Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Binance Futures
Strategy Trading
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Mga COIN-M Futures Contract
Gabay sa Futures
Hedge Mode
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Index
Trading Rules
Leveraged Token
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Pag-unawa sa Order Book at Lalim ng Merkado

2021-07-29 11:44

Ano ang Order Book?

Ang order book ay isang electronic na listahan ng mga buy at sell order para sa isang partikular na asset na nakaayos ayon sa antas ng presyo. Ang mga interes ng mga mamimili at nagbebenta ay kinakatawan sa pamamagitan ng mga order book. Ipinapakita ng order book ang dynamic na koneksyon sa pagitan ng mga mamimili at nagbebenta sa pamamagitan ng pag-visualize ng listahan ng mga hindi pa naipapatupad na order para sa isang partikular na asset nang real-time.
Nakalista sa isang order book ang dami ng mga order na bini-bid o iniaalok sa bawat price point, na kilala rin bilang lalim ng merkado. Nagbibigay ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa pag-trade, na nagpapaigting ng transparency ng merkado. May napakahalagang tungkulin sa pagtuklas ng presyo ang lalim at liquidity ng order book. 

Paano Gumagana ang Order Book?

Halos bawat palitan ay gumagamit ng mga order book para maglista ng mga order para sa iba't ibang asset gaya ng mga equity, bond, currency, at maging mga cryptocurrency gaya ng Bitcoin. Puwedeng lumabas ang impormasyon sa pagbili at pagbebenta sa itaas at ibaba ng screen o sa kaliwa at kanang bahagi.
Laging ina-update ang order book nang real-time sa buong araw, at ang ibig sabihin nito, dynamic ito at ipinapakita nito ang real-time na layunin ng mga kalahok sa merkado. 
Karaniwang may apat na bahagi ang isang order book: mga buy order, mga sell order, presyo, at laki.
  1. Naglalaman ang mga buy order ng impormasyon ng mamimili, kasama ang lahat ng bid, ang halagang gusto nilang bilhin.
  2. Naglalaman ang mga sell order ng impormasyon ng nagbebenta, kasama ang lahat ng alok, ang halagang gusto nilang ibenta.
  3. Ipapakita ng bawat antas ng presyo ang partikular na dami ng mga order (laki) kung saan handang bilhin o ibenta ng mga kalahok ang asset.
  4. Makikita sa itaas ng book ang pinakamataas na bid at pinakamabababang ask price. Ipinapakita ng mga order book sa Binance ang pinagsama-samang laki ng liquidity para sa bawat panig ng merkado (buy/sell) hanggang sa itaas ng book. 
Nakakatulong ang order book sa mga trader na makapagpasya sa pag-trade nang mas mabuti batay sa impormasyon. Makikita nila ang mga kawalan ng balanse sa order na posibleng magbigay ng mga palatandaan sa panandaliang direksyon ng isang asset.