Home
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Binance Pay
Ano ang $1 na Laro at Mga Madalas Itanong
Ano ang $1 na Laro at Mga Madalas Itanong
2022-06-01 08:51
Ano ang $1 na Laro?
Ang $1 na Laro ay isang laro ng pag-bid sa Binance Pay, kung saan maglalagay ka ng 1 BUSD na bid para sa tsansang manalo ng iba't ibang premyo. Puwede kang magsumite ng isang bid sa bawat panahon ng campaign at iaanunsyo ng Binance Pay ang mga resulta sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng aktibidad. Kung hindi mananalo ang iyong bid, ire-refund ang BUSD sa Funding Wallet mo sa loob ng 48 oras pagkatapos ng aktibidad.
Puwede kang mag-imbita ng ibang mga user para sumali at tumanggap ng hanggang 30 ticket sa bawat round ng $1 na Laro. Kung matagumpay kang nakapag-imbita ng isang user para sumali, puwede kang tumanggap ng hanggang 3 dagdag na ticket. Halimbawa, makakatanggap ka ng 3 ticket sa pag-imbita mo sa mga hindi pa user ng Binance sa laro. Kung mas marami kang hawak na ticket, mas malaki ang tsansa mong manalo sa bid.
Mga Madalas na Itanong
1. Kwalipikado ba akong sumali sa $1 na Laro?
Para sumali sa $1 na Laro, kailangang mayroon kang na-verify na account sa Binance. Matuto kung paano kumpletuhin ang pag-verify sa pagkakakilanlan dito.
2. Bakit hindi ko makita ang $1 na Laro sa Binance App kahit na natanggap ko ang email ng campaign?
Tiyaking updated ang Binance App mo (bersyon 2.43.0 pataas).
3. Paano ako sasali sa $1 na Laro?
Ang homepage ng $1 na Laro ay magpapakita ng listahan ng mga produkto na puwede mong mabili sa pamamagitan ng pagsusumite ng bid. Ang bawat produkto ay ililista nang 1 BUSD, maliban kung iba ang tinukoy. Para sumali, i-click ang [Maglaro Na] at magbayad.
Ang homepage ng $1 na Laro ay magpapakita ng listahan ng mga produkto na puwede mong mabili sa pamamagitan ng pagsusumite ng bid. Ang bawat produkto ay ililista nang 1 BUSD, maliban kung iba ang tinukoy. Para sumali, i-click ang [Maglaro Na] at magbayad.

Makakatanggap ka ng app push / in-app notification para kumpirmahin ang iyong pagsali. Para tingnan ang mga detalye ng iyong transaksyon, pumunta sa [Binance Pay] - [Subskripsyon Ko].

4. Puwede ba akong magsumite ng mahigit sa 1 bid?
Isang bid lang ang puwede mong isumite – matagumpay man o hindi – sa bawat panahon ng campaign. Pero walang limitasyon sa dami ng mga campaign na puwede mong salihan.
5. Paano ko malalaman kung matagumpay ang isinumite kong bid o hindi?
Aabisuhan ang mga nanalo sa pamamagitan ng app push / in-app notification sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng aktibidad.
6. Ano ang mangyayari kung matatalo ako sa bid?
Kung matatalo ka, bibigyan ka ng refund sa loob ng 48 oras pagkatapos ianunsyo ang nanalo.
7. Puwede ko bang kanselahin ang bid ko?
Hindi mo puwedeng kanselahin ang iyong bid kapag nailagay na ito.
8. Bakit naka-freeze ang 1 BUSD ko pagkatapos kong awtorisahan ang bid?
Pagkatapos awtorisahan ang bid, ifi-freeze ang 1 BUSD mo dahil kailangan ng oras para maproseso ang transaksyon. Kung matalo ka sa bid, matatanggap mo ang refund sa loob ng 48 oras pagkatapos ianunsyo ang nanalo.
Tandaan na kung nag-convert ka ng ibang currency sa BUSD noong inilagay mo ang bid, matatanggap mo ang refund sa BUSD.
9. Paano ako makakakuha ng mga dagdag na ticket para palakihin ang tsansa kong ipanalo ang bid?
Puwede kang makakuha ng mas maraming ticket sa pamamagitan ng pag-tap sa button na [Mag-imbita ng Kaibigan] sa page ng campaign. Ibahagi lang ang campaign sa mga hindi user ng Binance at imbitahan silang magrehistro sa Binance. Kung mas marami kang hawak na ticket, mas malaki ang tsansa mong manalo sa bid.
Kung matagumpay kang nakapag-imbita ng isang user para sumali, makakatanggap ka ng hanggang 3 dagdag na ticket. Halimbawa, makakatanggap ka ng 3 ticket sa pag-imbita mo sa mga hindi pa user ng Binance sa laro. Tandaan na puwede kang makakuha ng hanggang 30 ticket sa bawat round ng $1 na Laro.
Tandaan na para maging kwalipikado para sa mga dagdag na ticket, dapat sumali sa $1 na Laro ang mga referral mo.
Ang campaign na ito ay hindi available sa mga user sa Australia, Canada, Indonesia, New Zealand, Singapore, Thailand, United States, at Vietnam.