Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Binance Futures
Strategy Trading
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Mga COIN-M Futures Contract
Gabay sa Futures
Hedge Mode
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Index
Trading Rules
Leveraged Token
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Magbago ng Presyo at Dami ng Mga Limit Order sa Mga Chart ng Presyo

2021-08-18 03:53
Sinusuportahan na ngayon ng Binance Futures ang mga pagbabago sa bukas na order para magbigay ng flexibility sa mga trader. Puwede mong baguhin ang presyo at dami ng mga bukas na order sa iyong mga Coin-Margined contract. Tandaan na sa Coin-Margined futures lang sinusuportahan ang feature na ito.
Basahin ang aming tutorial: Paano Magbago ng Presyo at Dami ng Mga Bukas na Limit Order sa Coin-Margined Futures
Puwede ka ring magbago ng mga limit order sa chart ng presyo. Sundin ang sunod-sunod na gabay na ito para makapagsimula.
1. Pumunta sa interface ng Coin-margined futures. Tapos, piliin ang [Original] Mode sa iyong chart ng presyo.
2. Mag-click sa icon ng [Kagustuhan] na nasa kanang sulok sa itaas ng panel para sa paglalagay ng order. Susunod, piliin ang [Kagustuhan].
3. Piliin ang [Pag-adjust ng Order] at i-on ang mga button sa tabi ng [Pag-adjust ng K-line] at [Kumpirmasyon ng Pag-adjust]. I-click ang [Kumpirmahin] para i-save.
4. Kapag naka-enable na ito, mababago mo ang presyo at dami ng iyong mga limit order sa chart ng presyo. Pagkatapos mong mailagay ang iyong trade, makikita mo ang mga detalye ng Order sa iyong chart mismo.
Magkakaroon ng berdeng label ang mga buy-limit order, mapupunta sa berdeng seksyon ang presyo ng limit order, habang ipapakita sa kanan ang dami ng limit order.
Para baguhin ang dami ng limit order, mag-right click lang sa field para sa paglalagay ng dami at ilagay ang gusto mong dami.
Para baguhin ang presyo ng limit order, i-drag at i-drop lang ang iyong order at itaas o ibaba ang iyong cursor para mag-adjust para sa mas matataas o mas mabababang presyo.