Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Binance Futures
Istruktura ng Bayad at Mga Kalkulasyon ng Bayad sa Binance Futures
Istruktura ng Bayad at Mga Kalkulasyon ng Bayad sa Binance Futures
2021-07-14 03:37
Para tingnan ang iyong rate ng bayad sa pag-trade, mag-click dito.
Mga Tala:
- Ang lahat ng VIP sa spot market ay mga VIP rin sa Futures market.
- Katulad ng mga tier ng bayad sa Futures ang mga tier sa spot market pero karaniwang mas mababa ang mga ito. Tandaan na ang kinakailangang dami para sa bawat tier ng VIP ay katumbas ng 5 beses ng sa spot market dahil sa ibinibigay na leverage.
- Sumangguni sa Mekanismo ng Pagkalkula ng Pang-araw-araw na Balanse sa BNB.
- Makakatanggap ang mga user ng 10% diskwento sa karaniwang bayarin sa pag-trade kapag gumamit sila ng BNB para magbayad ng bayarin sa pag-trade sa Binance Futures. Kakailanganin ng mga user na maglipat ng BNB mula sa kanilang Spot Wallet papunta sa kanilang Futures Wallet para matanggap ang 10% diskwento. Siguraduhin na mayroon kang sapat na balanse ng BNB sa iyong Futures Wallet para masagot ang bayarin sa pag-trade. Awtomatikong magbabawas ng USDT ang system bilang bayarin sa pag-trade sa Futures at hindi ka magiging kwalipikado sa diskwento.
- Magagamit ang BNB na inilipat sa Futures USDⓈ-M Wallet para sa mga diskwento sa bayad at collateral kapag naka-enable ang Multi-Assets mode. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Programa ng Diskwento sa Bayad sa Pag-trade sa Binance Futures - Makatipid ng 10% sa BNB
Ano ang ibig sabihin ng "Maker" at "Taker"?
Taker:
Kapag naglagay ka ng order na nagte-trade agad bago mapunta sa order book, na mapupunan nang bahagya o buo, magiging mga trade ng "taker" ang mga trade na iyon.
Ang mga trade mula sa mga Market order ay palaging Mga Taker, dahil hindi kailanman mapupunta sa order book ang mga Market order. Ang mga trade na ito ay "kumukuha" ng dami mula sa order book, at samakatwid ay tinatawag na "taker."
Maker:
Kapag naglagay ka ng order na napupunta sa order book nang bahagya o buo, gaya ng limit order, magiging “maker” ang anumang kasunod na trade na magmumula sa order na iyon.
Ang mga order na ito ay nagdaragdag ng dami sa order book, na tumutulong na "gawin ang merkado," at samakatuwid ay tinatawag na "maker" para sa anumang kasunod na trade.
Paano kalkulahin ang komisyon para sa mga Coin-margined contract?
Bayad sa komisyon = notional value*rate ng bayad
Notional value = (dami ng kontrata*laki ng kontrata) / trade price
Halimbawa, komisyon ng maker ng regular na user: 0.015%; komisyon ng taker: 0.040%
Bumili ng 10 BTCUSD 0925 quarterly contract gamit ang Market order:
Notional value = (dami ng kontrata*laki ng kontrata) / opening price
= (10 kontrata*100 USD) / 10,104 USD
= 0.09897 BTC
Bayad sa komisyon ng taker: 0.09897*0.040% = 0.00003959 BTC
Pagkatapos tumaas ang presyo, ibenta ang 10 BTCUSD 0925 quarterly contract gamit ang Limit order:
Notional value = (dami ng kontrata*laki ng kontrata) / closing price
= (10 kontrata*100 USD) / 11,104 USD
= 0.09 BTC
Bayad sa komisyon ng maker: 0.09*0.015% = 0.00001351 BTC
Tandaan: Para sa mga quarterly delivery contract, may sisingiling flat na bayad sa settlement na 0.015% para sa lahat ng posisyong na-settle sa petsa ng paghahatid.
Paano kalkulahin ang komisyon ng mga USDⓈ-margined contract?
Bayad sa komisyon = notional value*rate ng bayad
Notional value = dami ng kontrata*trade price
Halimbawa, regular na komisyon ng maker: 0.02%; komisyon ng taker: 0.040%
Bumili ng 1 BTC BTCUSDT contract gamit ang Market order:
Notional value = dami ng kontrata*opening price
= 1 kontrata*10,104 USD
= 10,104
Bayad sa komisyon ng taker: 10,104*0.040% = 4.0416 USDT
Pagkatapos tumaas ang presyo, ibenta ang 1 BTC BTCUSDT contract gamit ang Limit order:
Notional value = dami ng kontrata*closing price
= 1 kontrata*11,104 USD
= 11,104
Bayad sa komisyon ng maker: 11,104*0.02% = 2.2208 USDT