Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn
Pag-farm ng Liquidity
Paano Gamitin ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance
Paano Gamitin ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance
2022-04-12 01:01
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity].

2. I-click ang [Liquidity] para pumasok sa page ng Pag-farm ng liquidity.

Paano magdagdag ng liquidity?
1. I-click ang [Magdagdag] sa box ng Liquidity, piliin ang gustong liquidity pool, at piliin ang uri ng iyong pool (dalawa o isang token).
Kung pipiliin mong magdagdag ng liquidity sa isang pool ng dalawang token, ilagay ang halaga para sa unang token at awtomatikong ipapakita ng system ang halagang kinakailangan para sa pangalawang token. Tandaan na ang pinal na halaga ng pangalawang token ay tutukuyin ng presyo ng token sa oras na mag-order ka.

Kung pipiliin mong magdagdag ng liquidity sa isang pool ng isang token, awtomatiko itong iko-convert ng system sa kaukulang token ng pool nang proporsyonal. Tandaan na magkakaroon ng kaugnay na bayad sa transaksyon kapag isinagawa ang proseso ng pag-convert.

Presyo: Ang tinantyang presyo ng pag-convert sa pagitan ng dalawang token. Nakadepende ang pinal na presyo sa halaga ng mga token sa liquidity pool sa oras na mag-order ka.
Bayad: Ang bayad sa transaksyon para sa pag-convert ng isang token sa isa pa. Naaangkop lang sa mga order sa pool ng isang token.
Bahagi: Ang inaasahang bahagi ng pool ng iyong mga token, na tinutukoy ng stock ng iba't ibang token sa liquidity pool sa oras na mag-order ka.
Bahagi ng pool: Ang tinantyang halaga ng bahagi ng pool ng mga token mo. Nagbabago-bago ang bahagi ayon sa liquidity ng pool sa oras na mag-order ka.
Slippage: Ang tinantyang porsyento ng paglihis ng pinal na naipatupad na presyo ng pag-swap mula sa kasalukuyang presyo dahil sa halaga ng pag-trade.
Kabuuang Yield: Nakabatay ang APY sa taunang 24h na dami. Kinakalkula ang kabuuang return batay sa mga reward sa liquidity at bayarin sa pag-trade. Binabayaran ang mga reward sa liquidity oras-oras at nakabatay ang bayarin sa pag-trade sa 24h na dami ng pag-trade.
2. Basahin, unawain, at sang-ayunan ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance Liquid Swap. Pagkatapos ay i-click ang [Magdagdag ng Liquidity] para kumpirmahin ang iyong order.
3. Kapag matagumpay na naidagdag ang iyong mga token, may makikita kang kumpirmasyong nagpapakita ng halaga ng token, pares, presyo, bahagi mo, kasalukuyang komposisyon ng iyong bahagi, at bahagi mo ng pool.

Puwede mong i-click ang [Tingnan ang Aking Bahagi] para tingnan ang iyong kabuuang bahagi, mga detalye ng bahagi, at kasaysayan ng liquidity, o i-click ang [Bumalik sa Liquidity] para magdagdag ng liquidity sa iba pang pool.
Paano mag-alis ng liquidity?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity].I-click ang [Alisin].

2. Piliin ang liquidity pool na gusto mong alisin, ilagay ang halaga, at piliin ang uri ng mga token na ire-redeem.
Awtomatikong kakalkulahin ng system ang presyo, bahagi ng pool, kasalukuyang laki ng pool, kasalukuyan mong bahagi, at ang mga kasalukuyang komposisyon ng bahagi. Kumpirmahin ang mga detalye at i-click ang [Alisin] para ilagay ang order.

Tandaan: Kung pipiliin mong mag-alis ng isang token, iko-convert ng system ang dalawang token sa napili mong token, at magkakaroon ng kaugnay na bayad sa transaksyon kapag isinagawa ang proseso ng pag-convert.
3. Kapag matagumpay na naalis ang iyong mga token, may makikita kang kumpirmasyong nagpapakita ng inalis na halaga, pares, bahagi, presyo, at kabuuang bahaging natitira (kung mayroon).
Puwede mong i-click ang [Tingnan ang Aking Bahagi] para tingnan ang iyong kabuuang bahagi, mga detalye ng bahagi, at kasaysayan ng liquidity, o i-click ang [Bumalik sa Liquidity] para mag-alis ng iba pang pares ng token.

Mahahalagang Tala:
- Kapag napakalaki ng naging pagbabago-bago ng presyo ng isang token sa merkado, posibleng hindi makakuha ng parehong kita sa value ang mga shareholder ng pool ng pares ng token (mga provider ng liquidity). Samakatuwid, hindi isang pagpapatakbong walang panganib ang pagdaragdag ng liquidity, at hindi ito isang paraan para magpreserba ng kapital.
- Pagkatapos magdagdag ng mga asset sa isang partikular na pares ng token para makakuha ng mga bahagi ng pool (magkakaroon ng nauugnay na bayarin ang pagdaragdag ng isang token), puwedeng maalis ang mga ito sa parehong pool ng pares ng token sa pamamagitan ng mga bahagi ng pool. Puwede kang mag-alis ng dalawang token nang sabay at nang proporsyonal, o puwede kang pumili ng isang token na aalisin. Kapag nag-aalis ng token, dahil kailangan mong mag-trade ng isa pang token sa pool ng pares bilang token na pinili mong alisin, may sisingiling bayad sa transaksyon, na ibabawas sa halagang puwede mong makuha.
- Ia-adjust ang slippage ng transaksyon nang real-time ayon sa mga kondisyon ng merkado, at ang presyong ipapakita sa page ay posibleng hindi ang pinal na presyo ng slippage ng transaksyon. Kung masyadong malaki ang slippage ng presyo at lumampas ito sa halaga kung saan magkakaroon na ng babala, awtomatikong wawakasan ng system ang transaksyon.