Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Image
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Image
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Image
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
Gabay sa Mga Function ng Account
Paano Mag-convert ng Maliit na Balanse sa Account sa BNB

Paano Mag-convert ng Maliit na Balanse sa Account sa BNB

2020-12-29 10:13
Sa tuwing magte-trade ka, magkakaroon ng ilang "dust" - isang maliit na balanseng naiiwan sa iyong account wallet pagkatapos ng transaksyon. Sa Binance, puwede kang mag-convert ng dust na may valuation na mas mababa sa 0.0012 BTC sa BNB isang beses bawat 6 na oras gamit ang madadaling hakbang na ito.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Fiat at Spot]
2. I-click ang [Mag-convert ng Maliit na Balanse sa BNB] para suriin kung aling mga asset sa iyong account ang puwedeng i-convert sa BNB.
3. Dito makikita mo ang listahan ng mga asset na available na i-convert sa BNB. Lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng mga asset na gusto mong i-convert at i-click ang [I-convert]. Para suriin ang iyong kasaysayan ng pag-convert, i-click ang [Kasaysayan ng Pag-convert].
Tandaan:
  • Puwede kang mag-convert ng maraming asset hangga't gusto mo sa isang pag-convert.
  • Ang mga token na natanggal sa pagkakalista ay hindi puwedeng i-convert.
  • Puwede kang magsagawa ng isang pag-convert ng maliit na balanse tuwing 6 na oras.
  • Tandaan lang na ang value ng pag-convert na iminungkahi ng system ay isang pagtatantya lang. Ang mga napiling asset ay iko-convert sa BNB ayon sa kasalukuyang market price kapag nag-click ka sa [Kumpirmahin].
  • Kung ang valuation ng asset ay wala pang 0.00000001 BNB, hindi ito mako-convert sa BNB.
  • Kung mayroong 5% (o higit pang) pagbabago sa panahon ng pag-convert, para sa kapakinabangan ng aming mga user, ang proseso ng pag-convert ay hindi magpapatuloy. Subukan ulit mamaya.
Para sa karagdagang impormasyon sa crypto dust, sumangguni sa Ano ang Dusting Attack?.