Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
Kumita
Pananalapi
NFT
Institusyonal
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Binance Pay
Mga Madalas Itanong sa Function na Magpadala ng Cash ng Binance Pay

Mga Madalas Itanong sa Function na Magpadala ng Cash ng Binance Pay

2023-01-31 02:29
1. Ano ang limitasyon sa transaksyon para sa mga nagpapadala?
Sumangguni sa limitasyon sa transaksyon sa ibaba (May bisa mula Enero 12, 2023):
Bansang Tatanggap
Pang-araw-araw na Limitasyon
Buwanang Limitasyon
Taunang Limitasyon 
Hong Kong
233,800 HKD
1,168,900 HKD
2,337,700 HKD
Pilipinas
551,500 PHP
2,757,100 PHP
5,514,200 PHP
India
828,100 INR
4,140,100 INR
8,280,200 INR
Ghana
91,500 GHS
457,500 GHS
915,000 GHS
Pakistan
2,251,800 PKR
11,258,800 PKR
22,517,500 PKR
Vietnam
237,549,500 VND 
1,187,747,200 VND 
237,549,500 VND 
Egypt
247,000 EGP 
1,235,000 EGP 
2,470,000 EGP 
Bangladesh
1,028,200 BDT 
5,141,000 BDT 
10,282,000 BDT 
2. Ano ang bayarin sa transaksyon?
Ang aming mga partner na pinansyal na institusyon ay naniningil ng bayarin sa transaksyon para sa bawat transaksyon. Sumangguni sa aktwal na bayarin para sa kaukulang bansa at paraan ng pagbabayad sa page.
3. Gaano katagal inaabot ang paglilipat? 
Pagkatapos piliin ang destinasyong bansa, may makikita kang pagtatantya sa tagal ng transaksyon. Puwedeng magbago ang aktwal na tagal depende sa pipiliin mong paraan ng pagbabayad. Makakatanggap ka ng mga notification sa email at SMS kapag nakumpleto na ang paglilipat.
4. Paano tingnan ang status ng paglilipat ko?
Pumunta sa [Pay] - [Magpadala ng Cash], at makikita mo ang status ng huli mong paglilipat. Para tingnan ang iyong kasaysayan ng paglilipat, i-tap ang icon ng [Kasaysayan] sa kanang bahagi sa itaas.
5. Bakit pumalya ang paglilipat ko?
a. Mali ang mga detalye ng tatanggap
Hindi tatanggapin ng karamihan ng mga bangko ang bayad kung mali ang ilalagay mong mga detalye ng tatanggap. 
Tingnan nang mabuti ang mga detalye ng tatanggap ng bayad mo bago ka magpatuloy.
b. Umabot na ang account ng tatanggap sa limitasyon sa remittance
Posibleng limitahan ng ilang bansa ang halaga ng pera na puwedeng matanggap ng isang residente bawat araw dahil sa mga panregulasyong kinakailangan. Papalya ang paglilipat kung naabot na ang limitasyon sa remittance ng tatanggap.
Itanong sa mga tatanggap ng iyong bayad kung sapat ang kanilang limitasyon sa remittance bago kumpirmahin ang paglilipat.
c. Iba pang posibleng dahilan
  • Hindi pumasa ang transaksyon sa screening para sa Anti Money Laundering (AML) o Combating the Financing of Terrorism (CFT).
  • Hindi nakuha ng tatanggap ang mga inilipat na pondo sa loob ng 28 araw pagkatapos ng matagumpay na paglilipat (cash pick-up lang).
  • Wala pa ang tatanggap sa pinapayagang edad na 16 taong gulang (cash pick-up lang).
6. Ano ang mangyayari kapag pumalya ang paglilipat?
Aabisuhan ka kapag pumalya ang paglilipat. Ang mga inilipat na pondo ay ibabalik sa wallet kung saan na-debit ang iyong crypto. Tandaan na nasa USDT ang mga refund sa halip na sa currency na na-convert mo sa pagbabayad. Ito ay dahil binabayaran namin ang mga pagbabayad sa USDT sa mga partner na pinansyal na institusyon, at nag-iiba-iba ang rate ng palitan paminsan-minsan.
Kung hindi tatanggapin ng tatanggap na institusyon (mga channel ng pagbabayad na mobile wallet at bank transfer) ang transaksyon, walang sisingiling bayad sa transaksyon para sa mga refund.
Gayunpaman, para sa cash pick-up, kung pumalya ang paglilipat dahil hindi nakuha ng tatanggap ang mga pondo sa loob ng 28 araw pagkatapos ng matagumpay na paglilipat, o kung wala sa pinapayagang edad ang benepisyaryo, maniningil pa rin ng mga bayad sa transaksyon.
7. Gaano katagal ako puwedeng maghain ng dispute?
Kadalasan, puwede kang magsampa ng dispute sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng transaksyon. Makipag-ugnayan sa Binance Support sa pamamagitan ng Chat para sa tulong.