Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Itakda ang Iyong Mga Limitasyon sa Account sa Binance NFT para Protektahan ang Mga Asset Mo

2021-09-22 04:38
Para matiyak na magkakaroon ka ng ligtas at secure na karanasan sa pag-trade ng NFT, puwede mo na ngayong i-customize ang iyong mga limitasyon sa pagbili at paglilista ng NFT at puwede ka nang mag-set up ng Pay PIN sa Binance NFT. Makakatulong ang mga na-update na hakbang na ito na protektahan ang iyong account laban sa phishing malware. 

Paano I-customize ang Iyong Limitasyon sa Kabuuang Paglilista ng Asset ng NFT?

1. Pumunta sa Binance NFT at i-click ang [User Center] - [Mga Setting] - [Limitasyon ng Account]
Tandaan na sa BUSD ipapakita ang lahat ng item na nakalista sa ilalim ng [Limitasyon ng Account] sa halip na sa USD. 
2. May makikita kang pop-up na naglalaman ng iyong mga kasalukuyang limitasyon. Para i-customize ang limitasyon, kumpletuhin ang Two-Factor Authentication (2FA) at i-click ang [I-edit].
  • Limitasyon sa Kabuuang Paglilista ng Asset: Ang maximum na halagang puwede mong ilista para sa iyong mga NFT. Nangangailangan ang limitasyong ito ng karagdagang kumpirmasyon mula sa iyo para mapigilan kang maglista ng napakamahal na NFT nang hindi sinasadya. 
Halimbawa, nagmamay-ari ka ng 20,000 BUSD na NFT at ilang 30-50 BUSD na NFT sa iyong Binance NFT Wallet, at nakatakda sa 10,000 BUSD ang iyong Limitasyon sa Kabuuang Paglilista ng Asset. Kung gusto mong ibenta ang 20,000 BUSD na NFT, kakailanganin mo munang i-verify ang listing sa pamamagitan ng 2FA. 
Tandaan na 3 beses mo lang puwedeng baguhin ang iyong limitasyon bawat araw. 
3. Posibleng makita mo rin ang pop-up na nasa ibaba kapag naglista ka ng NFT:
  • Kinakailangan ang Pag-verify
Ibig sabihin nito, ang halaga ng NFT na sinusubukan mong ilista ay lumampas sa iyong Limitasyon sa Kabuuang Paglilista ng Asset. Kung gusto mo pa rin itong ilista, i-click ang [Taasan ang Limitasyon] at kumpletuhin ang 2FA. 
Tandaan na kapag kinumpleto mo ang 2FA, maa-update sa halagang iyon ang iyong limitasyon sa paglilista.

Paano I-set Up ang Iyong Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password sa Bawat Transaksyon?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance sa Marketplace ng Binance NFT at pumunta sa [User Center] - [Mga Setting] - [Limitasyon ng Account]. I-click ang [I-edit] sa ilalim ng [Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon)]
2. Ilagay ang gusto mong limitasyon sa pagbili at i-click ang [Magpatuloy]. 500 BUSD ang default na limitasyon sa transaksyon at limitado sa 100,000 BUSD ang limitasyon sa halaga na hindi nangangailangan ng password sa bawat transaksyon.
3. Kumpletuhin ang 2FA at i-click ang [Magpatuloy] para itakda ang bago mong limitasyon sa pagbabayad. 

Paano I-set Up ang Iyong Pay PIN? 

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance sa Marketplace ng Binance NFT at pumunta sa [User Center] - [Mga Setting] - [Limitasyon ng Account]. I-click ang [Itakda ang Pay PIN] sa ilalim ng [Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon)].
2. Maglagay ng 6-digit na numero bilang Pay PIN mo at i-click ang [Kumpirmahin]. Tandaan na hindi puwedeng nasa simple o pabaliktad na pagkakasunod-sunod (hal. 123456 o 987654) ang iyong PIN, at hindi puwedeng lumabas nang mahigit sa dalawang beses ang iisang numero.
3. Kumpletuhin ang 2FA at i-click ang [Magpatuloy] para itakda ang iyong Pay PIN. 

Paano Bumili ng NFT Gamit ang Iyong Pay PIN?

Kapag lumampas ang presyo ng binibili mong NFT o Mystery Box sa Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon), hihilingin sa iyong ilagay ang Pay PIN mo para kumpirmahin ang pagbili.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance sa Marketplace ng Binance NFT. Hanapin ang NFT o Mystery Box na gusto mong bilhin at i-click ang [Bumili Ngayon] o [Magbigay ng Alok].
2. Ilagay ang presyong gusto mong bilhin o i-bid at i-click ang [Bumili Ngayon] o [Mag-bid Ngayon] nang naaayon. 
3. Kung lampas ang presyo ng binibili mong NFT o Mystery Box sa Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon), kailangan mong ilagay ang iyong Pay PIN para kumpirmahin ang transaksyon.
Kung hindi mo pa nase-set up ang iyong Pay PIN, hihilingin sa iyong magsagawa ng 2FA. 
Sa mga sitwasyon kung saan nati-trigger ang mga patakaran sa pamamahala sa panganib ng Binance, puwedeng hilingin sa iyong ilagay ang Pay PIN o kumpletuhin ang 2FA kapag bumili ka ng mga NFT o Mystery Box. 
4. Kapag nakumpleto na ito, ituturing na matagumpay ang iyong pag-bid o pagbili. Para tingnan ang mga alok mo, pumunta sa [Profile] - [User Center] - [Mga Alok] at i-click ang [Mga Ibinigay na Alok]. Para tingnan ang pagbili mo, i-click ang [Mga Koleksyon] sa pop-up pagkatapos ng pagbabayad.

Mga Madalas Itanong 

1. Bakit hindi na nako-configure ang Pang-araw-araw na Kabuuang Limitasyon sa Pagbili? 
Pinalitan namin ang Pang-araw-araw na Kabuuang Limitasyon sa Pagbili ng bagong Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon) para mapaganda ang karanasan ng user. 
2. Kailan kinakailangan ang Pay PIN?
Kapag lumampas ang presyo ng binibili mong NFT o Mystery Box sa Limitasyon sa Pagbili na Hindi Nangangailangan ng Password (Bawat Transaksyon), o kapag na-trigger ang aming mga patakaran sa pamamahala sa panganib, hihilingin sa iyong ilagay ang Pay PIN.