Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn
Pag-farm ng Liquidity
Kasunduan sa User ng Binance Liquid Swap
Kasunduan sa User ng Binance Liquid Swap
2021-07-06 17:03
Huling na-update: Mayo 23, 2022
Ang Kasunduan sa User na ito ng Binance Liquid Swap (itong “Kasunduan”) ay malalapat sa lahat ng Binance Liquid Swap Account, pati na rin sa paggamit mo sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap. Kung may anumang Binance Liquid Swap Account na binuksan o papanatilihin sang-ayon sa ilan pang ibang tuntunin, idaragdag ang Kasunduang ito sa iba pang tuntuning iyon.
Lahat ng termino at sangguniang ginamit sa Kasunduang ito at binigyang-kahulugan at ipinaliwanag sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance (ang “Mga Tuntunin ng Paggamit”) pero hindi binigyang-kahulugan at ipinaliwanag sa Kasunduang ito ay magkakaroon ng kahulugan at paliwanag na nasa mga tuntunin ng Mga Tuntunin ng Paggamit.
Ang mga tuntunin sa Kasunduang ito ay dapat basahin kasama ng Mga Tuntunin ng Paggamit. Kung sakaling may anumang salungatan o hindi pagkakatugma sa mga tuntunin sa Kasunduang ito at sa Mga Tuntunin ng Paggamit, ang mga tuntunin sa Kasunduang ito ang mananaig.
Ipinasok lang ang mga heading para sa kaginhawahan at hindi ito makakatulong sa pag-unawa sa Kasunduang ito. Kasama sa mga pahayag na nasa pang-isahang anyo ang pangmaramihang anyo at kabaliktaran, at kasama sa lahat ng pagtukoy sa mga panlalaking kasarian ang pambabaeng kasarian at walang kasarian at kabaliktaran.
Ang mga salitang “kasama” o “kinabibilangan” ay ituturing na sinusundan ng “walang limitasyon” o “hindi limitado sa” sinusundan man ang mga ito o hindi ng mga nasabing parirala o salita o mga salitang may katulad na kahulugan, at ang “kung hindi man” o “iba pa” ay hindi ipapakahulugang limitado ng mga salita kung saan ito nauugnay.
Mga Kahulugan
Ang ibig sabihin ng mga pag-adjust ay anumang pag-adjust sa mga Token, pera, o iba pang asset na babayaran sa iyo alinsunod sa Kasunduang ito, ayon sa pagbabago paminsan-minsan.
Ang ibig sabihin ng Naaangkop na Batas ay lahat ng nauugnay o naaangkop na kautusan, batas, panuntunan, regulasyon, abiso, utos, by-law, ruling, direktiba, circular, alituntunin, tala sa kasanayan, at paliwanag (mula man sa pampamahalaang lupon, awtoridad sa pagkontrol o iba pa, o organisasyong may sariling regulasyon kung saan miyembro ang Binance, o napapailalim ang Binance o ang isang kaugnay na Account sa Binance, serbisyo, Binance Liquid Swap, o Transaksyon, o iba pa).
Ang Formula ng Automated Market Maker ay ang mga panuntunan ng automated market maker na ginawang available ng Binance at pina-publish sa website nito paminsan-minsan.
Ang ibig sabihin ng Binance Liquid Swap Account ay isang account na pinapanatili o papanatilihin ng Binance para sa iyo para sa paglahok sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap.
Ang ibig sabihin ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap ay ang serbisyong ibinibigay ng Binance na nagbibigay-daan sa iyong lumahok sa Pag-farm ng Liquidity at Pag-farm ng Pag-swap.
Ang ibig sabihin ng Kumpirmasyon ay ang nakasulat na abiso (kasama na ang telex, facsimile, o iba pang electronic na paraan kung saan posibleng gumawa ng hard copy) na naglalaman ng mga partikular na termino ng isang transaksyon kung saan kayo pumasok ng Binance.
Ang ibig sabihin ng Electronic na Pasilidad ay anumang electronic na serbisyo, system, o platform at/o kaugnay na software at teknolohiya ng broking, pag-trade, pag-clear, at iba pa na ginagawang available sa iyo ng o sa pamamagitan ng Binance sa ilalim man ng Kasunduang ito, ng Mga Tuntunin ng Paggamit, o iba pa.
Ang ibig sabihin ng Innovative na Pamumuhunan ay isang modelo ng automatic market-making system na may constant mean value para makuha ang transaksyon at pagpepresyo para sa dalawang token, kung saan ang mga presyo ng dalawang token sa pool ay apektado ng mga pagbabago-bago sa rate ng palitan/presyo ng token, at mas malaki ang pagbabago-bago ng mga return sa market making.
Ang ibig sabihin ng Uri ng Pamumuhunan ay Stable na Pamumuhunan o Innovative na Pamumuhunan.
Ang kahulugan ng Pag-farm ng Liquidity ay ang kahulugang ibinigay rito sa talata 2.
Ang ibig sabihin ng Liquidity Pool ay isang pool ng mga Token na ginagamit ng isang automated market maker para mangasiwa ng mga transaksyon.
Ang ibig sabihin ng Pagkawala ay anuman at lahat ng pagkawala, danyos, presyo, singilin, at/o gastusin, anuman ang uri at paano man nakuha, kasama nang walang limitasyon ang bayaring legal batay sa pagbibigay ng buong danyos, gastos sa pagpopondo, at pagkawala o gastos na nakuha bilang resulta ng pagwawakas ng Kasunduang ito, pagkawala ng tubo, pagkawala ng kita, pagkawala ng pagkakataon, kinahinatnan, hindi inaasahan, espesyal, o hindi direktang danyos o gastos.
Ang ibig sabihin ng Lantad na Pagkakamali ay anumang pagkakamali, kapabayaan, o maling sipi (pagkakamali man ng Binance o sinumang third party) na lantad o kitang-kita, kasama na ang maling sipi ng sinumang kinatawan ng Binance nang isinasaalang-alang ang kasalukuyang merkado at kasalukuyang ina-advertise na sipi, o anumang pagkakamali o kawalang-linaw sa anumang impormasyon, source, commentator, opisyal, opisyal na resulta, o paghahayag. Ang katotohanan na posibleng pumasok ka, o pinigilan kang pumasok, sa kaugnay na pangako, kontrata, o trade sa pananalapi na nakadepende sa isang Transaksyong pinasok kasama ng Binance (o posibleng may natamo o matatamo kang pagkawala direkta man, hindi direkta, kinahinatnan, o iba pa) ay ituturing na walang kaugnayan bilang salik at hindi isasaalang-alang sa pagtukoy kung isa bang Lantad na Pagkakamali ang isang sitwasyon.
Ang ibig sabihin ng Order ay anumang alok na pumasok sa isang Transaksyon, o alinman sa iyong tagubilin, kahilingan, aplikasyon, o order at paano man ipinadala, ibinigay, o na-transmit sa Binance o na makatuwirang pinapaniwalaan ng Binance na iyong tagubilin, kahilingan, aplikasyon, o order at kinabibilangan ng anumang tagubilin, kahilingan, o order na bawiin, balewalain, o ibahin ang anumang dating kahilingan o order.
Ang ibig sabihin ng Mga Pamamaraan sa Pagrerehistro at Pag-verify ay mga pamamaraang pana-panahong iniaatas ng Binance na kinakailangan para i-verify ang pagkakakilanlan ng isang tao bago makalahok sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap o makapagbukas ng Binance Liquid Swap Account. Puwedeng idagdag ang mga pamamaraang ito sa anumang pamamaraang iniaatas ng anumang Naaangkop na Batas.
Ang ibig sabihin ng Pag-farm ng Pag-swap ay anumang Transaksyon kung saan ka nagte-trade ng mga Digital Asset/Digital Currency para sa iba pang Digital Asset/Digital Currency na kinuha mula sa isang Liquidity Pool.
Ang Bayarin sa Pag-swap ay bayaring sinisingil ng Binance para sa pagbibigay ng Serbisyo ng Liquid Swap, ayon sa tutukuyin ng Binance paminsan-minsan, at naka-publish sa website nito.
Ang kahulugan ng Kita sa Bayad sa Pag-swap ay ang kahulugang ibinigay rito sa talata 2.
Ang ibig sabihin ng Stable na Pamumuhunan ay isang modelo ng automatic market-making system na may hybrid constant function para maipatupad ang transaksyon at pagpepresyo sa pagitan ng dalawang stable token, at makapagbigay ng karanasan sa pag-trade na may mababang slippage, kung saan ang mga presyo ng dalawang token sa Liquidity Pool ay mas apektado ng mga pagbabago-bago sa rate ng palitan/presyo ng token, at mas stable ang kita sa market making kaysa sa Innovative na Pamumuhunan.
Ang kahulugan ng Mga Reward sa Bayad sa Pag-swap ay ang kahulugang ibinigay rito sa talata 6.
Ang ibig sabihin ng Transaksyon ay anumang transaksyon kaugnay ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap na puwedeng payagang maisagawa ng Binance paminsan-minsan.
Ang ibig sabihin ng Mga Tuntunin ng Transaksyon ay ang mga tuntuning sasang-ayunan mo para pumasok sa isang Transaksyon, kasama na ang, pero hindi limitado sa, anumang naaangkop na formula ng automated market maker, pares ng Token, presyo ng mga Token sa Liquidity Pool, laki ng Liquidity Pool, pagsang-ayon mong magbahagi ng mga reward kaugnay ng parte mo sa Liquidity Pool, komposisyon ng Liquidity Pool, Uri ng Pamumuhunan, at naaangkop na Bayarin sa Pag-swap.
Ang ibig sabihin ng Token ay mga Digital Currency at/o Digital Asset.
Pangkalahatang-ideya ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap
1. Sa pamamagitan ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap, makakalahok ka sa Pag-farm ng Liquidity at Pag-farm ng Pag-swap.
2. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity sa mga Liquidity Pool para maging liquidity provider (Pag-farm ng Liquidity), makakakuha ka ng mga reward batay sa Mga Tuntunin ng Transaksyon (Kita sa Bayad sa Pag-swap).
3. Sa pamamagitan ng pag-trade ng mga Digital Asset/Digital Currency kapalit ng iba pang Digital Asset/Digital Currency, makikilahok ka sa Pag-farm ng Pag-swap. Magbabayad ka sa Bayarin sa Pag-swap sa Binance at iba pang bayarin sa transaksyon kaugnay sa mga Transaksyong ito na naka-publish sa website ng Binance, at ina-update paminsan-minsan.
Paano lumahok sa Mga Serbisyo ng Binance Liquid Swap
4. Para makalahok sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap, dapat mong kumpletuhin ang lahat ng kinakailangang Pamamaraan sa Pagrerehistro at Pag-verify at dapat kang sumunod sa anupamang kinakailangang tutukuyin ng Binance paminsan-minsan, at ayon sa ipa-publish ng Binance sa website nito.
5. Sa pamamagitan ng paglahok sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap, isinasaad mo na nabasa, naunawaan, at nagpahintulot ka sa mga tuntunin ng Kasunduang ito.
Paano ka makakakuha ng Kita sa Bayad sa Pag-swap at Mga Reward sa Pag-swap
6. Kinakalkula ang Kita sa Bayad sa Pag-swap nang sumasangguni sa Mga Tuntunin ng Transaksyon.
7. Puwede ka ring maging kwalipikado sa Mga Reward sa Bayad sa Pag-swap.
8. Ibinibigay ang Mga Reward sa Bayad sa Pag-swap ayon sa paghuhusga ng Binance, at naka-publish ang mga tuntunin sa website nito, na puwedeng baguhin paminsan-minsan.
Paano kami nagkakalkula at naniningil ng bayarin
9. Pina-publish ang Bayarin sa Pag-swap at iba pang bayarin sa transaksyon sa website ng Binance, at ina-update ito paminsan-minsan.
10. Para sa Pag-farm ng Liquidity, pinapahintulutan mo ang Binance, nang walang kondisyon, na ilaan at ipamahagi ang Kita sa Bayad sa Pag-swap na makukuha sa Mga Transaksyon sa Pag-farm ng Liquidity, at ibawas ang anumang Bayarin sa Pag-swap o Pag-adjust na dapat ibigay sa Binance.
Paano magdagdag o mag-redeem ng mga token mula sa Liquidity Pool
11. Bago gamitin ang Serbisyo ng Binance Liquid Swap, dapat mong kumpirmahin ang Mga Tuntunin ng Transaksyon. Kapag ina-access mo ang website ng Binance, papakitaan ka ng Mga Tuntunin ng Transaksyon bago ka pumasok sa isang Transaksyon.
12. Puwede ka lang pumasok sa Transaksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga Token sa proporsyon at pagpapares na naaayon sa kinakailangan ng Liquidity Pool.
13. Kung magdaragdag ka ng Token o mga Token na hindi nakapares at hindi naaayon sa proporsyong kinakailangan ng Liquidity Pool, pinapahintulutan mo ang Binance na i-swap ang Token o mga Token na idinagdag mo para sa isa pang Token, batay sa kasalukuyang ratio ng komposisyon ng bahagi na kinakailangan ng Liquidity Pool. Kinukumpirma mo na puwede kang magkaroon ng bayarin sa transaksyon para sa pag-convert na ito, at puwede ring magdulot ng mas mataas na slippage at pagkawala ang malalaking transaksyon.
14. Kapag nakumpirma mo na ang mga tuntunin ng Transaksyon, ipapapalit ang mga Token sa mga asset sa Liquidity Pool.
15. Puwede ka lang mag-withdraw ng mga token mula sa Liquidity Pool papunta sa iyong Binance Liquid Swap Account na nasa parehong proporsyon at parehong pares ng Token na ginamit sa Transaksyon. Kung gusto mong mag-withdraw ng hindi tugmang Token, kailangan mong mag-trade ng isa pang Token sa pool ng pares na katulad ng Token na pipiliin mong alisin. Pinapahintulutan mo ang Binance na i-swap ang Token na pipiliin mong i-redeem sa isa pang Token batay sa kasalukuyang ratio ng komposisyon ng bahagi sa Liquidity Pool. Kinukumpirma mo na magkakaroon ng bayarin sa transaksyon, at puwede ring magdulot ng mas mataas na slippage at pagkawala ang malalaking transaksyon.
Mga Panganib at Sagutin
16. Dapat mong pag-isipan nang mabuti ang lahat ng naaangkop na panganib, at pagpasyahan kung katanggap-tanggap ba ang mga ito para sa iyo bago ka lumahok sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap. Nang walang limitasyon, kasama sa mga panganib na ito ang mga sumusunod:
a. Pagkawala ng ilan o lahat ng virtual asset, o anumang halagang nauugnay sa mga virtual asset;
b. Pagbagsak ng liquidity kaugnay ng isang virtual asset;
c. Slippage;
d. Pansamantalang Pagkalugi;
e. Mga pagbabago sa compatibility ng mga virtual asset.
f. Kawalan ng katiyakan sa pagkontrol kaugnay ng mga virtual asset, at pagkilos ng pamahalaan laban sa mga virtual asset at taong sangkot sa mga aktibidad sa virtual asset.
g. Matinding pagbabago-bago sa umiiral na bayarin at kawalan ng katiyakan kaugnay ng iba pang parameter ng transaksyon.
h. Mga problema, depekto, hack, pananamantala, error, o hindi inaasahang sitwasyong mangyayari kaugnay ng mga teknolohiya kung saan nakasalalay ang Serbisyo ng Binance Liquid Swap.
i. Pagkawala ng mga pribadong key.
j. Pagpalya o hindi pagiging available ng mga teknolohiya kung saan nakasalalay ang Serbisyo ng Binance Liquid Swap, kasama na ang Internet, ang teknolohikal na pagsulong na dahilan para ihinto na ang paggamit sa ilang partikular na teknolohiya.
k. Mga pag-atake sa Serbisyo ng Binance Liquid Swap o mga teknolohiya kung saan nakasalalay ang Serbisyo ng Binance Liquid Swap, kasama nang walang limitasyon ang: i. distributed denial of service; ii. mga sybil attack; iii. phishing; iv. social engineering; v. pag-hack; vi. pag-smurf; vii. malware; viii. dobleng paggastos; ix. pagmimina ng nakararami, pag-atake sa pagmimina na batay sa consensus o iba pa; x. mga campaign para sa maling impormasyon; xi. mga fork; at xii. pag-spoof.
17. Sumasang-ayon ka na ang lahat ng pagpapatakbong isinasagawa sa Binance ay kumakatawan sa tunay mong mga intensyon sa pamumuhunan, at tinatanggap mo nang walang kondisyon ang mga potensyal na panganib at benepisyong nauugnay sa mga desisyon mo sa pamumuhunan. Bawat Transaksyong bubuksan o isasara mo ay magiging valid at may bisa sa iyo kahit na ang pagbubukas o pagsasara ng nasabing Transaksyong bubuksan o isasara ay resulta ng anumang kawalan ng katumpakan o pagkakamali mo.
18. Nakalaan sa Binance ang karapatang suspindihin at wakasan ang serbisyo ng Binance Liquid Swap at puwede nitong gawin iyon anumang oras.
19. Dahil sa mga pagkaantala sa network, pagpalya ng computer system, puwedeng maantala, ma-pause, masuspinde, o maiba ang pagpapatupad ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para matiyak na magkakaroon ng stable at epektibong pagpapatakbo ng sistema ng pagpapatupad ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap.
Mga Statement, Kumpirmasyon
20. Ive-verify mo ang lahat ng statement at Kumpirmasyon ng Mga Transaksyon na ipapadala sa iyo ng Binance paminsan-minsan. Kung walang pagtutol sa loob ng 7 araw mula sa petsa ng statement, Kumpirmasyon, o payo sa mga isinagawang Transaksyon (o iba pang katulad na yugto ng panahon na itinakda sa nasabing statement, Kumpirmasyon, o payo), ang nasabing statement, Kumpirmasyon, o payo ay ituturing na pangwakas at may bisa laban sa iyo, at wala ka nang karapatang tutulan iyon. Gayunpaman, anumang oras ay puwedeng baguhin ng Binance ang anumang pagkakamali sa anumang entry, statement, Kumpirmasyon, o payo na napatunayan nito ayon sa kagustuhan nito, at puwede itong humingi ng agarang bayad mula sa iyo ng anumang Token na ibinigay sa iyo nang hindi dapat bilang resulta ng nasabing error. Anuman at lahat ng pagtutol mo ay hindi magkakaroon ng bisa hangga't may kasama itong pansuportang ebidensya para sa mga nasabing pagtutol.
21. Aabisuhan mo agad ang Binance kung may statement, Kumpirmasyon, o payo na hindi mo natanggap sa ordinaryong pagtakbo ng negosyo o paggamit mo sa mga serbisyo ng Binance.
22. Sang-ayon sa mga probisyon ng Kasunduang ito, ang isang Kumpirmasyong hindi tumpak na nagpapakita ng kaugnay na Transaksyon:
(a) ay hindi kumukumpirma sa pagiging valid ng Transaksyon na pinapatunayan ng Kumpirmasyon; at
(b) kapag may Lantad na Pagkamamali, hindi nagbibigay sa iyo ng karapatang ipatupad kung anuman ang hindi tumpak na naitala sa Kumpirmasyon.
23. Nakalaan sa Binance ang karapatang ipawalang-bisa o bawiin sa umpisa pa lang ang anumang Transaksyong may sangkot o mula sa isang Lantad na Pagkakamali o baguhin ang mga detalye ng nasabing Transaksyon para maipakita kung ano ang itinuturing ng Binance sa sarili at ganap nitong paghuhusga sa pagkilos nang may mabuting loob bilang mga tama o patas na detalye ng nasabing Transaksyon na walang Lantad na Pagkakamali.
24. Nang walang hindi makatuwirang paghuhusga sa saklaw ng iba pang tuntunin sa Kasunduan, at nang walang panloloko o panlilinlang, sa anumang pagkakataon, hindi mananagot sa iyo ang Binance sa anumang uri ng Pagkawala o demanda na puwede mong maranasan o matamo kaugnay ng anumang Lantad na Pagkakamali paano man ito nangyari, direkta man o hindi direkta, espesyal o kinahinatnan, kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagkawala ng tubo, pagkawala ng oportunidad, o kahit na pinayuhan ang Binance tungkol sa posibilidad na mangyari iyon o makatuwirang maaasahan na mangyayari iyon.
Ang Iyong Mga Pagsasaad, Pagpapatunay, Pagsang-ayon, at Pangako
25. Isinasaad, pinapatunayan, sinasang-ayunan, at ipinapangako mo na:
(a) mayroon kang buong kapasidad at awtoridad na tanggapin at sang-ayunan ang mga tuntunin ng Kasunduang ito, magbukas, magpanatili, o patuloy na magpanatili ng lahat ng Binance Liquid Swap Account paminsan-minsan na binuksan at/o pinapanatili at/o patuloy na pinapanatili sa Binance, at pumasok sa mga Transaksyon mula roon;
(b) nasa iyo ang lahat ng awtorisasyon, pahintulot, lisensya, o pag-aprubang kinakailangan para tanggapin at sang-ayunan ang mga tuntunin at kondisyong ito, para magbukas, magpanatili, at patuloy na magpanatili ng lahat ng Binance Liquid Swap Account paminsan-minsan na binuksan at/o pinapanatili at/o patuloy na pinapanatili sa Binance, at pumasok sa mga Transaksyon;
(c) hindi ka empleyado ng anumang pampamahalaang organisasyon o organisasyong may sariling pagkontrol sa anumang hurisdiksyon, kasama na ang anumang palitan o miyembrong kumpanya noon, o sangkot sa pakikipagtransaksyon (bilang ahente o prinsipal), na nagbabawal sa iyong bumuo ng ugnayan sa Binance sa pakikipagtransaksyon sa alinman sa mga Token, at aaabisuhan mo agad ang Binance kung magiging empleyado ka noon;
(d) hindi ka nakatira sa mga pinagbabawalang bansa at teritoryo ayon sa nakatakda sa Mga Tuntunin ng Paggamit, o anupamang hurisdiksyon kung saan ang mga residente ay paminsan-minsang itinuturing ng Binance na pinagbabawalang gumamit ng mga serbisyong ibinibigay sa ilalim ng Kasunduang ito;
(e) maliban kung partikular mong aabisuhan ang Binance at sumang-ayon ang Binance, walang ibang tao maliban sa iyo ang may interes sa anumang Token o Binance Liquid Swap Account;
(f) maliban kung may hayagang nakasulat na pahintulot ng Binance, at maliban sa anumang seguridad at saguting mabubuo alinsunod dito, walang taong mayroon o magkakaroon ng anumang seguridad o iba pang sagutin sa anumang Binance Liquid Swap Account at/o anumang cash, Token, o iba pang ari-arian sa anumang Binance Liquid Swap Account;
(g) ang anumang Transaksyon, o anupamang pakikipagtransaksyon kaugnay ng Serbisyo ng Binance Liquid Swap ay batay lang sa sarili mong paghuhusga at pagkatapos ng sarili mong hiwalay na pagtatantya at pagsisiyasat sa mga panganib sa paggawa noon, at sa sarili mong hiwalay na pag-assess sa iyong mga pampinansyal na mapagkukunan, kakayahan, at kahandaang tumanggap ng mga kaugnay na panganib at pampinansyal na layunin;
(h) Hindi magkakaroon ang Binance ng anumang tungkulin o obligasyong magtanong tungkol sa layunin o kaangkupan ng anumang Transaksyon at hindi ito magkakaroon ng anumang obligasyong pangasiwaan ang paglalapat ng anumang pondong inihatid mo kaugnay ng anumang Serbisyo ng Binance Liquid Swap na ibinibigay;
(i) may angkop na pahintulot ang sinumang taong binigyan ng kakayahang kumilos para sa iyo;
(j) sumunod ka at susunod ka sa lahat ng Naaangkop na batas sa lahat ng hurisdiksyong nauugnay sa anumang Binance Liquid Swap Account, Transaksyon, o serbisyo o pasilidad na ibinibigay o ginagawang available ng Binance para sa iyo;
(k) ang lahat ng impormasyon at/o dokumentong ibinigay mo o para sa iyo o ibibigay mo o para sa iyo sa Binance kaugnay ng anumang aplikasyon o alinsunod sa o sa ilalim ng Kasunduang ito ay totoo, tumpak, kumpleto, at hindi nakakapanlinlang sa anuman at lahat ng aspekto, at walang itinago sa Binance na posibleng may mahalagang kinalaman sa desisyon ng Binance na ibigay o patuloy na ibigay ang alinman sa mga serbisyong saklaw ng Kasunduang ito; at
(l) hindi mo sadya o walang ingat na papayagan ang paggamit sa mga serbisyo, pasilidad, o membership ng Binance sa paraang sa opinyon ng Binance ay malamang na makasira sa reputasyon, sa dignidad, o sa magandang pangalan ng alinman sa mga nabanggit. Hindi ka sadya o walang ingat na gagawa o magpapanatili o magpapalala ng mga manipulasyon (o tinangkang manipulasyon), corner (o tinangkang corner) o paglabag ng anumang Naaangkop na Batas (o kasunduan, probisyon, o direksyong ginawa o ibinigay alinsunod dito), o kung hindi man ay lubos na makakasama sa mga interes o kapakanan ng Binance.
26. Ang mga pagsasaad, pagpapatunay, pagsang-ayon, at pangako sa itaas ay ituturing na nauulit sa tuwing magbibigay ka ng mga tagubilin sa Binance, papasok ka sa anumang Transaksyon, o gagawa ka ng bagong Binance Liquid Swap Account sa Binance.
Pangkalahatang Pagbabayad-danyos
27. Dagdag pa sa at walang hindi makatuwirang paghuhusga sa anupamang karapatan o remedyo ng Binance (sa batas o iba pa), sa lahat ng pagkakataon, babayaran mo ng danyos, at hindi mo papanagutin ang Binance sa at laban sa anuman at lahat ng Pagkawalang naranasan o natamo ng Binance na mangyayari (direkta man o hindi direkta) dahil sa, habang nangyayari ang, o kaugnay ng:
(a) anumang pag-default o anumang pagpalya mong sumunod sa alinman sa mga tuntunin at kondisyong ito o mga Naaangkop na Batas;
(b) pagkilos ng Binance alinsunod sa iyong mga Order o sa anumang paraang pinapayagan sa ilalim ng Kasunduang ito at/o Mga Tuntunin ng Paggamit;
(c) anumang pagbabago sa Mga Naaangkop na Batas; at/o
(d) anumang gawain o bagay na ginawa o ipinagawa ng Binance kaugnay ng o bilang pagsangguni sa Kasunduang ito, sa Mga Tuntunin ng Paggamit, o anumang Serbisyo ng Binance Liquid Swap o Binance Liquid Swap Account.
28. Babayaran mo rin ng danyos, patuloy na babayaran ng danyos, at hindi papanagutin ang Binance sa anuman at lahat ng gastusin, halaga, at legal na bayarin (nang nagbabayad ng buong danyos) na natamo, kasama na ang pero hindi limitado sa gastusin, halaga, at legal na bayarin na natamo sa pagkuha ng mga rekord, at impormasyon, o pagbabayad (ibibigay o ibinigay man ang nasabing bayad sa pag-areglo sa anumang proseso o kaugnay ng anumang ruling, hatol, utos, o gawad) ng sinuman sa kanila kaugnay ng anumang pagsisiyasat o proseso (legal man, pangkontrol, sa arbitrasyon, o iba pang proseso) na isinagawa laban dito kaugnay ng Talata 25(a) hanggang 25(d) sa itaas. Ibibigay mo ang anuman at lahat ng tulong sa Binance kaugnay ng mga nasabing imbestigasyon o proseso.
Pangkalahatang Pagbubukod
29. Hindi angkop sa lahat ang Serbisyo ng Binance Liquid Swap. Dapat mong suriin ang iyong mga layunin sa pamumuhunan, pinansyal na mapagkukunan, at tolerance sa panganib para matukoy kung naaangkop ba ito sa iyo. Tinatanggap mo na may panganib na sangkot sa pag-farm ng liquidity at puwedeng mawala sa iyo ang kabuuan o bahagi ng iyong mga token o iba pang ipinuhunan. Sa kabila ng mga nasabing panganib, kinukumpirma mo, nauunawaan mo, at sumasang-ayon ka na handa ka at kaya mong tanggapin ang mga pinansyal na panganib at iba pang peligro. Hindi mo papanagutin ang Binance sa anumang paraan sa mga Pagkawalang matatamo mo sa ilalim ng o kaugnay ng Kasunduang ito, at ng Mga Tuntunin ng Paggamit.
30. Bukod pa sa at nang walang hindi makatuwirang paghuhusga sa anupamang karapatan o remedyo na posibleng mayroon ang Binance (sa ilalim ng Kasunduang ito, ng Mga Tuntunin ng Paggamit, sa batas o iba pa), hindi ito mananagot sa anumang paraan sa anumang Pagkawalang naranasan mo, kasama, nang walang limitasyon, ang anumang Pagkawalang magmumula sa pag-default, pagkalugi, o mga katulad na proseso, o pagkilos o kawalan ng pagkilos ng sinumang tagapamagitan (kasama na ang mali o labag na pagkilos o kawalan ng pagkilos) o iba pa na naranasan at/o natamo mo sa ilalim ng o kaugnay ng Kasunduang ito at Mga Tuntunin ng Paggamit. Mananagot lang sa iyo ang Binance kung naging pabaya o sadyang nag-default ang Binance.
31. Nang walang hindi makatuwirang paghuhusga sa saklaw ng nabanggit, sa anumang pagkakataon, hindi mananagot sa iyo ang Binancce sa anumang hindi direkta o kinahinatnang Pagkawala, o sa anumang inaasahang kita o pamparusang danyos.
Mga Naaangkop na Batas
32. Ang kaugnayan mo sa Binance, ang pagpapatakbo ng anumang Binance Liquid Swap Account, at ang pagpapatupad ng anumang Transaksyon ay laging mapapailalim sa Mga Naaangkop na Batas. Ang Binance ay puwedeng gumawa o umiwas sa paggawa ng anumang pagkilos, at susunod ka, at gagawin mo ang lahat ng bagay na iniaatas ng Binance para makamit o matiyak ang pagsunod sa Mga Naaangkop na Batas. Sumasang-ayon ka na hindi mananagot sa iyo ang Binance bilang resulta ng anumang pagkilos na isinagawa ng Binance para makasunod sa Mga Naaangkop na Batas.
Disclaimer sa Teknolohiya
33. Para sa layunin ng mga Transaksyon, puwedeng ialok o gawing available ng Binance para ma-access at magamit mo ang Mga Electronic na Pasilidad na binubuo ng mga katulad na system ng pag-trade, platform, at/o kaugnay na software at teknolohiya (ang “Mga System ng Pag-trade”) para mabigyang-daan, matulungan, at mapangasiwaan ang paglalagay mo ng mga Order, pagpasok mo sa at/o pag-settle mo ng mga Transaksyon. Ang Mga System ng Pag-trade na ito ay posibleng pagmamay-ari ng Binance o posibleng lisensyado ng Binance mula sa mga third party na tagapaglisensya (ang “Mga Third Party na Tagapaglisensya”) para ma-access at/o magamit mo. Bukod pa sa mga tuntunin ng Kasunduang ito, sumasang-ayon ka at ipinapangako mong sumunod sa anuman at lahat ng tuntunin at kondisyon na puwedeng itakda o ibigay ng Binance at/o mga katulad na Third Party na Tagapaglisensya paminsan-minsan para maging angkop sa pagbibigay nila at/o pag-access at/o paggamit mo sa mga nasabing System ng Pag-trade.
34. Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang pag-access at paggamit sa Mga Electronic na Pasilidad ay ibinibigay nang walang pagbabago at kung ano ang available at walang anumang isinasaad o pinapatunayan ang Binance, hayagan man o ipinahiwatig, kaugnay ng functionality, pagpapatakbo, nilalaman, o iba pa ng Mga Electronic na Pasilidad at hindi nito isinasaad o pinapatunayan na ang Mga Electronic na Pasilidad o anumang bahagi noon ay walang depekto, pagpalya, o pagkaantala o na angkop ang mga ito sa mga layunin mo at anumang partikular na layunin, at nang walang hindi makatuwirang paghuhusga sa nabanggit, sa anumang pagkakataon, hindi mananagot ang Binance sa anumang error sa system, problema, o pagpalya sa Mga Electronic na Pasilidad anuman ang nagdulot at paano man nangyari maliban sa panloloko o sadyang pag-default ng Binance.
35. Hanggang sa saklaw kung saan puwede kang gumamit ng teknolohiya, mga web application, application program interface, software, software code, program, protocol ng third party, at/o iba pang resource mula sa third party (ang “Mga Third Party na Application”) hiwalay mang tinukoy at napili, kinuha o ginamit mo, ginawang available sa pamamagitan ng Binance o iba pa, para magbigay ng koneksyon sa Mga Electronic na Pasilidad na iniaalok o ginagawang available ng Binance para makapaglagay ng mga Order, makapasok sa at/o makapag-settle ng mga Transaksyon, kinukumpirma at tinatanggap mo na ikaw lang ang mananagot sa at aakuin mo ang lahat ng panganib na ang mga nasabing Third Party na Application ay posibleng hindi compatible o gumagana nang maayos sa Mga Electronic na Pasilidad.
36. Itinatatwa at itinatanggi ng Binance maliban kung hayagang ipinagbabawal ng naaangkop na kinakailangang batas, ang lahat ng tuntunin at kondisyon at lahat ng warranty na ipinapahiwatig ng batas o karaniwang batas kaugnay ng Mga Electronic na Pasilidad, kasama na ang, pero hindi limitado sa kakayahang maikalakal, sapat na kalidad, kaakmaan, o kaangkupan para sa anumang partikular na layunin. Puwedeng makaranas ng mga teknikal na problema kaugnay ng Mga Electronic na Pasilidad. Puwedeng kasama sa mga nasabing problema ang, pero hindi ito limitado sa, mga pagkasira, pagpalya, pagkaantala, sira sa hardware, o pagkaluma ng software. Ang ilang problema ay puwedeng resulta ng mga kakulangan sa hardware, software, o link ng komunikasyon, o anupamang dahilan at puwedeng humantong ang mga nasabing problema sa posibleng pagkalugi at/o pagkawala ng data. Kung walang panloloko o sadyang pag-default, sa anumang pagkakataon, hindi mananagot ang Binance, o ang alinman sa mga kaugnay nitong kumpanya o affiliate o ang sinuman sa mga kaukulan nitong opisyal, empleyado, ahente, kinatawan, o contractor sa anumang pagkawala, halaga, habol, demanda, gastusin, o pinsala kasama, nang walang limitasyon, ang pagkawala ng tubo, pagkawala ng kita, pagkawala ng oportunidad, kinahinatnan, hindi maaasahan, espesyal o hindi direktang pinsala o gastusin na nangyari nang direkta o hindi direkta bilang resulta ng pag-access o paggamit sa Mga Electronic na Pasilidad, kahit na napayuhan ang Binance tungkol sa posibilidad na mangyari iyon o makatuwirang maaasahan na mangyayari iyon.
37. Ang Binance ay puwedeng gumamit o magbigay ng teknolohiya at/o mga electronic na serbisyo, gawing available ang teknolohiya at/o mga electronic na serbisyo na ibinibigay ng mga third party, para magamit mo kaugnay ng anumang Order na inilagay o Transaksyong isinagawa mo sa Binance. Puwedeng kasama sa nasabing teknolohiya at mga electronic na serbisyo ang, pero hindi ito limitado sa, teknolohiya sa pag-trade, mga web application, mga application program interface, software, software code, mga program, mga protocol, at mga display (kapag sama-sama, ang “Teknolohiya”) para sa pag-trade, pagsusuri sa mga trade at merkado, paggawa ng mga naka-automate na system ng pag-trade, at/o para tulungan o pangasiwaan ang pagbibigay, pagiging available, o pagkonekta ng Mga Electronic na Pasilidad na ibinibigay o ginagawang available ng Binance para ma-access o magamit mo. Ibinibigay ng Binance ang Teknolohiya nang walang pagbabago, nang walang anumang warranty ng kakayahang maikalakal, kaangkupan sa isang partikular na layunin, o iba pang hayagan o ipinahiwatig na warranty. Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na wala sa Binance, sinumang Third Party na Tagapaglisensya, at anupamang third party na provider ng Teknolohiya ang mananagot sa pagpapatakbo o performance ng anumang naka-automate na system ng pag-trade na binuo gamit ang Teknolohiya o sa anumang error, pagkasira, o pagpalya ng, o kawalan ng kakayahang i-access ang, anumang Teknolohiya o Electronic na Pasilidad o sa anumang pagkaantala o pagkagambala sa pagpapadala ng mga Order dahil sa pagkasira, sobra-sobrang dami ng pagtawag, o pagpalya ng equipment sa pagpapadala o komunikasyon sa internet o iba pa, kasama na ang, pero hindi limitado sa, mga problema sa komunikasyon, pagkasira ng software o hardware ng computer, error ng pagpalya, anuman at lahat ng problema o glitch na nauugnay sa mga problema sa computer o anupamang teknikal na dahilan o mga dahilan.
38. Kinukumpirma mo na ang ilang partikular na database, program, protocol, display, at manual na posibleng bumubuo sa isang bahagi ng Teknolohiya (ang “Pinagmamay-ariang Impormasyon”) ay pinagmamay-arian at natatangi sa Binance, mga Third Party na Tagapaglisensya, o mga third party na provider ng Teknolohiya, kung saan may copyright, patent, o iba pang pinagmamay-ariang karapatan na posibleng hawak ang Binance, ang mga nasabing Third Party na Tagapaglisensya, ang mga third party na provider ng Teknolohiya, o mga third party kung kanino inilisensya o nakuha ng mga nasabing Third Party na Tagapaglisensya o third party na provider ng Teknolohiya ang mga nasabing karapatan. Sumasang-ayon kang gawin o pagawin ng anuman at lahat ng kinakailangang pag-iingat para mapanatili ang pagiging kumpidensyal ng nasabing Pinagmamay-ariang Impormasyon, para sumunod sa lahat ng batas sa copyright, trademark, trade secret, patent, at iba pang batas na kinakailangan para maprotektahan ang lahat ng karapatan sa Pinagmamay-ariang Impormasyon gaya ng ipinayo ng Binance at sumasang-ayon kang huwag alisin, itago, o sirain ang anumang abiso sa copyright o iba pang abiso sa pagmamay-ari, kung saan posibleng kasama ang mga pagbanggit sa Binance, gaya ng pagmamay-ari ng mga Third Party na Tagapaglisensya o katulad na iba pang third party, na kasama sa Teknolohiya.
39. Kinukumpirma, tinatanggap, at sinasang-ayunan mo na ang Binance, sinumang Third Party na Tagapaglisensya, o sinumang third party na provider ng Teknolohiya at ang mga kaukulan nitong direktor, opisyal, empleyado, ahente, contractor, at/o sub-contractor ay hindi papanagutin sa anumang pagkawala, pinsala, halaga, o gastos (kasama na ang pagkawala ng data) na naranasan o natamo mo bilang resulta, mula sa o kaugnay ng anumang error, pagkasira, pagpalya, kawalan ng kakayahang i-access, problema, pagkagambala, o pagkaantala sa Teknolohiya, o Mga Electronic na Pasilidad, o mula sa anumang kawalan ng katumpakan, pagkakamali, o kakulangan sa impormasyong nasa Teknolohiya o Mga System ng Pag-trade na ibinigay, o ginawang available para ma-access at magamit mo, gayunpaman, hangga't ang limitasyong ito ay hindi nalalapat sa anumang pagkawala, gastos, o pinsalang naranasan o natamo mo dahil sa panloloko o sadyang pag-default ng Binance sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito na iniaatas ng Kasunduang ito o Naaangkop na Batas. Bawat isa sa Binance, mga nasabing Third Party na Tagapaglisensya, at mga nasabing third party na provider ng Teknolohiya ay walang ibinibigay na warranty, kondisyon, garantiya, o representasyon sa sapat na kalidad, kaakmaan sa isang partikular na layunin o iba pang warranty, kondisyon, garantiya, o representasyon, hayagan man o ipinahiwatig, sa batas o katotohanan, pasalita o pasulat, maliban sa hayagang nakasaad sa mga tuntunin ng Kasunduang ito. Hindi mananagot sa anumang pagkakataon ang Binance, mga nasabing Third Party na Tagapaglisensya, at/o mga nasabing third party na provider ng Teknolohiya sa anumang uri ng pagkawala, pinsala, halaga, o gastusin na natamo o naranasan mo na hindi direkta, nagkataon, espesyal, o kinahinatnan (kasama nang walang limitasyon ang anumang pagkalugi o iba pang pagkawala ng turnover, tubo, negosyo, o kabutihang loob) na mula sa o kaugnay ng pagbibigay, o ng pagiging available sa iyo, ng anumang Teknolohiya o Electronic na Pasilidad.
40. Nang walang hindi makatuwirang paghuhusga sa saklaw ng nabanggit, sumasang-ayon kang hindi ka magsasagawa ng anumang legal na pagkilos, sa pagkukulang man, kontrata, o iba pa, laban sa Binance, sinumang Third Party na Tagapaglisensya, o sinupamang third party na provider ng Teknolohiya na nagpaparatang ng mga pinsala para sa, pagpalya ng Binance na magsagawa o kung hindi man ay mag-settle ng Transaksyong pinasok mo gamit ang Teknolohiya.
41. Ang paggamit ng anumang serbisyo sa ilalim ng Kasunduang ito ay posibleng mangailangan ng mga compatible na hardware o devices, access sa internet, web browser na may kasamang 128-bit na pag-encrypt (hal. Chrome/Edge/Firefox/Safari/Opera, inirerekomenda ang pinakabagong bersyon at nangangailangan ng mga pana-panahong update) at software ng Binance (inirerekomenda ang pinakabagong bersyon at nangangailangan ng mga pana-panahong update). Puwedeng maapektuhan ang performance sa ilalim ng Kasunduang ito ng performance ng mga salik na ito. Hindi inirerekomendang gumamit ng touchscreen device sa web browser. Sumasang-ayon kang responsibilidad mong matugunan ang mga kinakailangang ito. Hindi mananagot ang Binance sa anumang pagkawalang direkta o hindi direktang resulta ng mga hindi compatible na hardware o device, congestion ng personal na network, pagkaantala sa network, hindi magandang environment sa network, at lumang bersyon ng software. Nakalaan sa Binance ang karapatang limitahan ang dami ng mga Binance Liquid Swap Account na puwedeng gawin mula sa isang device at ang dami ng mga device na nauugnay sa isang Binance Liquid Swap Account.
Disclaimer:
Posibleng naisalin at na-publish ang Kasunduan ng User ng Liquid Swap sa iba't ibang wika. Kung sakaling may anumang salungatan, maling pahayag, kakulangan, o pagkakamali na lumalabas sa anumang naisaling bersyon, ang bersyong Ingles ang mananaig.