Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Gift Card
Paano Bumili at Magpadala ng Mga Binance Gift Card
Paano Bumili at Magpadala ng Mga Binance Gift Card
2021-07-13 04:08
Sunod-sunod na tutorial
Mga Madalas Itanong
Sunod-sunod na tutorial
Ano ang Binance Gift Card?
Nagbibigay-daan sa iyo ang Binance Gift Card na magpadala at makatanggap ng cryptocurrency sa mabilis, simple, at nako-customize na paraan — nang walang bayarin. Puwede itong ipadala sa mga user at hindi user ng Binance sa pamamagitan ng email o text. Kabilang sa mga pangunahing benepisyo ang mga sumusunod:
- Magdeposito at mag-withdraw ng crypto sa mga simpleng hakbang;
- 30+ thematic template para ipagdiwang ang crypto lifestyle;
- Gumawa ng mga crypto gift card gamit ang mga stablecoin at fiat currency;
- Function na “Paghigpitan ang Tatanggap” para sa mas pinaigting na seguridad;
- I-bind ang iyong referral code para madaling makapag-imbita ng mga bagong user ng Binance.
Ganito gumawa at magpadala ng naka-customize na gift card sa loob ng ilang minuto:
Puwede ka ring pumunta sa Homepage ng Gift Card para gumawa ng isa o maraming gift card sa website.
Paano bumili ng Gift Card?
1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-tap ang [Profile] - [Gift Card].


2. I-tap ang [I-customize ang Gift Card] sa ilalim ng [Bumili ng Gift Card].

3. Piliin ang crypto na gusto mong ipadala at ilagay ang halaga. Puwede mo ring i-customize ang disenyo ng iyong Gift Card. I-tap ang [Bumili ngayon] para magpatuloy.

4. Kumpletuhin ang 2FA para kumpirmahin ang transaksyon. Ibabawas ang halaga sa iyong Spot/Funding Wallet nang naaayon.

Paano magpadala ng Gift Card?
1. Pagkatapos makabili ng gift card, i-tap ang [Ipadala] para ipadala ang gift card sa pamamagitan ng text, email, o account sa Binance.


2.1 Ipadala sa pamamagitan ng text
Piliin ang [Ipadala sa pamamagitan ng text]. I-tap ang [Kopyahin ang code] para kopyahin ang code sa pag-redeem, o i-tap ang [Kopyahin ang buong text] para kopyahin ang mensahe at ipadala ang gift card sa tatanggap nito.

2.2 Ipadala sa pamamagitan ng email
Piliin ang [Ipadala sa pamamagitan ng Email] at ilagay ang email ng tatanggap. Puwede ka ring magsama ng mensahe para sa kanya sa hakbang na ito. Bago kumpirmahin ang paglilipat, i-tap ang [I-preview] para i-preview ang email. Pagkatapos, i-tap ang [Ipadala] kapag nakumpirma mo na ang halaga at nilalaman ng email.



2.3 Ipadala sa account
Piliin ang [Ipadala sa account], pagkatapos ay ilagay ang email address o numero ng telepono ng account sa Binance ng tatanggap. Pagkatapos kumpirmahin ang halaga, i-tap ang [Ipadala] para ipadala ang gift card.


Mga Madalas Itanong
1. Saan ko makikita ang function ng Binance Gift Card?
Para sa mga user sa mobile, makikita ninyo ito sa Binance App. Siguraduhing updated ang inyong App sa iOS 2.32.0 o Android 1.43.0 o mas bago.
Maa-access mo ang Binance Gift Card mula sa [Profile] - [Gift Card] sa Binance App.
2. Mayroon bang anumang bayarin sa paggawa, pagpapadala, o pag-redeem ng Gift Card?
Sa ngayon, libreng gumawa, magpadala, at mag-redeem ng mga Binance gift card. Puwedeng magkaroon ng bayarin sa mga partikular na sitwasyon.
3. Mag-e-expire ba ang Gift Card?
Hindi, walang petsa ng pag-expire ang mga pangkalahatang gift card. Para sa mga gift card na ibinibigay para sa mga espesyal na aktibidad at layunin, posibleng may petsa ng pag-expire ang mga ito at aabisuhan ang mga user tungkol sa petsa.
4. Nalalagyan ba ulit ng load ang mga gift card?
Hindi, hindi mare-reload ang mga gift card sa ngayon.
5. Anong mga currency ang sinusuportahan ng mga gift card?
Sinusuportahan ng Binance Gift Card ang karamihan sa mga cryptocurrency na nakalista sa Funding Wallet.
6. Ano ang pinagkaiba ng pagdaragdag ng card at pag-redeem ng card?
Kapag may natanggap na gift card ang iyong kaibigan, puwede niyang i-redeem ang gift card para i-credit agad ang crypto sa Funding Wallet niya, o idagdag ang gift card sa account niya para i-redeem ito sa ibang pagkakataon. Para sa seguridad, iminumungkahi naming gawin ng mga tatanggap ang alinman sa dalawa pagkatanggap nila sa gift card.
7. Puwede bang i-redeem ang mga gift card nang hindi buo?
Hindi, puwede lang i-redeem ang buong halaga ng mga gift card. Kapag na-redeem na ito, make-credit nang buo ang crypto sa Funding Wallet.
8. Kung naidagdag na ang gift card sa isang account pero hindi pa ito nare-redeem, posible ba itong ma-redeem ng mga nakakaalam ng code ng gift card?
Isang beses lang magagamit ang bawat code ng gift card. Kapag idinagdag ng isang user ang gift card sa account niya, magiging may-ari siya ng gift card, at walang makakapagdagdag o makakapag-redeem ulit sa gift card sa pamamagitan ng paglalagay ng parehong code ng gift card. Sa sandaling idagdag ng user ang gift card sa account niya, tuluyang mababago ang code ng gift card.
9. Kung may matatanggap akong gift card pero ayaw ko itong i-redeem, puwede ko ba itong ipadala sa iba?
Oo, puwede. Kailangan mo munang idagdag ang gift card sa iyong account, kapag naidagdag na ang gift card, puwede mong i-tap ang [Ipadala] para ipadala ito sa iba sa text o email.
10. Kung may natanggap akong gift card at ipinadala ko ito sa ibang user, puwede bang i-redeem ng orihinal na gumawa ng gift card ang parehong gift card?
Kung hindi mo pa naidaragdag ang gift card sa iyong account, puwede pa ring i-redeem ng orihinal na may-ari ang parehong gift card.
Gayunpaman, kung idinagdag mo muna ang gift card sa account mo, pagkatapos, naging may-ari ka ng gift card, walang makakapagdagdag o makakapag-redeem sa gift card sa pamamagitan ng paglalagay ng orihinal na code ng gift card. Kapag ipinadala mo ito sa ibang user, bubuo ng bagong-bagong code ng gift card.
11. Ano ang pinagkaiba ng code ng gift card at numero ng gift card?
Ang code ng gift card ay ginagamit para i-redeem ang gift card o idagdag ang gift card sa iyong account. Dapat itong panatilihing pribado dahil magagamit ito ng sinumang may code para i-redeem ang gift card.
Ang numero ng gift card ay ginagamit para tingnan ang balanse at ang status ng gift card. Puwede itong ibahagi sa ibang user para tingnan kung na-redeem na ba ang gift card o hindi pa.
12. Kung naidagdag ko na ang gift card sa account ko, kailangan ko bang ilagay ulit ang code ng gift card para i-redeem ito?
Hindi, puwede mo itong i-redeem nang direkta.
13. Kung maipapadala ko ang gift card sa maling email address o tao, puwede ko bang i-withdraw ang gift card?
Hindi mo mawi-withdraw ang gift card. Gayunpaman, mapipili mo na ikaw mismo ang mag-redeem sa gift card sa pamamagitan ng [Aking Mga Card] - [Mga Ipinadalang Card] bago ito idagdag o i-redeem ng tatanggap. Mag-tap lang sa gift card na gusto mong i-redeem, pagkatapos ay i-tap ang [I-redeem].

14. Paano ko ili-link ang referral code ko sa isang Gift Card?
Para i-link ang iyong referral code sa isang Gift Card, sumangguni sa Paano Ako Magre-refer ng Kaibigan sa Binance Gamit ang Gift Card.