Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan

Paano Gamitin ang Binance Convert

Binance
2021-09-09 06:46
Ang Binance Convert ay isang serbisyo kung saan puwedeng i-convert ng mga user ang cryptocurrency na hawak nila sa ibang cryptocurrency, sa loob lang ng ilang segundo. Pinapagana rin ng Binance Convert ang function na Mag-convert ng Binance app at ito ang pangunahing opsyon sa pagbili ng crypto sa Binance Lite mode ng app.
Para kumumpleto ng crypto deal sa Binance Convert, apat na simpleng hakbang lang ang kailangan mo, na kayang gawin sa loob lang ng ilang segundo.
Hakbang 1: Pumunta sa Binance Convert.
  • Sa website ng Binance, pumunta sa [Mag-trade] sa kaliwang bahagi sa itaas ng homepage, pagkatapos ay piliin ang [Mag-convert].
  • Sa Binance app, pumunta sa Mga Trade (ang gitnang opsyon sa ibabang bahagi ng iyong screen), pagkatapos ay piliin ang [Mag-convert] sa kaliwang bahagi sa itaas ng iyong screen (para sa default na bersyon ng app) o sa lalabas na pop-up (para sa Binance Lite).
Hakbang 2: Piliin ang token na mayroon ka at ang token na gusto mong bilhin. Puwede mong ilagay ang dami ng token na gusto mong gamitin (sa itaas na bahagi) o ang dami ng token na gusto mong makuha (sa ibabang bahagi).
Hakbang 3: I-click ang I-preview ang Conversion. Pagkatapos, makikita mo ang quote ng presyo para sa transaksyong kinokonsidera mo. May 5 segundo ka para aprubahan ang quote na ipinapakita sa iyo para matapos ang deal. Kapag lampas 5 segundo na, i-click ang I-refresh para makakuha ng bagong rate.
Hakbang 4: I-click ang I-convert. Ilang segundo lang ang aabutin ng transaksyon, at makikita mo na sa iyong Spot Wallet ang binili mong crypto.
Mga Kaugnay na Artikulo
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance