Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn
Pag-farm ng Pag-swap
Paano Gumamit ng Pag-trade Gamit ang API sa Pag-farm ng Pag-swap sa Binance
Paano Gumamit ng Pag-trade Gamit ang API sa Pag-farm ng Pag-swap sa Binance
2022-04-26 02:24
Ano ang Pag-farm ng Pag-swap sa Binance?
Ang Pag-farm ng Pag-swap sa Binance, na pinapagana ng AMM (automated market maker), ay nag-aalok ng 150+ pares na puwede mong i-trade. Puwede kang makakuha ng mga dagdag na reward na BNB, na hanggang 50% ng bayarin sa pag-trade sa kabuuan.
Mga Benepisyo ng Pag-farm ng Pag-swap
- Madaling gamitin: Mag-swap sa pamamagitan ng pag-click ng button. Ang Pag-farm ng Pag-swap ay ang pinakasimpleng paraan para mag-trade para sa mga trader na may mataas na dami
- Mga pagkakataon sa arbitrage: Kumuha ng mga pagkakataon sa arbitrage sa mga spot at swap market
- Mahusay sa kapital: Mababang slippage na may mas magagandang rate kumpara sa pag-trade sa pamamagitan ng DEX
- Makakuha ng mga reward na BNB: Makakuha ng mga reward na BNB na hanggang 50% ng bayarin sa transaksyon sa kabuuan
- Pagbabawas ng bayad: Makatipid ng hanggang 50% sa bayarin sa pag-trade para sa mga VIP
- Mga kinakailangan sa VIP tier: Binibilang ang dami ng pag-trade sa Pag-farm ng Pag-swap sa dami ng pag-trade para sa mga kinakailangan sa VIP tier
Paano gamitin ang Swap Farming API?
Hakbang 1: Gawin ang iyong API
Kung mayroon ka nang Binance API, lumaktaw sa Hakbang 2.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Pamamahala ng API] mula sa icon ng [User Center].

2. Maglagay ng label/pangalan para sa iyong API key at i-click ang [Gumawa ng API].
Panseguridad na tip: Bago gumawa ng API, dapat munang i-enable ang two-factor authentication (2FA) sa iyong account.

3. Kumpletuhin ang pag-verify sa seguridad gamit ang iyong nakarehistrong 2FA device.

4. Nagawa na ang iyong API. Panatilihing naka-secure ang iyong Secret Key dahil hindi na ito ipapakita ulit. Huwag ibahagi ang key na ito kahit kanino. Kung makakalimutan mo ang iyong Secret Key, kakailanganin mong i-delete ang API at gumawa ng bago.
Tandaan ang mga paghihigpit sa pag-access sa IP. Inirerekomenda naming piliin ang [Paghigpitan ang pag-access sa mga pinagkakatiwalaang IP lang] para sa seguridad.

Hakbang 2: Kumonekta sa Binance Swap Farming API
Narito ang mga materyales na kailangan mo para makakonekta sa Pag-farm ng Pag-swap sa Binance sa pamamagitan ng API:
- API: https://binance-docs.github.io/apidocs/spot/en/#bswap-endpoints
- WebSocket: wss://nbstream.binance.com/lvt/ws/swap_price
Hakbang 3: Magsimulang mag-trade sa Pag-farm ng Pag-swap sa Binance
Kapag nakakonekta ka na sa Binance Swap Farming API, handa ka na. Puwede mong paghambingin ang mga presyo sa iba't ibang merkado at puwede kang magtakda ng sarili mong diskarte sa pag-trade.
Mga Madalas na Itanong
1. Ano ang minimum na dalas ng pag-trade para sa API ng Pag-farm ng Pag-swap?
- Mae-enjoy ng mga regular na user ang dalas ng Pag-farm ng Pag-swap na 2 segundo kada trade/pool.
- Papayagan ang mga naka-whitelist na user na mag-trade nang 1 segundo kada trade/pool.
Tandaan na ang mga naka-whitelist na user ay karaniwang mga trader ng Binance VIP/API. Makipag-ugnayan sa Binance Support o sa team ng VIP kung isa kang Binance VIP at gustong makakuha ng mas mataas na setup ng dalas.
2. Ano ang mga limitasyon sa weight para sa Pag-farm ng Pag-swap?
- Minamarkahan ang mga endpoint ayon sa limitasyon ng UID at sa kaukulang weight value ng mga ito.
- Bawat endpoint na may mga limitasyon sa UID ay may hiwalay na limitasyong 180,000 kada minuto.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Pag-farm ng Pag-swap, bisitahin ang: