Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
Mag-trade
Mga Derivative
Kumita
Pananalapi
NFT
Feed
USD

FAQ o Madalas na Katanungan

Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP
Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn
Pag-farm ng Liquidity
Ano ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance

Ano ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance

2022-03-15 01:14
I-click ang video para matuto pa

Ano ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance?

Ang Pag-farm ng Liquidity sa Binance ay isang liquidity pool na binuo batay sa prinsipyo ng AMM (Automatic Market Maker). Tulad na lang ng anupamang pag-swap sa DeFi, binubuo ito ng iba't ibang liquidity pool, at bawat liquidity pool ay may dalawang digital token.
Makakapagbigay ka ng liquidity sa mga pool para maging tagapagbigay ng liquidity at kumita ng bayarin sa transaksyon at mga reward na BNB.
Madali ka ring makakapag-swap ng dalawang digital token sa mga liquidity pool.
Tandaan: Sinusuportahan ng Pag-farm ng Liquidity ang functionality ng API. Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang Portal ng API ng Pag-farm ng Liquidity.

Ilang uri ng produkto ang sinusuportahan ng Pag-farm ng Liquidity?

May dalawang uri ng Pag-farm ng Liquidity - Stable at Innovative.
  • Stable: Binuo nang may modelo ng automatic market-making system na may hybrid constant function para maipatupad ang transaksyon at pagpepresyo sa pagitan ng dalawang stable token, at makapagbigay ng karanasan sa pag-trade na may mababang slippage. Apektado ang mga presyo ng dalawang token sa pool ng mga pagbabago-bago sa rate ng palitan/presyo ng token, at mas stable ang mga reward para sa mga tagapagbigay ng liquidity kaysa sa mga produktong Innovative.
  • Innovative: Binuo nang may modelo ng automatic market-making system na may constant mean value para makuha ang transaksyon at pagpepresyo para sa dalawang digital token. Apektado ang mga presyo ng dalawang token sa pool ng mga pagbabago-bago sa rate ng palitan/presyo ng token, at mas malaki ang pagbabago-bago ng mga reward para sa mga tagapagbigay ng liquidity.
Bago mo simulang gumamit ng Pag-farm ng Liquidity, narito ang ilang kahulugang dapat mong malaman:
  • Kasalukuyang laki ng pool: Ang komposisyon ng pares sa kasalukuyang pool. Kapag nagdagdag ka ng mga asset, idaragdag mo rin ang mga iyon nang proporsyonal sa komposisyon.
  • Magdagdag: Magbigay ng liquidity para sa mga liquidity pool.
  • Alisin: Alisin ang iyong mga token sa mga liquidity pool.
  • Presyo: Ang presyo ng pag-swap sa pagitan ng pares sa pool. Nakadepende ang panghuling presyo sa proporsyon ng pares sa liquidity pool at kinakalkula ito gamit ang isang formula.
  • Bahagi: Ang bahagi ng pool na inaasahang makukuha mo pagkatapos magdagdag ng liquidity.
  • Bahagi ng pool: Ang tinantyang bahagi ng pool na inaasahang makukuha mo pagkatapos magdagdag ng liquidity. 
  • Slippage: Ang tinantyang porsyento ng paglihis ng panghuling naisakatuparang presyo ng pag-swap mula sa kasalukuyang presyo dahil sa halaga ng pag-trade.
  • Kabuuang yield: Ang tinantyang taunang yield na maaasahang matanggap ng isang user para sa pagbibigay ng liquidity sa pool na ito.
  • Bahagi Ko: Kapag nagdagdag ka ng liquidity sa isang liquidity pool, makakakuha ka ng isang bahagi na iba kaysa sa isang token na idinagdag mo. Ang bahagi ay binubuo ng dalawang digital token. Magbabago ang bilang ng dalawang digital token nang real-time batay sa kasalukuyang laki ng pool.
  • Kabuuang Yield: Ang pinakabagong sangguniang rate ng return para sa pares sa pag-trade.
  • Halaga ng Bahagi: Ang dami ng token/fiat sa nakuhang bahagi.
  • Value ng Bahagi: Ang kabuuang value ng nakuhang bahagi pagkatapos magdagdag ng mga asset.
  • Komposisyon ng Bahagi ng Pool: Mga kasalukuyang composite ng iyong bahagi. Magbabago ang bilang ng dalawang token nang real-time batay sa kasalukuyang laki ng pool.
  • Gastos sa bawat Bahagi: Kinakalkula batay sa gastos sa bawat bahagi kapag nagdagdag ka ng liquidity, na nasa USD ang presyo.
  • PNL ng Value ng Bahagi: Kinakalkula batay sa kasalukuyang value ng bahagi, na binawasan ng kabuuang gastos sa bahagi, na nasa USD ang presyo. Apektado ang value ng bahagi ng maraming salik, kasama na ang mga rate ng palitan, pagbabago-bago sa presyo ng token, at mga pansamantalang pagkalugi, na puwedeng makabuo ng mga positibo o negatibong return.
  • Mga Kita: Kasama ang kita sa bayad sa Pag-farm ng Liquidity at mga reward sa BNB, na nasa USD ang presyo.

Paano kinakalkula ang kabuuang yield?

  • Kabuuang yield = 365 * (Mga Reward sa BNB na Ipinamahagi sa Loob ng Nakaraang 24 na Oras + Mga Reward sa Bayad sa Pag-trade sa Loob ng Nakaraang 24 na Oras) / Kabuuang Value ng Pool sa Loob ng Nakaraang 24 na Oras  

Paano kinakalkula ang value ng bahagi?

  • Value ng bahagi = Ang Bilang ng Dalawang Token sa Komposisyon ng Bahagi * Mga Real-time na Rate ng Palitan, na Nasa USD ang Denominasyon.
Halimbawa:
 Value ng bahagi ng user = 100 USDT + 50 DAI
Real-time na rate ng palitan: 1 USDT = 1.005 USD
                                              1 DAI = 1.01 USD
Value ng bahagi = 100 USDT * 1.005 + 50 DAI * 1.01 = 151 USD

Garantisadong pamumuhunan ba ang Pag-farm ng Liquidity?

Hindi. Ang mga posibleng pagkalugi ay puwedeng dulot ng:
  • Mga pagbabago-bago sa presyo ng token o mga rate ng palitan, na makakaapekto sa value ng mga bahagi. Para mas maunawaan pa ang mga panganib, sumangguni sa Pagpapaliwanag Tungkol sa Pansamantalang Pagkalugi. Puwede mo ring gamitin ang Calculator ng Pansamantalang Pagkalugi para tantyahin ito.
  • Kapag may malaking halaga ng isang token na idinagdag o na-redeem, maaapektuhan ang value ng bahagi at mawawala ito dahil sa sobra-sobrang slippage.
  • Madalas na pagdaragdag o pag-redeem ng mga token.

Saan kayo nangongolekta ng bayarin sa pag-trade? 

Nangongolekta ng bayaran sa pag-trade kapag ang mga user ay:
  • Nag-swap sa [Mag-trade] - [Pag-farm ng Pag-swap];
  • Nagdagdag ng isang token sa [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity] - [Magdagdag];
  • Nag-redeem ng isang token sa [Earn] - [Pag-farm ng Liquidity] - [Mag-redeem]. 

Paano ako Magdaragdag o Mag-aalis ng Liquidity?

Kapag nagdagdag ka ng liquidity, magagawa mong:
  • Magdagdag ng dalawang token: Awtomatikong ipapakita ng system ang halaga ng mga token na idaragdag ayon sa kasalukuyang laki ng pool.
  • Magdagdag ng isang token: Isa-swap ng system ang token na idinagdag mo sa isa pang token sa napili mong pares batay sa kasalukuyang ratio ng komposisyon ng bahagi sa pool. Magkakaroon ng bayarin sa transaksyon habang nagko-convert, at puwedeng magkaroon ng mas mataas na slippage at pagkalugi dahil sa malalaking transaksyon.
Kapag nag-alis ka ng liquidity, magagawa mong:
  • Mag-alis ng dalawang token: Ibabalik ng system ang dalawang token sa iyong Spot Wallet ayon sa bahagi ng pool at komposisyon ng bahagi.
  • Mag-alis ng isang token: Isa-swap ng system ang token na pipiliin mong i-redeem sa isa pang token batay sa kasalukuyang ratio ng komposisyon ng bahagi sa pool. Magkakaroon ng bayarin sa transaksyon habang nagsa-swap, at puwedeng magkaroon ng mas mataas na slippage at pagkalugi dahil sa malalaking transaksyon. Kapag masyadong mataas ang slippage, magpapadala ng alerto sa page ang system.
Slippage at ang pagkawala ng slippage:
Tumutukoy ang slippage sa mga spread sa pagitan ng aktwal na presyo ng pag-trade at ng presyo habang inilalagay ang order.
Puwede mong itakda ang tolerance sa slippage ng mga transaksyon sa page na [Pag-farm ng Liquidity] . Puwede ka lang mag-swap kapag nasa itinakdang hanay ang slippage.
Kapag malalaking halaga ng isang token ang idinagdag o na-redeem, puwede ring magkaroon ng slippage at puwede itong makaapekto sa value ng bahagi. Sa ganitong sitwasyon, papadalhan ka ng alerto ng system bago kumpirmahin ang pag-swap.