Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Spot & Margin Trading
Margin Trading
Isolated Margin Trading
Ano ang Limitasyon sa Mga Pares sa Pag-trade ng Isolated Margin
Ano ang Limitasyon sa Mga Pares sa Pag-trade ng Isolated Margin
2021-09-17 02:58
Ano ang Limitasyon sa Mga Pares sa Pag-trade ng Isolated Margin?
Ang Limitasyon sa Mga Pares sa Pag-trade ng Isolated Margin ay tumutukoy sa maximum na dami ng mga isolated na pares sa pag-trade na maite-trade mo batay sa iyong antas ng VIP. Itinatakda ang mga limitasyon para matiyak ang magandang karanasan sa pag-trade at mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng mga isyu sa latency.
Ano ang aking maximum na limitasyon sa isolated na pares sa pag-trade?
Batay sa mga tier ng VIP ng Binance, ang maximum na dami ng mga pares sa pag-trade na maite-trade mo ay gaya ng sumusunod:
Antas ng VIP | Maximum na limitasyon sa mga isolated na pares sa pag-trade |
Regular | 10 |
1 | 20 |
2 | 30 |
3 | 40 |
4 | 50 |
5 | 60 |
6 | 70 |
7 | 80 |
8 | 90 |
9 | 100 |
Halimbawa, kung isa kang regular na user, ang maximum na limitasyon mo ay 10 aktibong pares sa pag-trade.
Tandaan: Kung naabot mo na ang limitasyon sa mga aktibong pares sa pag-trade, puwede mo pa ring i-trade ang lahat ng na-activate na pares sa pag-trade. Gayunpaman, kung gusto mong mag-trade ng bagong pares sa pag-trade, dapat ka munang mag-alis ng kasalukuyang pares sa pag-trade mula sa iyong mga na-activate na pares. Para mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng mga isyu sa latency, inirerekomenda naming pana-panahon kang mag-deactivate ng mga hindi na ginagamit na pares sa pag-trade.
Paano mag-activate/mag-deactivate ng pares ng isolated margin sa website ng Binance?
1. Mag-activate ng bagong pares ng isolated margin
Kung mas mababa sa paunang itinakdang limitasyon ang bilang ng iyong mga aktibong pares sa pag-trade, i-click ang [Wallet] - [Margin] at ilipat ang bagong pares sa iyong Isolated Margin account. Awtomatiko itong magagawa. Gayunpaman, kapag naabot mo na ang limitasyon, may lalabas na ganitong abiso:

Kung gusto mong magdagdag ng bagong pares sa pag-trade, i-click ang icon ng [Mga Setting] sa tabi ng [Mga Aktibong Pares] para i-deactivate ang mga hindi mo na ginagamit na pares.

2. Mag-deactivate ng pares ng isolated margin
Pumunta sa dashboard ng iyong Margin account at i-click ang icon ng [Mga Setting] sa tabi ng [Mga Aktibong Pares].

Pagkatapos, makakakita ka ng pop-up na window na may listahan ng lahat ng iyong pares sa pag-trade.

Para mag-deactivate ng hindi na ginagamit na pares sa pag-trade, i-off ang button sa tabi nito at i-click ang [Kumpirmahin].

3. Mag-reactivate ng pares ng isolated margin
Pumunta sa dashboard ng iyong Margin account at i-click ang icon ng [Mga Setting] sa tabi ng [Mga Aktibong Pares].

Pagkatapos, makakakita ka ng pop-up na window na may listahan ng lahat ng iyong pares sa pag-trade.

Para mag-reactivate ng pares sa pag-trade, i-on ang button sa tabi nito at i-click ang [Kumpirmahin].

Paano mag-activate/mag-deactivate ng pares ng isolated margin sa Binance App?
1. Mag-activate/mag-deactivate ng pares ng isolated margin
Para mag-activate ng bagong pares ng isolated margin, mag-log in sa iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Margin]. Ilipat ang bagong pares sa iyong Isolated Margin account at awtomatiko itong gagawin.
Gayunpaman, kapag naabot mo na ang limitasyon, may lalabas na abiso gaya ng sumusunod:

Pumunta sa [Mga Wallet] - [Margin] at i-tap ang icon ng [Mga Setting].

Pagkatapos, makakakita ka ng pop-up na window na may listahan ng lahat ng iyong pares sa pag-trade. I-on o i-off ang button sa tabi ng pares sa pag-trade para mag-deactivate ng mga hindi nagamit na pares at mag-activate ng mga bagong pares.

I-tap ang [Kumpirmahin] para i-save.

2. Paano mag-reactivate ng pares ng isolated margin
Kung gusto mong mag-enable ng pares sa pag-trade, i-on ang button sa tabi ng pares. I-tap ang [I-reactivate] para kumpirmahin.
