Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Mining
Tutorial sa Pool
Paano ikonekta ang NiceHash sa Binance Pool?
Binance
2021-02-10 03:13
1.Ano ang NiceHash?
Ang NiceHash ay isang sikat na broker at pamilihan ng hash power kung saan puwedeng bumili o magbenta ang mga user ng computational power ng kanilang mga mining device, na tinatawag na hashrate. Ang Hashrate o Hashpower ay isang computational resource na isang pagsukat sa kung gaano karaming hashing power ang kayang likhain ng iyong computer o mining hardware para masagot ang iba't ibang Proof of Work algorithm ng cryptocurrency. Binibigyang-daan ng NiceHash ang mga user na bumili at magbenta ng hashpower at ituro ito sa kanilang piniling mining pool kung saan sila babayaran ng katumbas ng hashpower na naikonekta nila.
Binibigyang-daan ng NiceHash at ibang mga pamilihan ng hashrate ang mga user na makapag-mine sa Binance Pool nang hindi kailangang magmay-ari o magpatakbo ng kanilang sariling mining hardware, at pinapayagan ang mga user na makilahok sa mga sikat na eksklusibong produkto ng Binance Pool tulad ng Pool Savings.
2. Paano makilahok sa NiceHash mining gamit ang Binance Pool?
Kumokonekta ang mga mamimili sa NiceHash sa mga minero (mga tagapagbigay ng hashrate) sa platform ng NiceHash at pumipili sila kung saan nila isusumite ang kanilang hashrate. Puwedeng magsumite ang mga mamimili ng ETHash hashrate o SHA-256 hash rate sa Binance Pool para makatangap ng reward. Mahusay na opsyon ang Binance Pool para sa maraming mamimili ng NiceHash dahil ang kumbinasyon ng mababang bayad sa Pool at FPPS (Full Pay Per Share) na sistema ng pagbabayad ay magbibigay ng mas malaking kita sa kanila. Kailangan munang gumawa ng account sa Binance Pool ang mga mamimili sa NiceHash para makapag-direkta ng hashpower

Para sa Higit pang Impormasyon sa sistema ng payout ng Binance Pool, bumisita sa: https://www.binance.com/au/support/faq/32843190fc1c4329a4df024339efa8d8

Paano gumawa ng Account sa Binance Pool:
Kailangan ng mga user ng NiceHash na magkaroon ng account sa Binance Pool kung saan nila maididirekta ang kanilang mga nabiling Hashrate. Para gumawa at magrehistro ng account sa Binance Pool, bumisita sa: https://accounts.binance.com/en/register
Paano gumawa ng account sa NiceHash:
Bumisita sa https://www.nicehash.com/my/register para magrehistro ng bagong account sa NiceHash. Pagkatapos ay kailangan mong magdeposito ng Bitcoin sa iyong NiceHash wallet para makabili ng Hashrate sa pamilihan ng NiceHash dahil ang lahat ng Hashrate contract ay binibili sa Bitcoin anuman ang piliin mong Hashrate na algorithm. Tandaan na ang Binance Pool ay tumatanggap lang ng SHA-256 at ETHash Hashrate.

Paano maglagay ng order sa Nicehash:
Pinapahintulutan ng pamilihan ng Nicehash ang paglalagay ng dalawang magkaibang uri ng hash power order. Para sa higit pang impormasyon sa functionality nito, bumisita sa:
https://www.nicehash.com/support/hash-power-marketplace/orders/how-to-create-a-new-order

Paano i-link ang NiceHash sa Binance Pool.
Kapag nakagawa ka na ng account sa Binance Pool at account sa NiceHash, puwede mo nang itakda ang iyong mga worker at stratum na proxy.

Mga available na stratum proxy para sa SHA-256 (Binance Pool):
Mining URL:
stratum+tcp://sha256.poolbinance.com:8888
stratum+tcp://bs.poolbinance.com:3333
Mga sinusuportahang port: 8888、3333、1800、443

Mga available na stratum proxy para sa ETHash (Binance Pool):
Mining URL:
stratum+tcp://ethash.poolbinance.com:1800
Mga sinusuportahang port: 1800、25、443、3333、8888

Paano ikonekta ang Nicehash sa Binance Pool:
Sa parte ng bumibili ng NiceHash, makakakita ka ng opsyong itakda ang iyong stratum proxy at pangalan ng worker. Pumili mula sa mga stratum proxy na nakalista sa itaas at ilagay ang pangalan ng worker sa kahon ng username na eksaktong tumutugma sa pangalan sa iyong sub account sa Binance Pool. Kung hindi mo ito binago, ang default na password para sa mga account sa Binance Pool ay 123456

Pagbago sa Minimal na Antas ng Hirap ng Pool

Para sa ETH mining, posibleng kailanganin mong itakda ang minimal na antas ng hirap ng pool tulad ng nakikita sa itaas.
Puwede mong piliin ang antas ng hirap ayon sa kasalukuyang dami ng hashrate halimbawa:

Antas ng Hirap ng Pagmimina =137438953472=2^37=2^7x2^30=128Gh/s,
Antas ng Hirap ng Pagmimina =17179869184=2^34=2^4x2^30=16Gh/s,

Ang antas ng hirap ay puwedeng baguhin base sa dami ng hashrate na kailangang ikonekta

Pagpapatupad ng Hashpower order sa NiceHash.
Kapag nakapagdeposito ka na ng mga bitcoin sa iyong Nicehash wallet at naitakda ang Binance Pool, puwede ka nang maglagay ng order. Mula rito, ipatupad ang buy order sa NiceHash at tingnan ang iyong koneksyon sa Binance Pool.
Puwede kang maglagay ng order sa pamamagitan ng pagpunta sa Pamilihan: https://www.nicehash.com/my/marketplace

Para sa higit pang impormasyon sa pagbili ng Hashrate sa NiceHash, bumisita sa:
https://static.nicehash.com/marketing%2FNiceHash_Buying_Guide_2020.pdf

Pagtingin kung nakakonekta ka sa Binance Pool
Dahil sa Binance Pool binabayaran ang mga user ng NiceHash, mahalagang tiyaking nakakonekta nang maayos ang iyong hashrate sa pool. Mahalagang tiyaking nakakonekta ka sa Binance Pool. Sa loob ng 15 minuto pagkatapos mong maglagay ng hashrate order, makikita mo na dapat ang istatistika sa:
https://pool.binance.com/en/statistics

Kung may anumang tanong ka tungkol sa Nicehash at pagmimina sa Binance Pool o kung kailangan mo ng kahit anong tulong sa mga ito, magpadala lang ng email sa poolvip@binance.com para kumonsulta.