Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
NFT
Magdeposito ng mga NFT
Paano Hanapin ang Address ng Kontrata sa NFT
Paano Hanapin ang Address ng Kontrata sa NFT
2021-10-05 02:35
Pareho na ngayong sinusuportahan ng Binance NFT ang mga ERC-721 at BEP-721 token. Puwede mong tingnan ang address ng kontrata ng iyong mga asset sa Binance NFT at mga kaugnay na platform ng NFT, o sa page na Etherscan/BSCscan ng wallet mo sa ilalim ng mga ERC-721/BEP-721 token.
Halimbawa, narito ang isang NFT sa Marketplace ng Binance NFT.

Makikita mo ang Address ng Kontrata at Token ID sa ilalim ng [Mga Detalye] sa ibaba ng visual ng NFT. Tumutukoy ang Address ng Kontrata sa address kung saan naka-deploy ang kontrata sa blockchain (hal., Ethereum), habang tumutukoy ang Token ID sa partikular na NFT na ito.
Gagamitin natin ang ERC-721 token bilang halimbawa.
Pumili ng compatible na network (ETH/BSC) para sa iyong NFT, kung hindi, posibleng mawala ang asset mo at hindi na ito mababawi.

I-paste lang ang address ng kontrata sa ilalim ng [Address ng Kontrata] habang isinasagawa ang proseso ng pagdeposito. Huwag ilagay nang manu-mano ang address.
Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Paano Magdeposito ng Mga NFT sa Binance.