Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
Kumita
Pananalapi
NFT
Institusyonal
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
2-Factor Authentication
Paano Gamitin ang Binance Authenticator para sa 2FA sa Binance App

Paano Gamitin ang Binance Authenticator para sa 2FA sa Binance App

2021-10-27 02:33
Puwede mo nang gamitin ang Binance Authenticator bilang paraan ng Two-Factor Authentication (2FA) sa Binance. Para maprotektahan ang iyong account at mga transaksyon, inirerekomenda namin ang pag-enable sa kahit man lang isang 2FA. Narito ang sunod-sunod na gabay kung paano ie-enable ang Binance Authenticator sa Binance App.
1. Mag-tap sa icon ng [Profile] at i-tap ang [Seguridad] - [Binance/Google Authenticator].
2. I-tap ang button sa tabi ng [Binance/Google Authenticator] para i-on ito, pagkatapos ay i-download at i-install ang Binance Authenticator App sa iyong device. Kung na-install mo na ang App, i-tap ang [➡] para magpatuloy.
3. Pagkatapos, may makikita kang 16 na digit na key sa screen. Isulat sa papel ang key na ito at itago ito sa isang ligtas na lokasyon. Kung sakaling mawala mo ang iyong device, magagamit mo ang key na ito para mabawi ang iyong Binance Authentication account. 
I-tap ang [Kopyahin] at i-paste ang 16 na digit na key, pagkatapos ay i-tap ang [➡] para magpatuloy.
4. Pagkatapos, buksan ang Binance Authenticator app at i-paste ang 16 na digit na key o manu-mano itong ilagay para mag-set up. Puwede kang mag-set up ng mga naka-customize na pangalan para sa iyong account sa ilalim ng [Serbisyo] kapag naglagay ka ng maraming account sa iyong Binance Authenticator. I-tap ang [Magpatuloy] at may makikita ka nang 6 na digit na code.
4.1 Mag-swipe pakanan sa code para [I-pin], [I-edit], o [I-delete] ito.
4.2 Puwede mo ring i-tap ang button na [+] sa kanang sulok sa itaas para magdagdag ng maraming account sa iyong Binance Authenticator.
4.3. Kung nagdagdag ka ng maraming account sa iyong Binance Authenticator, puwede kang mag-swipe pakanan sa bawat code at mag-tap sa [I-edit] para mag-set up ng mga naka-customize na pangalan para sa bawat account.
5. Bumalik sa iyong Binance App para i-verify ang iyong kahilingan sa pag-set up sa iyong mga 2FA device, kabilang na ang kaka-enable lang na Binance Authenticator.
Pagkatapos i-enable ang Binance Authenticator, kakailanganin mong ilagay ang code sa pag-verify kapag nagla-log in sa iyong account, nagwi-withdraw ng mga pondo, atbp. para i-verify ang iyong pagkakakilanlan.