Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan

Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance

Binance
2021-09-22 02:33
Welcome sa Binance.com - ang nangungunang palitan ng crypto sa mundo.
Magsimula tayo sa 5 mabibilis at madadaling hakbang:
  • Hakbang 1: Magrehistro ng Account
  • Hakbang 2: Kumpletuhin ang Pag-verify
  • Hakbang 3: Magdeposito ng Crypto
  • Hakbang 4: Bumili ng Crypto
  • Hakbang 5: I-explore ang Mga Produkto ng Binance
Hakbang 1: Magrehistro ng Account
Magrehistro ng account sa Binance mula sa Binance App, website ng Binance, o Desktop App ng Binance gamit ang iyong email o numero ng telepono.
Hakbang 2: Kumpletuhin ang Pag-verify
Puwede mong kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan sa iyong account sa Binance para i-unlock ang mga limitasyon sa pagdeposito at pag-withdraw ng fiat. Karaniwang inaabot nang ilang minuto bago makumpleto ang prosesong ito, kung saan kasama ang pag-verify sa pangunahing impormasyon ng iyong account, pagbibigay ng dokumentasyon ng ID, at pag-upload ng selfie/portrait.
Tiyaking gawing ligtas ang iyong account sa Binance - bagama't ginagawa namin ang lahat para panatilihing ligtas ang account mo, mayroon ka ring kakayahang paigtingin ang seguridad ng iyong account sa Binance. Tingnan ang aming Mga Panseguridad na Tip para sa higit pang impormasyon.
Hakbang 3: Magdeposito ng Crypto
Kung may hawak ka nang crypto sa isa pang wallet, puwede mong ideposito ang mga iyon sa iyong Binance Wallet. Sumangguni sa FAQ rito para sa higit pang impormasyon sa kung paano magdeposito at mag-withdraw ng crypto sa iyong account sa Binance.
Tutorial na Video
Kung hindi ka pamilyar sa mga crypto wallet, pakibasa rito ang artikulong ito sa Academy para matuto pa. Pakitandaan na hindi mo dapat ibahagi kailanman sa sinuman ang mga password, pribadong key, o 2FA code ng iyong Account/Wallet sa Binance. Hinding-hindi hihilingin sa iyo ng Binance na magbigay ng sensitibong impormasyon.
Hakbang 4: Bumili ng Crypto
Magdeposito ng Fiat
Depende sa iyong bansa, puwede kang magdeposito ng hanggang 50+ na fiat currency, tulad ng EUR, BRL, at AUD sa iyong account sa Binance gamit ang bank transfer at mga bank card. Makikita mo rito ang iba't ibang channel ng fiat na ito. Kapag naideposito na, magagamit mo ang mga iyon para direktang bumili ng crypto.
Bumili ng Crypto Gamit ang Debit/Credit Card
Puwede ka ring direktang bumili ng crypto gamit ang iyong credit/debit card sa website ng Binance o Lite Mode sa Binance App sa madaling paraan.
Tutorial na video
Bumili ng Crypto Gamit ang P2P (Peer-to-Peer)
Puwede ka ring bumili ng crypto gamit ang mga P2P na paraan. Nagbibigay-daan ito sa iyo na direktang bumili ng crypto mula sa iba pang mahihilig sa crypto tulad mo. Bisitahin ang page na ito para matuto pa sa kung paano bumili ng crypto sa P2P.
Tutorial na video
Hakbang 5: I-explore ang Mga Produkto ng Binance
Spot Trading
Pagkatapos makuha ang iyong unang crypto, puwede mo nang simulang i-explore ang aming mga versatile na produkto sa pag-trade. Sa Spot market, puwede kang mag-trade ng daan-daang crypto, kasama ang BNB.
BNB ang nagpapagana sa Ecosystem ng Binance at ito ang katutubong coin ng Binance Chain at Binance Smart Chain. May iba't ibang pinaggagamitan ang BNB, tulad ng pagbabayad ng bayarin sa pag-trade sa palitan ng Binance at Binance DEX (Decentralised Exchange), at pagbabayad ng mga produkto at serbisyo online at sa store. Higit sa lahat, puwede kang makakuha ng espesyal na diskwento kung pipiliin mong magbayad ng bayarin sa pag-trade sa BNB sa Palitan ng Binance.
Tutorial na video
Binance Earn
Kung hindi ka interesado sa pag-trade pero gusto mong palakihin ang hawak mong crypto, puwede mong subukan ang Binance Earn. Nag-aalok ito ng kumpletong hanay ng mga pampinansyal na produkto para mapalaki mo ang iyong passive na kita, kabilang ang Flexible Savings, Locked Staking, Launchpool, Liquid Swap ng Binance, at marami pang iba.
Tutorial na video
Kung bago ka sa crypto, tiyaking bisitahin ang Binance Academy - ang one-stop na gabay para matutuhan ang lahat ng tungkol sa blockchain at crypto. Magsimulang matuto rito.
Pakitandaan: may kaakibat na matinding panganib ang pag-trade ng mga cryptocurrency at puwede itong magresulta sa pagkalugi ng iyong kapital. Dapat na palagi kang gumawa ng sarili mong pananaliksik (do your own research o DYOR) para maunawaan ang mga kaakibat na panganib bago ka mag-trade.
Hanapin kami sa Telegram, Twitter, Facebook, o Instagram.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Bumili ng Cryptocurrency sa Homepage ng Binance