Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Derivative ng Crypto
Mga Option
Binance Options

Ano ang Vol Options (Straddle)

Binance
2021-10-13 01:48
Puwede ka na ngayong mag-trade ng Binance Options on the go sa Binance App:
I-download para sa Android

I. Ano ang Vol Options?

Ang Vol Options, na karaniwang kilala bilang ‘Straddle,’ ay isang neutral na diskarte sa options kung saan kasama ang sabay na pagbili ng put options at call options ng isang pinagbabatayang asset, na may magkaparehong strike price at petsa ng pag-expire, ibig sabihin, dalawang transaksyong ginawa bilang isa ng system.
Kapag bumili ka ng Vol Option, mahuhuli mo ang paggalaw ng merkado anuman ang direksyon nito, nang may pagkakataong magkaroon ng walang limitasyong kita hangga't kapansin-pansin ang magiging paggalaw ng pinagbabatayang asset nang mas mataas sa breakeven point (strike price +/- premium), at ang maximum na pagkalugi ay ang premium lang na binayaran para sa options.
Gayunpaman, medyo mas mataas ang gastos sa premium ng Vol Options kaysa sa isang call o put option, at puwede kang maharap sa panganib na mawala ang premium kung hindi masyadong gagalaw ang merkado.
Premium ng Vol = (Premium ng Call + Premium ng Put) * 0.95
*na may humigit-kumulang 5% diskwento
Halimbawa, kung inaasahan mong magiging matindi ang volatility sa presyo ng Bitcoin, puwede kang bumili ng 1 araw na BTC Vol Options, ibig sabihin, bibili ka ng call at put option na may parehong strike price na $40,000 at premium na $100 bawat isa. Kung kapansin-pansin ang magiging paggalaw ng Bitcoin nang lampas sa pinagsamang breakeven price ng dalawang options, puwede kang lumabas sa trade nang may kita. Para kumita, kailangan mo lang hulaan ang tindi ng volatility ng merkado sa halip na ang direksyon nito.
PNL = Max [ ( Pinagbabatayang Presyo- Strike Price ) * Dami - Premium, ( Strike Price - Pinagbabatayang Presyo ) * Dami - Premium, - Premium]

II. Paano bumili ng Vol Options sa Binance App?

Kung ang hula mo ay magkakaroon ng kapansin-pansing paggalaw sa merkado, puwede kang bumili ng Vol Options para kumita:
1. Mag-log in sa Binance App at i-tap ang [Futures] - [Options]. Una, piliin ang tagal ng pag-expire ng option: 5 minuto, 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 4 na oras, 8 oras, 12 oras, o 1 araw. Susunod, ilagay ang dami ng order at i-tap ang [Vol]. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Binance Options, sumangguni sa Ano ang Binance Options.
2. Pagkatapos, makikita mo ang mga detalye ng iyong order: ang pangalan ng kontrata, ang dami, ang strike price, ang premium na kailangan mong bayaran (kakalkulahin ang premium nang real-time kapag inilagay mo ang dami), at ang mga breakeven price.
*Tandaan na may dalawang breakeven price para sa Vol Options dahil bumibili ka ng call option at ng put option:
  • Breakeven Price ng Call Options = Strike Price + (Premium/Dami)
  • Breakeven Price ng Put Options = Strike Price + (Premium/Dami)
3. Puwede kang magtakda ng dalawang magkaibang target price (mas mataas at mas mababa) para sa options sa pamamagitan ng paglalagay ng layo (+/-) mula sa strike price. Makikita mo ang tinatayang PNL kapag inilagay mo ang mga target price.
*Kinakalkula ang tinatayang PNL gaya ng sumusunod:
  • Mas Mataas na Target Price = Max [(Target Price - Strike Price)*Dami - Premium, - Premium]
  • Mas Mababang Target Price = Max [(Strike Price - Target Price)*Dami - Premium, - Premium]
4. I-tap ang [Kumpirmahin] para ipatupad ang trade.
5. Kapag nailagay mo na ang order, puwede mong tingnan ang iyong posisyon, kasama na ang unrealized na kita at pagkalugi, tagal bago mag-expire, at breakeven price sa ilalim ng [Mga Posisyon]. Ipapakita rin sa chart ang iyong options.
6. Dahil ang Binance Options ay American-style na options, puwede mong i-settle ang options sa strike price anumang oras bago ang petsa ng pag-expire.
  • Para mag-settle nang manu-mano:
Pumunta sa [Mga Posisyon], i-tap ang [I-settle] para i-realize ang Kita at Pagkalugi ng iyong options, pagkatapos ay i-tap ang [Kumpirmahin] para i-settle ito.
  • Para mag-settle sa petsa ng pag-expire:
Kung hindi mo ise-settle ang option bago ang petsa ng pag-expire, awtomatiko itong mase-settle o ie-exercise sa petsa ng pag-expire.
Mga Kaugnay na Artikulo
Isang Pangkalahatang-ideya tungkol sa Mga Option Contract