Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
Kumita
Pananalapi
NFT
Institusyonal
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Mark Price sa USDⓈ-Margined Futures

Mark Price sa USDⓈ-Margined Futures

2022-06-21 06:13
Ang pagkalkula sa Mark Price ay mahigpit na nauugnay sa Rate ng Pagpopondo at kabaliktaran. Lubos na inirerekomendang basahin ang dalawang seksyon para maunawaan nang mabuti kung paano gumagana ang sistema.
Dahil ang Unrealized PNL ang pangunahing nagtutulak sa mga liquidation, mahalagang siguraduhin na tumpak ang pagkalkula sa Unrealized PnL para maiwasan ang mga hindi kinakailangang liquidation. Ang pinagbabatayang kontrata ng Perpetual Contract ay ang ‘tunay’ na value ng Kontrata, at ang average ng mga presyo sa mga pangunahing merkado ang bumubuo sa “Index ng Presyo” na pangunahing bahagi ng Mark Price.
Ang Index ng Presyo ay isang bucket ng mga presyo mula sa mga pangunahing palitan ng Spot Market, na tinitimbang batay sa relatibong dami ng mga ito. Ang Index ng Presyo para sa mga USDⓈ-M futures contract ay hango sa mga presyo mula sa Huobi, Okex, Bittrex, HitBTC, Gate.io, Bitmax, Poloniex, MXC.
Tingnan ang mga reference ng Index ng Presyo para sa bawat USDⓈ-M Futures Contract.
May mga karagdagang proteksyon para maiwasan ang pangit na performance sa merkado sa panahon ng outage ng mga palitan ng Spot o kapag may mga problema sa koneksyon:
  1. Paglihis ng isang pinagmumulan ng presyo: Kapag ang pinakabagong presyo ng isang partikular na palitan ay lumihis nang lampas 5% mula sa median na presyo ng lahat ng pinagmumulan ng presyo, itatakda sa zero ang bigat ng palitan para sa mga layunin ng pagtitimbang.
  2. Paglihis ng maraming pinagmumulan ng presyo: Kung lampas 1 palitan ang magpapakita ng lampas 5% paglihis, ang median na presyo ng lahat ng pinagmumulan ng presyo ay gagamitin bilang value ng index sa halip na ang weighted average.
  3. Problema sa koneksyon ng palitan: Kung hindi namin ma-access ang feed ng data para sa palitan at ang palitang ito ay may mga trade na na-update sa nakalipas na 10 segundo, puwede naming kunin ang data ng presyo mula sa huling resulta at gamitin ito para sa pagkalkula ng index. Kung walang update sa loob ng 10 segundo ang isang palitan, gagawing zero ang bigat ng palitang ito kapag kinakalkula ang weighted na average.
  4. Protektado ang Last Price: Kapag hindi ito makakuha ng stable at maaasahang pinagmumulan ng reference na data para sa "Index ng Presyo" at "Mark Price," para sa mga kontratang iisa lang ang pinagmumulan ng Index ng Presyo, hindi maa-update ang Index ng Presyo. Gagamit kami ng mekanismong tinatawag na “Protektado ang Last Price" para i-update ang Mark Price hanggang sa bumalik ito sa normal. Ang “Protektado ang Last Price” ay isang mekanismo kung saan ang system ng pagtutugma ay pansamantalang lumilipat sa pinakabagong presyo ng transaksyon ng mismong kontrata sa loob ng isang partikular na limitasyon bilang reference ng Mark Price, para kalkulahin ang unrealized na kita at pagkalugi at antas ng liquidation call, para maiwasan ang mga hindi kinakailangang liquidation.
Ngayong nakalkula na natin ang Index ng Presyo, na puwedeng ituring bilang “Spot Price,” puwede na tayong magpatuloy sa pagkalkula ng Mark Price na ginagamit para sa lahat ng pagkalkula ng Unrealized PnL. Tandaan na ang Realized PnL ay nakabatay pa rin sa mga aktwal na ipinatupad na market price.
Ang sumusunod ay ang formula ng mark price para sa mga perpetual futures contract:
Mark price = Median* (Price 1, Price 2, Contract Price)
Presyo 1 = Index ng Presyo*(1 + Huling Rate ng Pagpopondo*(Oras Bago ang Pagpopondo /8))
Presyo 2 = Index ng Presyo + Moving Average (5 minutong Batayan) *
*Moving Average (5 minutong Batayan) = Moving Average ((Bid1+Ask1)/2- Index ng Presyo), sinusukat bawat minuto nang may 5 minutong palugit.
*Median: Kung ang Presyo 1 < Presyo 2 < Contract Price, gamitin ang Presyo 2 bilang Mark price.
Tandaan na dahil sa matitinding kondisyon sa merkado o paglihis sa mga pinagmumulan ng presyo, na puwedeng humantong sa paglihis ng mark price sa spot price, magsasagawa ang Binance ng mga karagdagang hakbang bilang proteksyon, ibig sabihin, Mark price = Presyo 2 sa ganitong sitwasyon.
Habang nag-a-upgrade ang system o kapag down ang system at nakabinbin ang lahat ng aktibidad sa pag-trade, ganito kakalkulahin ang Mark price:
Panatilihin ang formula ng Mark price pero itakda sa 0 ang Moving Average (5 minutong Batayan) sa Presyo 2 hanggang sa makabalik sa normal ang system.
Ang Mark Price ay mas magandang pagtatantya sa ‘tunay’ na value ng kontrata, kumpara sa mga presyo ng Perpetual Futures na posibleng mas volatile sa panandalian. Ginagamit namin ang presyong ito para maiwasan ang mga hindi kinakailangang liquidation para sa mga trader at para mapigilan ang anumang pagmamanipula sa merkado mula sa masasamang loob.
Tandaan:
  1. BTCUSD Index = Σ [(BTCUSD ng Bitstamp) x Weightage 1) + (BTC-USD ng Coinbase Pro x Weightage 2) + (XBT/USD ng Kraken x Weightage 3) + (USD-BTC ng Bittrex x Weightage 4) + ( BTCBUSD ng Binance x Weightage 5)] / Kabuuang Weightage
  2. Cross Rate: Para sa ilang pinagbabatayang asset na walang direktang quote, dapat tayong gumamit ng synthetic price, at dapat nating kalkulahin ang cross-exchange rate bilang synthetic index, hal. pagkalkula sa LINK/USD gamit ang LINK/BTC at BTC/USD
  3. Nakalaan sa Binance ang karapatang i-update ang mga reference ng Index ng Presyo paminsan-minsan nang walang paunang abiso.