Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
Mga Loan sa Crypto
Gift Card
Binance Pay
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Ano ang Binance Pay

2021-04-22 02:12
App
Web
App
Tutorial na Video
Ang Binance Pay ay isang walang contact, walang hangganan, at ligtas na teknolohiya ng pagbabayad gamit ang cryptocurrency na idinisenyo ng Binance. Sa Binance Pay, puwede kang magbayad at mabayaran ng crypto ng iyong mga kaibigan at kapamilya sa buong mundo. Pag-aralan natin kung paano kinukumpleto ng bagong teknolohiyang ito ng pagbabayad ng crypto ang karanasan ng iba't ibang user natin sa ecosystem ng Binance. Gawing bahagi ng iyong buhay ang crypto sa paraang gusto mo.

Paano gamitin ang Binance Pay sa Binance App?

Sa pamamagitan lang ng ilang tap, madali mong maa-access ang Binance pay mula sa Binance App. 
May apat na paraan para ma-access ang Binance Pay sa iyong mobile:
  • I-tap ang QR code scanner mula sa homepage ng App at i-scan ang QR code sa Binance Pay ng iyong tatanggap;
  • I-tap ang icon ng Binance Pay sa homepage ng App at i-tap ang [Magpadala]. Ilagay ang email, numero ng telepono, Binance ID (UID), o Pay ID ng tatanggap;
  • Pumunta sa [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay] para pumasok sa Binance Pay at i-tap ang [Magpadala]. Ilagay ang email, numero ng telepono, Binance ID (UID), o Pay ID ng tatanggap;
  • Pindutin nang matagal ang icon ng Binance App mula sa home screen ng mobile mo, at i-tap ang [I-scan] para buksan ang QR code scanner. I-scan ang Binance Pay QR code ng iyong tatanggap.
1. Pagkatapos i-scan o ilagay ang mga detalye ng tatanggap, piliin ang cryptocurrency at ilagay ang halagang gusto mong ipadala. 
2. I-tap ang pangalan ng crypto at dadalhin ka ng system sa listahan ng mcryptocurrency. Puwede mong tingnan ang available na balanse ng bawat crypto sa iyong mga Funding at Spot Wallet. Kung kulang ang balanse para masagot ang paglilipat, maglipat muna ng mga pondo sa iyong Funding o Spot wallet.
Puwede ka ring magdagdag ng personal na mensahe para sa tatanggap sa pamamagitan ng pag-tap sa [Magdagdag ng Note]
3. Ilagay ang halaga. Pagkatapos, i-tap ang [Magpatuloy]. Awtomatikong gagamitin ng system ang mga pondo sa iyong Funding Wallet para sa pagbabayad. Para palitan ang iyong paraan ng pagbabayad, i-tap ang [Funding Wallet]at piliin ang [Spot Wallet]
Tiyaking tama ang inilagay mong tatanggap at halagang ipapadala mo bago i-tap ang [Magpatuloy].
4. Ilagay ang iyong Pay PIN para i-verify ang pagbabayad. 
5. Makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad kapag kumpleto na ito. Makakatanggap ka rin ng mga notification sa email at SMS.
May dalawang opsyon para makatanggap ng cryptocurrency.
1. Gamit ang QR code
I-tap ang icon na [Binance Pay] sa homepage ng App para ma-access ang Binance Pay. I-tap ang [Tumanggap] at makikita mo ang QR code. Para i-save ito sa iyong telepono, i-tap ang [I-save ang QR]. Pagkatapos, puwede mo na itong ipadala sa iyong mga kaibigan at puwede nilang i-scan ang QR code gamit ang kanilang Binance App para magpadala ng crypto sa iyo. 
Para tukuyin ang cryptocurrency at ang halaga na gusto mong matanggap, i-tap ang [Magdagdag ng Halaga]. Puwede ka ring magdagdag ng personal na mensahe.
Halimbawa, gusto mong tumanggap ng BNB mula sa iyong kaibigan. Piliin ang BNB sa ilalim ng [Currency] at ilagay ang halaga (opsyonal). Gagawa ang Binance Pay ng natatanging QR code batay sa mga detalye ng pagbabayad. I-tap ang [I-save ang QR] at ipadala ito sa iyong kaibigan para tumanggap ng mga pagbabayad ng cryptocurrency.
2. Sa pamamagitan ng email address/numero ng telepono/Binance ID (UID)/Pay ID
Puwede mo ring ipadala ang email, numero ng telepono, Binance ID, o Pay ID ng iyong account sa Binance sa mga kaibigan mo para tumanggap ng mga pagbabayad ng cryptocurrency.
Tandaan na ang Pay ID ay iba sa Binance ID (UID). Ang Pay ID ay binubuo mula sa Binance Pay at ginagamit ito sa pagtanggap ng cryptocurrency. Ang iyong Binance ID ay ang natatangi mong identifier para maiba ang iyong account.
Kapag nakumpeto ang paglilipat, makakatanggap ka ng mga notification sa email at SMS. Ang mga pondo ay direktang ike-credit sa iyong Funding Wallet. Puwede mong makita ang kasaysayan ng iyong transaksyon sa pamamagitan ng pag-tap ng icon ng kasaysayan ng pagbabayad mula sa Binance Pay.

Mga Madalas na Itanong

Sa kasalukuyan, available lang ang Binance Pay sa mga kwalipikadong user sa Binance.com. Para makapagsimulang gamitin ang Binance Pay, magrehistro sa Binance.com at kumpletuhin ang pag-verify sa pagkakakilanlan para sa iyong account.
Kasalukuyang sinusuportahan ng Binance Pay ang higit sa 70 cryptocurrency, kasama ang BTC, BNB, BUSD, ETH, ADA, ATOM, BCH, DASH, DOGE, DOT, EOS, ETC, FIL, HBAR, LINK, LTC, MATIC, NEO, PAX, QTUM, TRX, TUSD, UNI, USDC, VET, WRX, XLM, XMR, XRP, XTZ, ZEC, USDT, FRONT, STRAX, ONE, EGLD, at SXP.
Sumangguni sa Binance App para sa pinaka-update na listahan.
Kadalasan, agad na nakukumpirma ang mga transaksyon sa Binance Pay. Gayunpaman, tandaan na dahil sa mga kinakailangan sa pagsunod, ang mga pondong ibinayad sa iyong Funding Wallet ay magagamit lang 24 na oras pagkatapos nitong matanggap.
Makakakita ka ng mga detalyadong gabay sa mga sumusunod:

Paano gamitin ang Binance Pay sa Website ng Binance?

Para ma-access ang Binance Pay mula sa website, mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pananalapi] - [Binance Pay].
Video na tutorial

Paano magbayad gamit ang Binance Pay?

1. I-click ang [Magpadala] sa homepage ng Binance Pay. 
2. Ilagay ang email, numero ng telepono, Binance ID (UID), o Pay ID ng tatanggap, pagkatapos ay i-click ang [Magpatuloy].
3. Piliin ang cryptocurrency at ilagay ang halaga para magpadala. Puwede ka ring magdagdag ng personal na mensahe para sa tatanggap. 
4. I-click ang drop-down menu sa ilalim ng [Currency] at puwede mong tingnan ang available na balanse sa iyong mga Funding at Spot Wallet. Kung hindi sapat ang iyong balanse para masagot ang paglilipat, maglipat muna ng mga pondo sa iyong mga Funding o Spot Wallet.
5. Ilagay ang halaga at i-click ang [Magpatuloy]
6. Awtomatikong gagamitin ng system ang mga pondo sa iyong Funding Wallet para sa pagbabayad. Para palitan ang paraan ng pagbabayad mo, i-click ang [Funding Wallet] at piliin ang [Spot Wallet]. Tiyaking tama ang inilagay mong tatanggap at halagang ipapadala mo bago i-tap ang [Kumpirmahin].
7. Ilagay ang iyong Pay PIN para i-verify ang pagbabayad. 
8. Makikita mo ang mga detalye ng pagbabayad kapag kumpleto na ito. Makakatanggap ka rin ng mga notification sa email at SMS.

Paano tumanggap ng cryptocurrency sa Binance Pay?

May dalawang opsyon para makatanggap ng cryptocurrency.
1. Gamit ang QR code
I-click ang [Tumanggap] para bumuo ng natatanging QR code. Pagkatapos, i-click ang [I-save ang QR] para i-save ito sa iyong computer at ipadala ito sa iyong mga kaibigan. Puwede nilang i-scan ang QR code gamit ang kanilang Binance App para padalhan ka ng cryptocurrency.
Para tukuyin ang cryptocurrency at halaga, i-click ang [Pumili ng Currency]. Puwede ka ring maglagay ng personal na mensahe.
Gagawa ang Binance Pay ng natatanging QR code batay sa mga detalye ng pagbabayad. 
2. Sa pamamagitan ng email address/numero ng telepono/Binance ID (UID)/Pay ID
Puwede mo ring ipadala ang email, numero ng telepono, Binance ID, o Pay ID ng iyong account sa Binance sa mga kaibigan para tumanggap ng cryptocurrency.
Tandaan na ang Pay ID ay iba sa Binance ID (UID). Ang Pay ID ay binubuo mula sa Binance Pay para sa pagtanggap ng cryptocurrency. Ang iyong Binance ID ay ang natatangi mong identifier para maiba ang iyong account.
Kapag nakumpeto ang paglilipat, makakatanggap ka ng mga notification sa email at SMS. Ang mga pondo ay direktang ike-credit sa iyong Funding Wallet. Puwede mong tingnan ang kasaysayan ng transaksyon mo mula sa [Kasaysayan ng Transaksyon]