Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Tutorial

Bakit Ko Kailangang Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan?

Binance
2021-05-20 09:14
Bakit Ko Kailangang Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan?
Hinihingi ng Binance sa mga user na kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan para mapaigting ang seguridad ng kanilang account. Bisitahin ang Paano Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan kung hindi mo pa nakumpleto ang proseso ng pag-verify.
Kung nakakaranas ka ng mga problema sa mga pag-withdraw, sumangguni sa mga sumusunod na dahilan at solusyon:
1. Ina-access mo ang iyong account mula sa iba't ibang IP address
Kung ina-access mo ang iyong account mula sa iba't ibang IP address, ituturing ito ng system na “kahina-hinala” at pansamantala nitong sususpindihin ang mga pag-withdraw sa iyong account para protektahan ang iyong mga asset.
Makipag-ugnayan sa Binance Support para i-verify ang iyong pagkakakilanlan.
2. Hindi mo pa nakumpleto ang pag-verify gamit ang mukha
Kung hindi mo pa nakumpleto ang proseso ng pag-verify gamit ang mukha sa Pag-verify sa Pagkakakilanlan, magiging limitado ang halaga na puwedeng ma-withdraw. Sumangguni sa mga limitasyon na nakasaad sa [Personal na Pag-verify].
Para mapataas ang iyong limitasyon sa pag-withdraw, puwede mong kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan sa website o App ng Binance, o puwede kang makipag-ugnayan sa Binance Support para magbigay ng karagdagang impormasyon para sa pag-verify.
3. May mga problema sa iyong Pag-verify sa Pagkakakilanlan
Kung kulang ang impormasyong isinumite mo para sa Pag-verify sa Pagkakakilanlan, pansamantalang sususpindihin ang mga pag-withdraw sa iyong account.
Makipag-ugnayan sa Binance Support para makapagbigay ng dagdag na impormasyon para sa pag-verify.
4. Hindi mo pa na-enable ang Two-Factor Authentication (2FA)
Ang two-factor authentication (2FA) ay ang pagprotekta mo sa iyong account gamit ang dalawang factor o lock, na maglalagay ng karagdagang antas ng seguridad, gaya ng Google Authenticator, pag-verify gamit ang SMS, at pag-verify gamit ang email. Kailangan mong mag-activate ng kahit man lang dalawang paraan ng pag-authenticate bago ka makapag-withdraw ng mga pondo. I-click ang [I-enable Ngayon] at sundin ang mga tagubilin para i-enable ang 2FA.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Ako Magdedeposito/Magwi-withdraw ng Cryptocurrency sa Binance