Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Leverage at Margin ng USDⓈ-M Futures
Leverage at Margin ng USDⓈ-M Futures
2021-06-11 08:44
Gumagamit ang Binance ng isang mahusay na system sa pagkontrol ng panganib at modelo ng liquidation para makasuporta sa mataas na leverage na pag-trade sa pamamagitan ng paggamit ng modelong Maintenance Margin. Para sa mga pinakabagong update, sumangguni sa page na Leverage at Margin.
Ano ang maximum na posisyon, maximum na leverage, at Inisyal na Rate ng Margin?
Ang maximum na halaga ng leverage na available ay nakadepende sa notional value ng iyong posisyon — kapag mas malaki ang posisyon, mas mababa ang leverage. Puwede mong i-adjust ang leverage ayon sa iyong mga pangangailangan, at kinakalkula ang lahat ng laki ng posisyon batay sa notional value ng kontrata (USDT o BUSD ang denominasyon). Ibig sabihin, ang Inisyal na Margin ay tinutukoy ng leverage na pinili mo.
Tandaan na dapat ka munang pumili ng iyong leverage (at dapat mong tugunan ang kinakailangan para sa Inisyal na Margin) bago ka magbukas ng mga posisyon, kung hindi, itatakda ito sa 20x bilang default. Kapag mas mataas ang leverage, mas maliit ang notional size na mabubuksan mo; kapag mas mababa ang leverage, mas malaki ang notional size na mabubuksan mo.
Mahalagang paalala: Nagpatupad ang Binance Futures ng mga limitasyon sa leverage para sa mga user na nagrehistro ng kanilang mga Futures account sa loob ng wala pang 60 araw.
Simula Hulyo 27, 2021, nagtakda ang Binance Futures ng mga limitasyon sa leverage para sa mga user na nagrehistro ng kanilang mga futures account wala pang 60 araw ang nakalipas. Malalapat ang mga sumusunod na limitasyon sa leverage:
- Mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa, ang mga bagong user na nagrehistro ng kanilang mga Futures account wala pang 60 araw ang nakalipas ay hindi makakapagbukas ng mga posisyong may leverage na lampas 20x.
- Nalalapat din ang mga bagong limitasyon sa leverage sa mga kasalukuyang user na nagrehistro ng kanilang mga Futures account wala pang 60 araw ang nakalipas:
- Dapat mapanatili ang iyong mga bukas na posisyon nang mas mababa sa 20x leverage.
- Puwede mong panatilihin ang iyong mga bukas na posisyon nang lampas sa 20x leverage, pero hindi mo na mapapataas pa roon ang leverage. Puwede mo lang babaan ang leverage ng iyong mga bukas na posisyon sa 20x o mas mababa pa.
- Para sa mga bagong user na walang bukas na posisyon, hindi puwedeng lumampas sa 20x na leverage ang lahat ng bagong posisyon.
- Unti-unti lang na tataasan ang mga limitasyon sa leverage para sa mga bagong user 60 araw pagkatapos mairehistro ang account.
Ipapakita ng system ang maximum na pinapayagang laki ng posisyon sa iba't ibang tier ng leverage tulad ng ipinapakita sa ibaba:


Ano ang Maintenance Margin?
Kinakalkula ang Maintenance Margin batay sa mga posisyon mo sa iba't ibang tier ng notional value. Ibig sabihin, palaging kinakalkula sa parehong paraan ang Maintenance Margin, anuman ang leverage na pipiliin mo. Ang paglipat mula sa isang tier papunta sa isa pa ay hindi magiging dahilan para magbago ng leverage ang nakaraang tier. Kapag mas malaki ang posisyon, mas mataas ang rate ng Maintenance Margin.
Sa karamihan ng mga palitan, madalas na kalahati ng Inisyal na Margin ang Maintenance Margin. Pero sa Binance, wala pang kalahati ng Inisyal na Margin ang Maintenance Margin, na mas kapaki-pakinabang sa mga trader.
Mahalagang tandaan na direktang maaapektuhan ng Maintenance Margin ang liquidation price. Para maiwasan ang awtomatikong pagbaba ng leverage, lubos na inirerekomenda ang pagsasara ng iyong mga posisyon bago bumaba nang mas mababa sa Maintenance Margin ang collateral.
Mga Madalas na Itanong
1. Puwede ko bang i-adjust ang leverage ng isang bukas na posisyon?
Kung mayroon kang bukas na posisyon sa Cross Margin Mode, puwede mong taasan/babaan ang leverage gamit ang button na [I-adjust ang Leverage].
Kung mayroon kang bukas na posisyon sa Isolated Margin Mode, hindi mo puwedeng babaan ang leverage.
2. Kasama ba sa maximum na limitasyon sa posisyon ng bawat tier ang mga long at short na posisyon?
Oo, parehong kasama rito ang mga long at short na posisyon.
3. Hindi ko maisara nang bahagya ang bukas na posisyon ko. Ang lumalabas na mensahe ng error ay “Tinanggihan ang order dahil lumampas ang order sa maximum na pinapayagang dami sa kasalukuyang antas ng leverage”. Paano ito lulutasin?
Madalas itong nangyayari kapag may pagbabago sa mga panuntunan sa pag-trade sa tier ng leverage at margin ng simbolo. Bisitahin ang page na Leverage at Margin para makita ang pinakabagong maximum na leverage.
Kung nasa Cross Margin Mode ka at ang maximum na leverage ng iyong posisyon ay mas mataas kaysa sa kasalukuyang maximum na leverage, para bahagyang maisara ang iyong posisyon, gawing mas mababa ang leverage kaysa sa kasalukuyang maximum. Halimbawa, kung ang kasalukuyang maximum na leverage ng isang posisyon ng MASKUSDT sa Cross Margin Mode ay 20x at ang iyong leverage ay 22x, babaan at gawing 20x ang leverage.
Kung nasa Isolated Margin Mode ka, hindi mo puwedeng babaan ang leverage. Puwede mong piliing isara ang lahat ng posisyon. Kung gusto mong bahagyang isara ang mga posisyon, tingnan kung may anumang hine-hedge na bukas na order at kanselahin ang kabaliktarang bukas na order bago magpatuloy. Halimbawa, kung gusto mong bahagyang isara ang isang posisyon sa pagbili para sa MASKUSDT at mayroon kang hine-hedge na bukas na sell order para sa MASKUSDT, kanselahin muna ang sell order. Pagkatapos, maisasara mo na nang bahagya ang posisyon sa pagbili.