Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
Kumita
Pananalapi
NFT
Institusyonal
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Binance Pay
Paano I-set Up ang Pay PIN Ko at ang Biometrics Pay sa Binance Pay

Paano I-set Up ang Pay PIN Ko at ang Biometrics Pay sa Binance Pay

2022-12-20 06:02
Website
App
Website
Sinusuportahan na ngayon ng Binance Pay ang paggamit ng Pay PIN at Biometrics Pay para sa mas mabilis at mas secure na mga pagbabayad. Tandaan na dapat mong i-set up ang iyong Pay PIN bago mo i-enable ang Biometrics Pay.

Paano i-set up ang Pay PIN ko sa website ng Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pananalapi] - [Binance Pay].
2. I-click ang [Mga Setting] - [Itakda ang Pay PIN].
3. Maglagay ng 6-digit na PIN code at i-click ang [Kumpirmahin]
4. Kumpletuhin ang 2FA para kumpirmahin. Masisimulan mo nang gamitin ang Pay PIN.
5. Kung gusto mong palitan ang iyong Pay PIN, pumunta sa [Mga Setting] - [Pay PIN] - [Palitan ang Pay PIN].
6. Ilagay ang iyong kasalukuyang Pay PIN at i-click ang [Kumpirmahin]. Pagkatapos, maglagay ng bagong Pay PIN. 
*Tandaan na puwede mo lang i-disable ang Pay PIN o i-enable ang Biometrics Pay mula sa Binance App. Sumangguni sa tutorial sa ibaba.

Paano i-set up ang Pay PIN ko sa Binance App?

1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-tap ang icon na [Pay] sa homepage. Pumunta sa [Setting].
2. I-tap ang [Itakda ang Pay PIN] at maglagay ng 6-digit na PIN code. Pagkatapos, kumpletuhin ang 2FA para kumpirmahin.
3. Para palitan ang iyong Pay PIN, i-tap ang [Palitan ang Pay PIN] at ilagay ang kasalukuyang PIN. Pagkatapos, maglagay ng bagong PIN at kumpirmahin.
4. Para i-disable ang Pay PIN, i-tap ang [Palitan ang Pay PIN]. Piliin ang [I-disable ang Pay PIN] at i-tap ang [Kumpirmahin].
Tandaan na kapag na-disable ang Pay PIN, madi-disable din ang Biometrics Pay.

Paano i-set up ang Biometrics Pay sa Binance App?

1. Pumunta sa [Pay] - [Setting]. I-tap ang [Biometrics Pay]
Siguraduhing na-enable mo ang Pay PIN.
2. I-tap ang [I-activate Na] at ilagay ang iyong Pay PIN para i-activate ang Biometrics Pay.   
3. Para i-disable ang Biometrics Pay, i-tap ang [Biometrics Pay] at piliin ang [I-disable ang Face ID/Fingerprint para sa Pay]. I-tap ang [Kumpirmahin].