Madali mong magagawang maghanap ng mga solusyon o makipag-ugnayan sa CS team mula sa Binance Chat. Magmumungkahi ang advanced na AI bot ng mga solusyon batay sa mga ibibigay mong detalye. Dagdag pa rito, puwede mong i-browse ang komprehensibong listahan ng mga artikulo ng FAQ sa Support Center para makahanap ka ng higit pang impormasyon tungkol sa mga serbisyo at alok ng Binance.
Tingnan natin kung paano gamitin ang Suporta ng Binance sa website ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang icon ng [Suporta] sa kanang bahagi sa ibaba.

Kung ang Binance App ang ginagamit mo, i-tap ang icon ng [Suporta] sa homepage.

2. Makakakita ka ng listahan ng mga karaniwang isyu at ng mga solusyon ng mga ito, mga link para sa self-service, at mga paksa sa FAQ.

3. Puwede mong i-browse ang listahan ng mga karaniwang isyu na iminumungkahi ng system. I-click ang icon ng [I-refresh] para tumingin pa ng mga iminumungkahing tanong at solusyon.

4. Kapag nakahanap ka ng tanong na tumutugma sa iyong tanong, i-click ito at magbibigay ng solusyon ang AI bot.

5. Kung hindi nito masagot ang iyong tanong, i-click ang [Hindi Nalutas] at makakakita ka pa ng mga kaugnay na tanong. I-click ang tanong na angkop sa iyo.
Kung hindi mo pa rin mahanap ang sagot, i-click ang [Walang kaugnayan]. Mapipili mong tumingin pa ng mga suhestyon o kumonekta sa isang CS agent.

6. Ikokonekta ka sa isang CS agent. Isaad ang iyong tanong nang detalyado hangga't maaari at ibigay ang mga kaugnay na pansuportang dokumento, hal., mga screenshot, para mas matulungan ka ng agent at mapangasiwaan niya ang iyong tanong.

- Puwede kang umalis sa window ng chat anumang oras pagkatapos mong isumite ang iyong tanong. Aabisuhan ka kapag may naitalaga nang CS agent sa iyong kaso.
- Sumagot sa thread sa loob ng 24 na oras para panatilihing bukas ang iyong pakikipag-usap. Kung sasagot ka sa loob ng 24 na oras, mapapanatili mo ang iyong posisyon sa pila.
- Kung hindi malutas ng CS agent ang iyong isyu o kung minarkahan ang pag-uusap bilang "Nalutas na", puwede kang sumagot sa thread para isumite ulit ang iyong tanong.
Mahalagang paalala:
Dahil sa malaking bilang ng mga tanong na natatanggap namin araw-araw, susubukang tugunan ng CS team ang iyong mga isyu sa lalong madaling panahon at baka hindi sila makasagot sa iyo sa gusto mong wika.
Puwede mong piliin ang gusto mong wika bago ka pumasok sa chat. Mag-click sa icon ng wika sa kanang bahagi sa itaas. Kapag nakakonekta ka na sa isang CS agent, hindi mo na mababago ang wika.

Kung hindi sinusuportahan ng Binance Chat ang iyong lokal na wika, isumite ang tanong mo sa English at gumamit ng mga online na tool sa pagsasalin para isalin ang sagot sa gusto mong wika.