Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Magdeposito ng NFT sa Binance

2021-10-05 02:31
Puwede mo na ngayong ideposito ang iyong mga NFT sa Binance sa 3 madaling hakbang. 

Hakbang 1: Ikonekta ang iyong wallet

1. Pumunta sa Binance NFT at mag-log in sa iyong account. I-click ang [User Center] - [Nakolekta] - [Magdeposito].
2. Mare-redirect ka sa [Wallet Connect]. Piliin ang network ng iyong wallet at i-click ang [Kumpirmahin]. Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang network ng BNB Smart Chain at Ethereum.
3. Piliin ang wallet na gusto mong ikonekta. Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang MetaMask at WalletConnect.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming mga gabay sa wallet dito:
  • WalletConnect
  • MetaMask
  • Binance Chain Wallet
Pumili ng compatible na network para sa iyong NFT, kung hindi, posibleng permanenteng mawala ang mga asset mo at hindi na ito mababawi. 
Gamitin natin ang MetaMask bilang halimbawa. I-click ang [MetaMask] para magpatuloy.
Tandaan na kailangan mong i-install ang MetaMask extension sa iyong Chrome browser bago mo simulan ang proseso ng pagdeposito.
4. May makikita kang pop-up mula sa MetaMask extension. Piliin ang account na gusto mong ikonekta sa Binance NFT at i-click ang [Mag-sign in].

Hakbang 2: Pumili ng Address ng Kontrata sa NFT

1. Kapag nakakonekta na ang iyong wallet, mare-redirect ka sa page na [Pumili ng Address ng Kontrata]. Puwede mong tingnan ang kumpletong listahan ng mga naka-whitelist na address ng kontrata sa iyong wallet sa ilalim ng [Lahat]. Puwede mo ring tingnan ang 10 kamakailang ginamit na address ng kontrata sa ilalim ng [Ginamit].
Para ideposito ang iyong NFT, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng asset at i-click ang [Susunod]
Para sa higit pang detalye kung paano hanapin ang address ng NFT mo, sumangguni sa Paano Hanapin ang Address ng Kontrata sa NFT.

Hakbang 3: Piliin ang Token ID ng NFT

1. Pagkatapos i-verify ang address ng kontrata, makikita mo na ang iyong mga NFT. Piliin ang Token ID ng NFT na gusto mong ideposito sa Marketplace ng Binance NFT at i-click ang [Ideposito]
2. Kung masyadong maraming Token ID at hindi mo mahanap ang gusto mo sa listahan, puwede mong manu-manong ilagay ang Token ID sa search box para makuha mo ito. 
Kung makikita at masusuportahan ng system ang hinanap mong Token ID, makikita mo ang [Na-verify] sa search box. Kung hindi, [Pumalya] ang makikita mo. Ibig sabihin noon, invalid ang Token ID. Tingnan at subukan ulit.
Tandaan na kahit hindi mo makita ang larawan at pamagat para sa NFT, puwede pa rin itong ideposito sa Binance sa pamamagitan ng manu-manong paglalagay ng na-verify na Token ID sa search box. 
Gayunpaman, tandaan na baka may mga limitasyon sa mga NFT na idinedeposito gamit ang custom na pag-upload nang walang larawan at pamagat ng NFT. Hindi puwedeng ilista ang NFT item na ito sa Marketplace ng Binance NFT at puwede lang itong i-withdraw.
Tandaan na kailangang paunang maaprubahan ang iyong address ng kontrata sa NFT bago mo ito ma-import sa Marketplace ng Binance NFT. Puwede mong tingnan ang mga sinusuportahang address ng kontrata mula sa Mga Pagdeposito ng NFT - Mga Inaprubahang Address ng Kontrata.
3. May makikita kang pop-up mula sa MetaMask. Itakda ang bayad sa gas para sa pagdeposito mo at i-click ang [Kumpirmahin]
Kapag kumpleto na ang proseso, makikita mo ang iyong mga idinepositong NFT sa [User Center] - [NFT Asset] at puwede mong ilista ang mga iyon para ibenta. 
Kung pumalya ang pagdeposito, puwede kang tumingin ng higit pang detalye tungkol sa pagdeposito mula sa [User Center] - [Magdeposito].