Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
Gabay sa Mga Function ng Account

Pangkalahatang-ideya Kung Paano Tingnan ang Balanse at Maglipat ng Mga Pondo sa Wallet

Binance
2020-12-29 10:14
Puwede mong tingnan ang lahat ng iyong balanse sa wallet sa Binance at puwede kang maglipat ng mga pondo sa pagitan ng mga wallet mo mula sa page na [Pangkalahatang-ideya ng Wallet] .

Paano tingnan ang mga balanse ko sa wallet sa Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa  [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya].
2. Matitingnan mo rito ang mga balanse ng lahat ng iyong wallet sa Binance, at makakapaglipat ka sa loob o sa labas.
Makikita mo ang [Tinatayang Balanse] ng iyong mga wallet. Isa itong tinatayang halaga ng iyong balanse sa BTC, kasama ng tinatayang halaga sa napili mong fiat currency (nasa USD bilang default).
Para ipakita o itago ang iyong balanse sa wallet, i-click ang [Ipakita ang Balanse]
Para mag-access ng iba't ibang wallet, mag-click sa kaukulang pangalan ng wallet sa kaliwa o sa ibaba.

3. Maliban sa mga wallet sa Binance, puwede mo ring idagdag ang iyong mga account sa Binance TR, Tokocrypto, JEX, WazirX, at BPLAY.

Paano maglipat sa pagitan ng mga wallet ko sa Binance?

Kung gusto mong mag-trade sa isang partikular na merkado, kailangan mong ilipat ang iyong mga pondo sa mga kaukulang wallet bago ka makapag-trade. Halimbawa, kung bumili ka ng crypto sa pamamagitan ng P2P at gusto mong mag-spot trading, kailangan mo munang ilipat ang mga asset sa iyong Fiat at Spot wallet.
1. Para maglipat sa pagitan ng iyong mga wallet, i-click ang [Maglipat].
2. Piliin ang mga wallet kung saan mo gustong maglipat at ang coin, at ilagay ang halaga. I-click ang [Kumpirmahin]. 
Para sa higit pang detalye tungkol sa panloob na paglilipat sa pagitan ng mga wallet, sumangguni sa pop-up na window ng [Maglipat].
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Magrehistro sa Binance App