Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
Ang Gabay sa Programa ng Affiliate ng Binance
Binance
2021-04-25 05:56
Naghahanap ka ba ng mas maraming paraan para kumita sa Binance? Bilang Affiliate ng Binance, may pagkakataon kang magkaroon ng tuloy-tuloy na passive na kita at hanggang sa $72,000 sa mga bonus bawat buwan para sa pagpapakilala ng Binance sa mundo. 
Ang Programa ng Affiliate ng Binance
Ang Programa ng Affiliate ng Binance ay nahahati sa Spot at Futures trading. Binibigyang-daan ka ng programang lumikha ng mga natatanging link ng referral na mag-iimbita sa ibang tao na magrehistro at mag-trade sa Binance. Kung may magki-click sa link at magrerehistro, awtomatikong ituturing ito bilang ni-refer mo. Makakatanggap ka ng komisyon sa bawat trade na isasagawa nila, ito man ay sa Binance Spot, Futures, o Margin trading, o kahit na sa Binance Pool. Lahat ng ito sa pamamagitan ng iisang link. 
Sino ang dapat mag-sign up:
Mga YouTuber, lider ng komunidad ng crypto, manunulat sa midya, at iba pang manlilikha ng nilalaman na interesadong maging affiliate partner ng Binance at natutugunan ang mga sumusunod na pamantayan: 
  • Social media account na may 5000+ na follower
  • Mga komunidad na may 500+ na miyembro
  • Mga negosyo at organisasyon na may 2000+ na user base
  • Lahat ng media publishing site  

Paano gumagana ang Programa ng Affiliate ng Binance?

Hakbang 1: Maging Isang Affiliate ng Binance
Isumite ang iyong aplikasyon sa pamamagitan ng pagsagot saform na itoKapag nasuri na ng aming team ang iyong aplikasyon at natiyak na natutugunan mo ang mga pamantayan sa itaas, aaprubahan ang iyong aplikasyon. 
Hakbang 2: Likhain at Ibahagi ang iyong mga link ng referral
Likhain at pamahalaan ang iyong mga link ng referral mula sa iyong Account sa Binance. Puwede mong subaybayan ang performance ng bawat link ng referral na ibinabahagi mo. Puwedeng i-customize ang mga ito para sa bawat channel at para sa iba't ibang diskwento na gusto mong ibahagi sa iyong komunidad. 
Hakbang 3: Mag-relax lang at kumita ng komisyon
Kapag may nag-sign up o nagrehistro ng account sa Binance gamit ang iyong link ng referral, puwede kang makakuha ng hanggang sa 50% komisyon tuwing makakakumpleto sila ng isang trade. Ano pa ang hinihintay mo? Sumali na sa programa ngayon.

Mga Benepisyo sa Programa ng Affiliate ng Binance: Istruktura ng Pagbabayad para sa Mga Affiliate

Komisyon sa Spot: 
Kategorya *Kabuuang Bilang Ng Mga Na-refer na Trader% ng komisyonTala

Mga Affiliate sa Spot 
< 50041%Tinanggal ang kinakailangan sa hawak na BNB
>=50050%Tinanggal ang kinakailangan sa hawak na BNB
*Kabuuang bilang ng mga na-refer na trader: ang bilang ng mga user na nagrehistro gamit ang iyong link ng referral at gumawa ng transaksyon sa Spot, Margin o sa Futures. 
Lahat ng aming naaprubahang affiliate partner sa spot ay makakatanggap ng 41% rate ng komisyon (tumaas mula sa default na 20% para sa mga regular na partner) sa Spot trading. Dagdag pa roon, ang mga mag-iimbita ng mahigit 500 trader ay makakatanggap ng mas mataas na komisyon na 50%. Kapag tumaas na ang iyong rate ng komisyon sa Spot at nakapasa ka sa bawat pagsusuri kada quarter, panghabambuhay na ito. Oo, panghabambuhay na mga komisyon—walang cap, walang limitasyon sa oras, tuloy-tuloy lang na agarang payout pagkatapos makumpleto ang bawat trade na lalo lang lalago kapag mas marami kang user na naimbitahan.
Komisyon sa Futures:
Makakakuha ka ng 30% batayang referral bonus kapag sumali sa programa. Nangangahulugan itong makakakuha ka ng 20% ng bayarin sa pag-trade mula sa mga kaibigang iimbitahan mo at makakakuha ang iyong mga kaibigan ng 10% diskwento sa bayarin sa pag-trade, ang 10% rate ng "kickback" na ibinahagi ng nag-iimbita ay tatagal nang 30 araw mula sa petsa ng pag-activate ng Futures account

Paano susuriin ang iyong pagiging miyembro ng programa ng Affiliate ng Binance?

Para sa bawat Affiliate, ang rate ng komisyon sa referral ay unang isasaayos para sa 3 buwan (ibig sabihin, 90 araw pagkatapos ng petsa ng pagsasaayos), at kapag nakumpleto na ang 90 araw, ang mga affiliate lang na nakakatugon sa mga pamantayang nabanggit sa ibaba ang patuloy na makakatanggap ng mga benepisyong komisyon sa referral. Pagkatapos na matagumpay na matugunan ang mga minimum na kinakailangan, ang mga affiliate ay makakatanggap ng karagdagang 90 araw na palugit kung saan isasagawa ang susunod na pagtatasa.
Mga Pamantayan ng Pagsusuri ng Pagiging Miyembro ng Programa ng Affiliate ng Binance
Mga Affiliate sa Spot: 
- 50 user sa minimum ang dapat na nakapag-sign up gamit ang iyong link ng referral sa Binance.
- Hindi bababa sa 10 porsyento ng mga pag-sign up ng referral ng affiliate ay dapat na nakapagsagawa ng hindi bababa sa isang trade. 
- Ang affiliate ay dapat ding regular na magbahagi ng lahat ng nilalaman na may kaugnayan sa Binance sa kanilang mga follower at komunidad.
- Kung hindi matutugunan ng isang affiliate ang unang dalawang kondisyon, ang mga referral ng affiliate ay kailangang umabot sa isang minimum na kabuuang dami ng pag-trade na katumbas ng o higit sa kahit man lang 50 BTC bawat quarter.
Mga Affiliate ng Futures: 
Ang Mga Affiliate ng Binance Futures ay kinakailangang magpanatili ng hindi bababa sa 100+ na user na aktibong nagte-trade at may pinagsama-samang dami ng pag-trade na katumbas ng 10,000 BTC sa loob ng 90 araw. Pagkatapos na matagumpay na matugunan ang mga minimum na kinakailangan, ang mga affiliate ay makakatanggap ng dagdag na 90 araw na palugit. Ang minimum na kinakailangang pagsusuri ay ginagawa tuwing 90 araw.
Para mag-apply at makasali sa programa ng affiliate ng Binance, punan ang form na ito, at makikipag-ugnayan kami sa iyo.
Mga Karagdagang Benepisyo ng Programa: 
Kampanya ng Buwanang Bonus Para sa Mga Affiliate ng Binance Futures: 
Bilang karagdagan sa pagkita ng 30% komisyon at pagbibigay ng isang inisyal na 10% diskwento sa iyong mga referral, ang Mga Affiliate ng Binance Futures ay puwede na ngayong kumita ng bonus na hanggang sa 72,000 USDT batay sa bayarin na binayaran ng kanilang mga referral sa loob ng 1 buwan ng kalendaryo.
Simple lang talaga ito at ang lahat ng Affiliate ng Binance Futures ay awtomatikong kwalipikado para sa Programa ng Bonus!
Halimbawa, kung ang iyong mga referral ay makakabuo ng katumbas ng 15,000 USDT sa bayarin sa pag-trade sa pagitan ng 04/01/2020 at 04/30/2020, dagdag sa iyong karaniwang komisyon sa referral, makakatanggap ka rin ng bonus na 1,500 USDT!
Ang mga bonus ay ipapamahagi sa USDT nang direkta sa mga nakarehistrong Binance Futures account ng mga affiliate bago ang ika-10 ng bawat buwan.
Bumisita rito para makita ang mga detalyadong panuntunan para sa Programa ng Bonus para sa Mga Affiliate ng Futures.
Kampanya ng Referral Bonus sa USDT-Margined Quarterly Futures:
Mula Abril 1 (00:00 UTC) hanggang Hunyo 30 (11:59 UTC), ang mga affiliate ng Binance Futures ay ira-rank batay sa kabuuang dami ng pag-trade ng mga kwalipikadong user sa anumang USDT-Margined Quarterly Futures contract sa loob ng bawat buwan. Kapag mas mataas ang dami, mas mataas ang ranking at ang kaukulang reward!
Mga Reward sa Nangunguna sa Ranking:
Unang puwesto - 3,000 USDT
Ikalawang puwesto - 2,000 USDT
Ikatlong puwesto - 1,000 USDT
Ikaapat - Ikasampung puwesto - 800 USDT bawat isa
Ika-11 - Ika-20 puwesto 500 USDT bawat isa
Karagdagang premyo:
Ang lahat ng Affiliate ng Futures na mag-iimbita ng 10+ na kwalipikadong user na makakabuo ng hindi bababa sa 30,000 USDT sa dami ng pag-trade sa anumang USDT-Margined Quarterly Futures contract sa buwan na iyon, ay makakakuha ng bahagi ng pool ng bonus na 10,000 USDT (ang bonus cap para sa bawat affiliate ay nasa 200 USDT).
Bumisita rito para makita ang mga detalyadong panuntunan para sa Kampanya ng Referral Bonus sa USDT-Margined Quarterly Futures. 
Mga Kaugnay na Artikulo
Ang Gabay sa Programa ng Referral ng Binance