Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
Mga Loan sa Crypto
Gift Card
Binance Pay
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Gamitin ang Crypto Box at Mga Madalas Itanong

2021-06-03 03:54

Ano ang Crypto Box?

Ang Crypto Box ay isang bagong feature ng Binance Pay na nagbibigay-daan sa iyong makapagpadala ng mga regalong crypto sa iyong mga kaibigan. Puwede kang gumawa ng isang Crypto Box at ipamahagi ito sa isang grupo ng mga kaibigan. Kapag nag-claim sila ng regalo gamit ang box code na makikita sa Binance App, makakatanggap sila ng random na halaga ng crypto na inilagay mo sa Box.

Paano gumawa ng Crypto Box?

1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay]. Pagkatapos ay i-tap ang [Crypto Box] - [Gumawa] - [Gumawa Ngayon].
2. Ilagay ang Kabuuang Halaga ng Box, Bilang ng Mga Regalo, at Mga Hiling na Regalo. I-tap ang [Magpatuloy]
3. Kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad mo at i-tap ang [Kumpirmahin].
4. Ilagay ang iyong Pay PIN para kumpirmahin ang pagbabayad.
5. May lalabas na box code para sa iyong Crypto Box. Puwede mong ibahagi ang box code sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-tap sa [Kopyahin ang Code], [Ibahagi ang Larawan], o [I-save ang Larawan]. Puwede nang i-claim ng iyong mga kaibigan ang Crypto Box mo gamit ang Binance App.
Ibahagi ang iyong box code nang pribado sa iyong mga piniling tatanggap lang, dahil puwedeng gamitin ang code ng kahit sinong may alam nito para i-claim ang iyong regalong box.

Paano mag-claim ng Crypto Box?

1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] -[Funding] - [Pay]. Pagkatapos ay i-tap ang [Crypto Box] - [Mag-claim]. Ilagay ang box code at i-tap ang [I-claim Ngayon].
2. I-tap ang [Buksan] para ma-claim ang Crypto Box.
3. Makikita mo ang halaga ng crypto na na-claim mula sa box. Ang na-claim na crypto ay ike-credit sa balanse sa iyong Funding Wallet.
Tandaan: 
1. Hindi pinapayagang i-claim ng isang user ang isang Crypto Box nang maraming beses.
2. Hindi ka makakapag-claim ng Crypto Box kapag na-redeem na ito nang buo.
3. Para sa kaligtasan, malo-lock ang iyong account nang 5 oras pagkatapos ng 10 sunod-sunod na maling pagsubok na maglagay ng mga box code. Kapag na-lock ang iyong account, hindi ka makakapag-claim ng anumang Crypto Box.

Mag-e-expire ba ang Crypto Box?

Valid nang 24 na oras ang lahat ng Crypto Box. Ang anumang natitirang regalo na hindi na-claim ay isasauli sa Funding Wallet ng may-ari ng box pagkalipas ng 24 na oras.

Puwede ko bang i-convert ang na-claim kong crypto sa fiat currency?

Ang crypto na na-claim mo mula sa Crypto Box ay make-credit sa iyong Funding Wallet. Puwede mong ilipat ang mga asset sa iyong Fiat at Spot Wallet at puwede kang mag-cash out sa pamamagitan ng mga available na opsyon sa fiat para sa iyong bansa. 
Tandaan na kung pampubliko mong ibinigay ang code ng iyong Crypto Box sa iyong mga kaibigan, gaya ng sa mga social media platform, posibleng magkaroon ng access sa code ang mga taong hindi mo kilala at i-claim nila ang iyong Crypto Box. Kaya, ibigay lang ang box code sa mga pinili mong tatanggap

Paano tingnan ang kasaysayan ng Crypto Box ko?

Puwede kang mag-click sa icon ng [Kasaysayan] sa kanang sulok sa itaas para tingnan ang iyong mga talaan ng pagpapadala at pagtanggap. 

Disclaimer

Kung mapag-aalaman na sangkot ang mga user sa anumang kontrobersyal na aktibidad, nakalaan sa Binance ang karapatang i-ban ang sinumang user, ihinto ang anumang aktibidad sa Crypto Box, at isauli ang mga pondo sa pinagmulang may-ari.
(*Para maging mas madali itong maintindihan ng user, ang Disclaimer ay puwedeng isalin sa iba't ibang wika. Kung sakaling may pagkakaiba sa pagitan ng iba't ibang bersyon ng wika, ang bersyong Ingles ang mananaig.)