Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
Referral at Mga Affiliate

Ang Gabay sa Programa ng Affiliate ng Binance

Binance
2021-04-25 05:56
Naghahanap ka ba ng mas maraming paraan para kumita sa Binance? Bilang Affiliate ng Binance, may pagkakataon kang magkaroon ng tuloy-tuloy na passive na kita at hanggang sa $72,000 sa mga bonus bawat buwan para sa pagpapakilala ng Binance sa mundo.
Ang Programa ng Affiliate ng Binance
Ang Programa ng Affiliate ng Binance ay nahahati sa Spot at Futures trading. Binibigyang-daan ka ng programang lumikha ng mga natatanging link ng referral na mag-iimbita sa ibang tao na magrehistro at mag-trade sa Binance. Kung may magki-click sa link at magrerehistro, awtomatikong ituturing ito bilang ni-refer mo. Makakatanggap ka ng komisyon sa bawat trade na isasagawa nila, ito man ay sa Binance Spot, Futures, o Margin trading, o kahit na sa Binance Pool. Lahat ng ito sa pamamagitan ng iisang link.
Sino ang dapat mag-sign up:
Mga YouTuber, lider ng komunidad ng crypto, manunulat sa midya, at iba pang manlilikha ng nilalaman na interesadong maging affiliate partner ng Binance at natutugunan ang mga sumusunod na pamantayan:
  • Social media account na may 5000+ na follower
  • Mga komunidad na may 500+ na miyembro
  • Mga negosyo at organisasyon na may 2000+ na user base
  • Lahat ng media publishing site

Paano gumagana ang Programa ng Affiliate ng Binance?

Hakbang 1: Maging Isang Affiliate ng Binance
Isumite ang iyong aplikasyon sa pamamagitan ng pagsagot saform na itoKapag nasuri na ng aming team ang iyong aplikasyon at natiyak na natutugunan mo ang mga pamantayan sa itaas, aaprubahan ang iyong aplikasyon.
Hakbang 2: Likhain at Ibahagi ang iyong mga link ng referral
Likhain at pamahalaan ang iyong mga link ng referral mula sa iyong Account sa Binance. Puwede mong subaybayan ang performance ng bawat link ng referral na ibinabahagi mo. Puwedeng i-customize ang mga ito para sa bawat channel at para sa iba't ibang diskwento na gusto mong ibahagi sa iyong komunidad.
Hakbang 3: Mag-relax lang at kumita ng komisyon
Kapag may nag-sign up o nagrehistro ng account sa Binance gamit ang iyong link ng referral, puwede kang makakuha ng hanggang sa 50% komisyon tuwing makakakumpleto sila ng isang trade. Ano pa ang hinihintay mo? Sumali na sa programa ngayon.

Mga Benepisyo sa Programa ng Affiliate ng Binance: Istruktura ng Pagbabayad para sa Mga Affiliate

Komisyon sa Spot:
Kategorya *Kabuuang Bilang Ng Mga Na-refer na Trader% ng komisyonTandaan

Mga Affiliate sa Spot
< 50041%Tinanggal ang kinakailangan sa hawak na BNB
>=50050%Tinanggal ang kinakailangan sa hawak na BNB
*Kabuuang bilang ng mga na-refer na trader: ang bilang ng mga user na nagrehistro gamit ang iyong link ng referral at gumawa ng transaksyon sa Spot, Margin o sa Futures.
Lahat ng aming naaprubahang affiliate partner sa spot ay makakatanggap ng 41% rate ng komisyon (tumaas mula sa default na 20% para sa mga regular na partner) sa Spot trading. Dagdag pa roon, ang mga mag-iimbita ng mahigit 500 trader ay makakatanggap ng mas mataas na komisyon na 50%. Kapag tumaas na ang iyong rate ng komisyon sa Spot at nakapasa ka sa bawat pagsusuri kada quarter, panghabambuhay na ito. Oo, panghabambuhay na mga komisyon—walang cap, walang limitasyon sa oras, tuloy-tuloy lang na agarang payout pagkatapos makumpleto ang bawat trade na lalo lang lalago kapag mas marami kang user na naimbitahan.
Komisyon sa Futures:
Makakakuha ka ng 40% batayang referral bonus kapag sumali sa programa. Nangangahulugan itong makakakuha ka ng 30% ng bayarin sa pag-trade mula sa mga kaibigang iimbitahan mo at makakakuha ang iyong mga kaibigan ng 10% diskwento sa bayarin sa pag-trade, ang 10% rate ng "kickback" na ibabahagi ng nag-iimbita ay tatagal nang 30 araw mula sa petsa ng pag-activate ng Futures account.
*Ang komisyon sa referral para sa merkado ng Futures ay limitado sa isang taon mula sa oras na magbukas ng kanyang futures account ang inimbitahan.

Paano susuriin ang iyong pagiging miyembro ng programa ng Affiliate ng Binance?

Para sa bawat Affiliate, ang rate ng komisyon sa referral ay unang ia-adjust para sa 3 buwan (ibig sabihin, 90 araw pagkatapos ng petsa ng pagsasaayos), at kapag nakumpleto na ang 90 araw, ang mga affiliate lang na nakakatugon sa mga pamantayang nabanggit sa ibaba ang patuloy na makakatanggap ng mga benepisyong komisyon sa referral. Pagkatapos na matagumpay na matugunan ang mga minimum na kinakailangan, ang mga affiliate ay makakatanggap ng karagdagang 90 araw na palugit kung saan isasagawa ang susunod na pagtatasa.
Mga Pamantayan ng Pagsusuri ng Pagiging Miyembro ng Programa ng Affiliate ng Binance
Para sa Spot (41%) at Futures (30%): Mag-onboard ng 10 bagong trader at magkaroon ng bagong dami ng trader na hindi bababa sa 50 BTC.
Para sa Spot (50%) at Futures (30%): Mag-onboard ng 100 bagong trader at magkaroon ng bagong dami ng trader na hindi bababa sa 500 BTC.
Mga Tala:
  • Para maaprubahan para sa 50% rate ng komisyon sa spot, nakapag-onboard dapat ang affiliate ng hindi bababa sa 500 trader sa kabuuan. Makipag-ugnayan sa iyong account manager o sa customer service para mag-apply para sa 50% komisyon sa referral sa spot pagkaimbita mo ng 500 trader sa kabuuan.
  • Nakabatay ang mga minimum na kinakailangan sa mga rate ng komisyon sa spot ng affiliate. Kailangan ng mga affiliate na may 50% rate ng komisyon ng mas maraming trader at mas mataas na dami ng pag-trade para sa mga bagong trader.
    • Kung ang affiliate na kasalukuyang nakakakuha ng 50% rate ng komisyon sa Spot ay hindi papasa sa pagsusuri bawat quarter para sa pag-onboard ng 100 bagong trader at pagkakaroon ng bagong dami ng trader na hindi bababa sa 500 BTC, pero nakapag-onboard siya ng kahit 10 bagong trader at naging kahit 50 BTC ang bagong dami ng pag-trade niya, mula 50%, bababa at magiging 41% ang rate ng komisyon sa referral sa Spot ng affiliate.
    • Kung ang affiliate na kasalukuyang nakakakuha ng 41% rate ng komisyon sa Spot ay mag-o-onboard ng 100 bagong trader na magkakaroon ng hindi bababa sa 500 BTC na kabuuang dami ng pag-trade sa isang quarter, mula 41%, puwedeng taasan at gawing 50% ang rate ng komisyon sa Spot ng affililate.
  • Nalalapat ang mga kinakailangan sa dami ng bagong trader at minimum na dami ng pag-trade sa mga affiliate sa Spot at Futures.
  • Bagong trader: Nag-sign up sa pamamagitan ng link ng referral at nakagawa ng minimum na isang trade (spot, margin, o futures trading).
  • Kung gusto mong matuto pa tungkol sa Programa ng Affiliate ng Binance, mag-click dito para sa higit pang impormasyon.
Mga Karagdagang Benepisyo ng Programa:
Kampanya ng Buwanang Bonus Para sa Mga Affiliate ng Binance Futures:
Bilang karagdagan sa pagkita ng 30% komisyon at pagbibigay ng isang inisyal na 10% diskwento sa iyong mga referral, ang Mga Affiliate ng Binance Futures ay puwede na ngayong kumita ng bonus na hanggang sa 72,000 USDT batay sa bayarin na binayaran ng kanilang mga referral sa loob ng 1 buwan ng kalendaryo.
Simple lang talaga ito at ang lahat ng Affiliate ng Binance Futures ay awtomatikong kwalipikado para sa Programa ng Bonus!
Halimbawa, kung ang iyong mga referral ay makakabuo ng katumbas ng 15,000 USDT sa bayarin sa pag-trade sa pagitan ng 04/01/2020 at 04/30/2020, dagdag sa iyong karaniwang komisyon sa referral, makakatanggap ka rin ng bonus na 1,500 USDT!
Ang mga bonus ay ipapamahagi sa USDT nang direkta sa mga nakarehistrong Binance Futures account ng mga affiliate bago ang ika-10 ng bawat buwan.
Bumisita rito para makita ang mga detalyadong panuntunan para sa Programa ng Bonus para sa Mga Affiliate ng Futures.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Kumita ng Higit pang Komisyon sa Referral