1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity] - [Pangkalahatang-ideya].

2. Makikita mo ang [Kabuuang Hindi Pa Nake-claim na Mga Reward], kasama ang mga reward sa Pag-farm ng Liquidity at Pag-farm ng Pag-swap. I-click ang [I-claim] para i-claim ang iyong mga reward.

Puwede mo ring i-click ang [Ipakita ang Aking Bahagi] para tingnan ang bahagi mo. I-click ang [I-claim].

3. Kumpirmahin ang iyong mga reward at i-click ang [I-claim ang Mga Reward]. Ang iyong mga reward ay ililipat sa Spot Wallet mo.

Tandaan:
1. Ang mga reward sa Pag-farm ng Liquidity at bayad sa pag-trade ay ina-update oras-oras. Puwede mong i-click ang [I-claim ang Mga Reward] para i-claim ang mga nakuhang token sa iyong Spot Wallet kahit kailan mo gusto.
2. Ang iyong oras-oras na mga reward sa Pag-farm ng Liquidity = Ratio ng bahagi sa pool * Ang kabuuang oras-oras na mga reward sa Pag-farm ng Liquidity sa mga liquidity pool.
3. Ang iyong oras-oras na mga reward sa bayad sa pag-trade = Ratio ng bahagi sa pool * Ang kabuuang oras-oras na mga reward sa bayad sa pag-trade sa mga liquidity pool.
4. Sa ilang sitwasyon, hindi nakatanggap ng mga reward ang mga user noong nag-yield ang kanilang posisyon sa pag-farm ng liquidity ng mga reward na token na mas mababa sa 8 decimal place (hal., mas mababa sa 0.000000001 BNB). Ito ay dahil sa teknikal na limitasyon ng internal na system, kung saan hindi ito nakapagpamahagi ng mga reward na mas mababa sa 8 decimal place.
Para maiwasan itong mangyari sa mga user sa hinaharap, regular na susubaybayan at ia-adjust ng Binance ang minimum na halagang puwedeng idagdag sa mga liquidity pool.