Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Fan Token

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Paano Bumili ng Mga NFT at Mystery Box Gamit ang Fan Token sa Binance

2021-10-27 09:05

Paano Gamitin ang Mga Fan Token sa Binance sa Marketplace ng Binance NFT?

Nagbibigay ang Mga Fan Token sa Binance sa mga fan ng higit na makabuluhang mga paraan para makipag-ugnayan sa kanilang mga paboritong koponan at brand sa sports. Masusuportahan ng mga fan ang kanilang mga koponan sa pamamagitan ng paghawak ng mga token ng koponan at puwede nilang ipalit ang mga token na ito para bumili at magbenta ng mga espesyal at limited edition na NFT collectible sa sekondaryang marketplace.
Ang Marketplace ng Binance NFT ay isang marketplace ng komunidad na binuo sa imprastraktura ng blockchain ng Binance at may iba't ibang digital collectible mula sa mga artist, creator, at celebrity. Puwedeng maglunsad, makipagpalit, at mag-bid ng mga NFT at Mystery Box ang mga user.

Paano bumili ng Mystery Box gamit ang Fan Token sa Binance?

Naglalaman ang Mystery Box ng isang espesyal na NFT na ipapakita lang kapag binuksan ng user ang box. Kumpara sa mga mamahaling artwork at NFT, makakabili ang bawat user ng Mystery Box sa relatibong mas mababang presyo at makakasali sila sa raffle, kung saan may tsansa silang makakuha ng mga limited edition na NFT.  Depende sa pagiging rare ng Mga Mystery Box, maikakategorya ang mga ito sa apat na uri: mula normal (N), rare (R), super rare (SR), hanggang super, super rare (SSR). 
Ganito ka makakapagsimula:
1. Bisitahin ang Platform ng Fan Token sa Binance at mag-log in sa iyong account sa Binance. Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan kung hindi mo pa ito nagagawa.
2. Piliin ang paborito mong koponan sa seksyong ‘Mga Naka-feature na Koponan.’ Sa page ng koponan, mag-scroll pababa at makikita mo ang seksyong ‘NFT Mystery Box’ sa ibaba ng mga poll ng botohan. Puwede mo ring bisitahin ang Mystery Box Market sa Marketplace ng Binance NFT.
3. Sa ilalim ng seksyong NFT Mystery Box, makakakita ka ng impormasyon tungkol sa pangalan at paglalarawan, natitirang halaga, presyo (nasa Mga Fan Token sa Binance), at petsa ng pag-expire ng bawat Mystery Box.
Mystery Box ng Fan Token sa Binance 
4. Mag-click sa button na [Pumunta sa Marketplace] at piliin ang dami ng Mystery Box na gusto mong bilhin, pagkatapos ay mag-click sa [Bumili Ngayon]. 
5. Kumpirmahin ang iyong order sa pop-up window at bumili ng mga karagdagang Fan Token sa Binance kung kailangan mo ng higit pa para kumpletuhin ang iyong pagbili.
6. Pagkatapos bumili ng Mystery Box, puwede mong piliing buksan ito o idagdag ito sa iyong koleksyon. Tandaan na ang Mga Mystery Box ay hindi nare-refund. Gayunpaman, puwede mong ibenta ang Mystery Box sa Marketplace o buksan ito at ibenta ang NFT na nasa loob nito.

Paano bumili ng NFT gamit ang Mga Fan Token sa Binance? 

1. Puwedeng isagawa ang pagbili ng mga NFT sa iba't ibang paraan sa Marketplace ng Binance NFT, depende sa listing. Puwede kang bumili ng item nang mabilisan o puwede mo itong i-bid sa isang auction. 
2. Para sa fixed na presyo o mabilisang pagbebenta ng mga NFT, puwede mong i-click ang button na [Bumili Ngayon] para bayaran ang buong halaga at makuha ang iyong mga collectible.
3. Para sa pagbebenta sa pamamagitan ng auction, kakailanganin mong maglagay ng mga bid sa loob ng timeframe ng auction para mapataas ang tsansa mong manalo: kung mas mataas ang bid, mas malaki ang tsansa mong makakuha ng item. Para sa mga auction-type na NFT, kakailanganin mong ilagay ang halaga ng bid sa pop-up window. Ang “minimum na markup” ay ang halagang kailangan mong idagdag sa naunang bid para ilagay ang bago mong bid. I-click ang [Maglagay ng Bid] at tiyaking may sapat kang Fan Token sa Binance sa iyong account para kumpirmahin ang iyong bid. 
4. Tandaan na kapag nakapaglagay ka na ng bid, hindi na ito makakansela at mala-lock na ang iyong mga pondo hangga't walang naglalagay ng mas mataas na bid, o hangga't hindi isinasara ang auction.
Tandaan, puwede kang magbenta ng mga NFT sa sekondaryang marketplace anumang oras. Para sa iyong pagbebenta, puwede kang pumili sa pagitan ng Fixed na Presyo at Auction na pamamaraan at kumuha ng bayad sa iba't ibang crypto asset.
Tandaan na hindi makakabili ng mga NFT ang mga user sa sekondaryang merkado gamit ang Fan Token sa Binance sa panahon ng paglulunsad ng Platform ng Fan Token sa Binance. Gayunpaman, kapag naglalagay ng bid o sumusubok na bumili ng NFT sa isang fixed na presyo sa marketplace, magkakaroon ng tsansa ang mga user na gumamit ng ilang partikular na stablecoin at crypto asset para sa kanilang mga pagbili.

Glossary sa NFT ng Fan Token ng Binance

  • NFT Mystery Box: Naglalaman ang Mystery Box ng isang espesyal na NFT na ipapakita lang kapag binuksan ng user ang box.   
  • Edition: Tumutukoy sa pinakamaliit na unit ng Mystery Box, ibig sabihin, isang indibidwal na NFT. Mula sa isang Edition ng NFT, puwede kang magkaroon ng maraming issue.
  • Item: Tumutukoy sa isang uri ng NFT para sa isang season o partikular na kategorya.
  • Rarity: Tumutukoy sa kung gaano karami ang isang NFT. Mula pinakamarami hanggang sa pinakakaunti, ang mga NFT ay puwedeng normal, rare, super rare, at super super rare. Kapag mas rare ang NFT, mas kaunti ang issue.
  • Set na Koleksyon: Binubuo ng 4 na magkakaibang item na kumakatawan sa 4 na iba't ibang season o kategorya ng NFT.