakbang 3: Babayaran mo ang mga customer sa pamamagitan ng napagkasunduang paraan ng pagbabayad.

Mga Madalas Itanong

1. Paano ako makikinabang sa Binance Gift Card bilang P2P trade merchant? 
Mapapalaki mo ang iyong kita sa pagbebenta sa pamamagitan ng pag-resell ng mga Binance Gift Card sa markup price, o pagbili ng mga Binance Gift Card mula sa mga customer sa mas mababang presyo. Sa ganitong serbisyo sa pag-trade ng crypto, puwedeng may mahimok na bagong customer base sa iyong platform.
2. Magkano ko mabibili at maibebenta ang mga Binance Gift Card? 
Dahil ikaw ang magbebenta at bibili ng mga gift card, puwede mong itakda ang markup price ayon sa gusto mo. Maitatabi mo rin ang 100% ng kikitain mo. 
3. Paano pataasin ang pang-araw-araw kong limitasyon para sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card?
Kung gusto mong pataasin ang iyong mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card, mag-email sa giftcard@binance.com at isama ang iyong UID sa Binance na nakakonekta sa Binance Gift Card API o ginamit para bumuo ng mga Binance Gift Card at ang impormasyon ng kumpanya/platform mo. Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 7 araw ng trabaho para sa mga karagdagang tagubilin. 
4. Maa-access ba ng mga user ang kanilang Binance Gift Card sa ibang platform? 
Oo. Kumakatawan ang bawat Binance Gift Card sa isang prepaid na crypto voucher. Ang mga gift card ay puwedeng ilipat o ipapalit sa mga platform sa labas ng ecosystem ng Binance. 
5. Ano ang pinagkaiba ng distributor at P2P trade merchant? 
Ang mga distributor ang nagre-resell o nagdi-disburse ng mga Binance Gift Card sa mga regular na retail o corporate na kliyente. Ang mga P2P trade merchant ay mga platform ng pag-trade na gustong kumita sa pamamagitan ng arbitrage ng crypto. Puwede silang bumili at magbenta ng mga cryptocurrency sa pamamagitan ng Binance Gift Card nang direkta sa ibang user sa mga gustong lokal na currency o paraan ng pagbabayad.
6. Anong cryptocurrency ang puwede kong bilhin o ibenta?
Sinusuportahan ng Binance Gift Card ang karamihan ng mga cryptocurrency na nakalista sa Binance Funding Wallet. Puwede kang bumili at magbenta ng mga Binance Gift Card sa anumang cryptocurrency na sinusuportahan namin. 
7. Saan ko makikita ang function ng mga Binance Gift Card? 
Puwede mong ibenta ang mga iyon sa sarili mong platform at i-market ang mga iyon paano mo man gusto. 

Ano ang Binance Gift Card?

Ang Binance Gift Card ay isang prepaid na crypto voucher na nagbibigay-daan sa simpleng paglilipat at pakikipagpalitan ng crypto. Puwedeng gamitin ang mga ito para magdeposito at mag-withdraw ng mga cryptocurrency sa mga platform sa labas ng ecosystem ng Binance.

Ano ang benepisyo ng pagtanggap at pagbuo ng mga Binance Gift Card bilang Palitan ng Crypto/Broker?

Bilang Palitan/Broker ng Binance Gift Card, mapapalaki mo ang iyong dami ng pag-trade at customer base sa pamamagitan ng pagdaragdag ng alternatibong paraan para makapagdeposito, makapaglipat, at makapag-withdraw ng crypto ang mga customer sa iyong platform. Gamit ang Binance Code API, puwede kang bumuo at mag-redeem agad ng mga gift card para sa iyong mga customer at puwede mong i-enable ang serbisyong ito gamit ang iyong mga sariling rate ng komisyon, at maitatabi mo ang 100% ng kikitain mo.

Paano magsimula sa Binance Gift Card?

Hakbang 1: Magrehistro ng Account sa Binance at kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan
Hakbang 2: Gumawa ng seksyon sa iyong platform para makapagdeposito at makapag-withdraw ng crypto ang mga customer sa pamamagitan ng Binance Gift Card
Hakbang 3: I-download at i-set up ang Binance Gift Card API para makapag-redeem o makabuo ng mga Binance Gift Card
Narito ang mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card:
  • Limitasyon sa halaga: 2 BTC/24 na oras
  • Limitasyon sa paggawa: 200 gift card/24 na oras
Hakbang 4: Simulang tumanggap at bumuo ng Binance gift card mula sa iyong mga customer

Paano gumamit ng mga Binance Gift Card para sa pagdeposito at pag-withdraw ng crypto sa platform ng palitan/broker ko?

Isang karaniwang halimbawa ng isang palitan/broker na nangangasiwa ng pagdeposito ng crypto sa pamamagitan ng mga Binance Gift Card:
Hakbang 1: Gumawa ng page para bigyang-daan ang mga customer na ilagay ang Binance Gift Card at i-set up ang API na "I-redeem ang Binance Gift Card" API
Hakbang 2: Ilalagay ng mga customer mo ang code para sa pag-redeem sa iyong page.
Hakbang 3: Iva-validate ng iyong platform ang gift card sa pamamagitan ng API. Kapag nakumpleto na ito, make-credit ang crypto sa Binance Funding Wallet mo.
Hakbang 4: Idedeposito mo ang pondo sa wallet ng customer sa iyong platform.
Isang karaniwang halimbawa ng isang palitan/broker na nangangasiwa ng pag-withdraw ng crypto sa pamamagitan ng mga Binance Gift Card:
Hakbang 1: Gumawa ng page para bigyang-daan ang mga customer na hilingin ang Binance Gift Card, i-set up ang API na "Gumawa ng Binance Code", at magdeposito ng mga pondo sa iyong Binance Funding Wallet.
Hakbang 2: Magwi-withdraw ang iyong mga customer ng mga pondo mula sa platform mo sa Binance Gift Card.
Hakbang 3: Hihilingin mo ang Binance Gift Card sa pamamagitan ng API at ipapadala mo ito sa iyong mga customer.
Hakbang 4: Magagawa ng iyong customer na i-redeem ang mga gift card sa Binance o gumamit ng Binance Gift Card para maglipat ng crypto sa iba pang sumusuportang platform.

Mga Madalas Itanong

1. Paano ako makikinabang sa Binance Gift Card bilang Palitan ng Crypto/ Broker?
Puwede kang mag-alok ng mas simple at mas murang paraan para makapagdeposito at makapag-withdraw ng crypto ang mga customer mo sa iyong platform. Mahihikayat nito ang mas maraming bagong user na gamitin ang iyong platform.
2. Ano ang pagkakaiba ng distributor at P2P trade merchant sa palitan/broker?
Ang mga distributor ang nagre-resell o nagdi-disburse ng mga Binance Gift Card sa mga regular na retail o corporate na kliyente. Ang mga P2P trade merchant ay mga platform ng pag-trade na gustong kumita sa pamamagitan ng arbitrage ng crypto. Ang mga palitan/broker ay mga negosyong tumatanggap ng mga Binance Gift Card bilang alternatibong paraan para sa pagdeposito, paglilipat, o pag-withdraw ng crypto.
3. Anong cryptocurrency ang puwede kong tanggapin at buuin?
Sinusuportahan ng Binance Gift Card ang karamihan ng mga cryptocurrency na nakalista sa Binance Funding Wallet. Puwede kang tumanggap ng mga Binance Gift Card sa anumang cryptocurrency na sinusuportahan namin.
4. Saan ko puwedeng tanggapin at buuin ang mga Binance Gift Card?
Puwede mong tanggapin at buuin ang mga iyon sa iyong platform sa pamamagitan ng Binance Gift Card API.
5. Paano pataasin ang pang-araw-araw kong limitasyon para sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card?
Kung gusto mong pataasin ang iyong mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card, mag-email sa giftcard@binance.com at isama ang iyong UID sa Binance na nakakonekta sa Binance Gift Card API at ang impormasyon ng kumpanya/platform mo. Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 7 araw ng trabaho para sa mga karagdagang tagubilin.

Ano ang Binance Gift Card?

Ang Binance Gift Card ay isang prepaid na crypto voucher na nagbibigay-daan sa simpleng paglilipat at pagdeposito ng crypto. Puwedeng gamitin ang mga ito para maglipat ng crypto at mag-top up ng value sa mga platform sa labas ng ecosystem ng Binance. 

Ano ang benepisyo ng pagtanggap ng Binance Gift Card bilang merchant?

Bilang merchant ng Binance Gift Card, puwede kang tumanggap ng crypto sa Binance Gift Card para sa iyong kasalukuyang produkto, serbisyo, o function na pag-top up. Isa ka mang platform ng e-commerce o platform para sa pag-top up ng value, ang pagtanggap ng Binance Gift Card ay magdaragdag ng flexibility sa mga kasalukuyan mong customer at makakahimok ng bagong customer base.

Paano magsimula sa Binance Gift Card?

Hakbang 1: Magrehistro ng Account sa Binance at kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan
Hakbang 2: I-set up ang Binance Gift Card API para mag-redeem ng Binance Gift Card
Narito ang mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card:
  • Limitasyon sa halaga: 2 BTC/24 na oras
  • Limitasyon sa paggawa: 200 gift card/24 na oras
Hakbang 3: Gumawa ng seksyon sa iyong platform para makapaglipat ng crypto o makapag-top up ang mga customer sa pamamagitan ng mga Binance Gift Card 
Hakbang 4: Simulang tumanggap ng mga Binance Gift Card mula sa iyong mga customer

Paano tumanggap ng mga Binance Code para sa ecommerce o digital platform ko?

Isang karaniwang halimbawa ng pagtanggap ng mga Binance Gift Card:
Hakbang 1: Ilalagay ng customer mo ang Binance Gift Card sa iyong page para sa pag-top up o pagbabayad kapalit ng isang serbisyo o produkto
Hakbang 2: Iva-validate at ire-redeem ng iyong platform ang gift card sa pamamagitan ng API. Kapag nakumpleto na ito, make-credit ang crypto sa Binance Funding Wallet mo
Hakbang 3: Ililipat o ita-top up ng iyong platform ang kaukulang asset sa mga customer mo

Mga Madalas Itanong

1. Paano ako makikinabang sa mga Binance Gift Card bilang merchant? 
Isa ka mang platform ng e-commerce o platform para sa pag-top up ng value, ang pagtanggap ng crypto sa Binance Gift Card ay magbibigay ng dagdag na flexibility sa mga kasalukuyan mong customer at makakatulong na manghikayat ng bagong customer base.
2. Anong cryptocurrency ang puwede kong tanggapin at buuin?
Sinusuportahan ng Binance Gift Card ang karamihan ng mga cryptocurrency na nakalista sa Binance Funding Wallet. Puwede kang tumanggap ng mga Binance Gift Card sa anumang cryptocurrency na sinusuportahan namin. 
3. Saan ko puwedeng tanggapin ang mga Binance Gift Card? 
Puwede kang tumanggap nito sa iyong platform sa pamamagitan ng API. 
4. Paano pataasin ang pang-araw-araw kong limitasyon para sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card?
Kung gusto mong pataasin ang iyong mga pang-araw-araw na limitasyon sa halaga at dami ng paggawa ng Binance Gift Card, mag-email sa giftcard@binance.com at isama ang iyong UID sa Binance na nakakonekta sa Binance Gift Card API at ang impormasyon ng kumpanya/platform mo. Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 7 araw ng trabaho para sa mga karagdagang tagubilin.