Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
Feed
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Futures Contract
Binance Futures
Strategy Trading
Mga USDⓈ-M Futures Contract
Mga COIN-M Futures Contract
Gabay sa Futures
Hedge Mode
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Index
Trading Rules
Leveraged Token
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Ang Iyong Gabay sa Pag-adjust ng Limitasyon ng Posisyon

2021-11-24 01:05
Inilunsad ng Binance Futures ang self-adjustment tool para sa limitasyon ng posisyon sa Futures. Puwede mo nang bisitahin ang page ng limitasyon ng posisyon para taasan o babaan ang limitasyon ng posisyon mo. 

Ano ang limitasyon ng posisyon?

Para mapanatili ang kaligtasan at stability ng system, nagtatakda ang aming system ng max na posisyon para sa iba't ibang leverage. 
Halimbawa, kapag nag-trade ka ng BNBUSDT at pinili mo ang 20x, ang max na posisyong puwede mong hawakan ay 250,000 USDT. Kapag mas mataas ang leverage, magkakaroon ng mas mababang max na posisyon, at vice-versa. 

Saan ko puwedeng i-adjust ang limitasyon ng posisyon? 

Puwede mo itong i-adjust sa [Kagustuhan] - [Palakihin ang Limitasyon ng Posisyon].
Puwede mo rin itong i-access sa [Leverage] - [I-adjust ang Margin] - [Palakihin ang Limitasyon ng Posisyon].
Puwede mo rin itong i-access sa [Mga Panuntunan sa Pag-trade] - [Leverage at Margin] - [Palakihin ang Limitasyon ng Posisyon].

Para sa mga user ng App, puwede mong i-click ang [Futures] - [Mga Setting] - [Pag-adjust sa Limitasyon ng Posisyon].

Paano ko ia-adjust ang limitasyon ng posisyon ko?

Hakbang 1: Tingnan ang maximum na ratio ng pagtaas ng posisyon mo
Nakabatay ang limitasyon ng iyong maximum na posisyon sa isang marka sa pag-trade na nakuha mula sa dati mong gawi sa pag-trade. Halimbawa, kung ang ratio ng limitasyon ng maximum na posisyon ay 50%, ang ibig sabihin nito ay puwede mong buksan ang 150% ng default na posisyon pagkatapos taasan ang limitasyon ng posisyon mo. 
Hakbang 2: I-adjust ang limitasyon ng posisyon mo
I-click ang [Taasan] at piliin ang simbolong gusto mong i-adjust. I-click ang [Kumpirmahin]. Malalapat agad ang pagtaas ng iyong limitasyon ng posisyon. Tandaan na kailangan mong manu-manong isaayos ang bawat simbolo nang isa-isa. 
Hakbang 3: Tingnan ang Aking Pag-adjust
Para tingnan ang mga detalye ng limitasyon ng posisyon mo, pumunta sa [Data ng Pag-adjust sa Limitasyon ng Posisyon] - [Aking Pag-adjust]
Tandaan na pagkatapos ng pag-adjust, sa 20x lang puwedeng itakda ang max na leverage.

Paano ko kakalkulahin ang ratio ng pagtaas ng aking limitasyon ng max na posisyon?

Awtomatikong susuriin ng aming system ang iyong panganib sa pag-trade at bubuo ito ng komprehensibong marka batay sa dating dami ng pag-trade, dami ng order ng maker, leverage, at bukas na interes. Ibabatay sa markang ibibigay sa iyo ang max mong ratio na puwedeng i-adjust. Puwede mong tingnan ang page ng pag-adjust ng limitasyon ng posisyon sa unang araw ng bawat buwan. Awtomatikong magbabago ang ratio ayon sa iyong marka sa pag-trade. 
  • Karaniwang pag-adjust ng limitasyon ng posisyon para sa mga kakagawa pa lang na sub-account 
Para sa mga kakagawa pa lang na sub-account: Max na ratio na puwedeng i-adjust bilang default = Max na ratio na puwedeng i-adjust ng account na may rank na ika-3 quartile* pagdating sa performance sa pag-trade sa mga aktibong futures account ng user sa loob ng nakaraang 180 araw
Halimbawa, pag-isipan natin ang isang trader na may 100 aktibong sub-account sa futures trading sa loob ng nakaraang 180 araw.
Ang Max na ratio na puwedeng i-adjust ng kakabukas pa lang na sub-account ay magiging katumbas ng Max na ratio na puwedeng i-adjust ng #25 na sub-account na may pinakamahusay na performance
  • Karaniwang pag-adjust ng limitasyon ng posisyon para sa mga dati nang sub-account 
Para sa mga dati nang sub-account: Max na ratio na puwedeng i-adjust bilang default = max (kasalukuyang rating ng performance ng dati nang sub-account, may rank na ika-3 quartile pagdating sa performance ng account sa mga aktibong futures account ng user sa loob ng nakaraang 180 araw)
Tingnan natin ang parehong trader bilang halimbawa:
-Para sa kanyang #25 na sub-account na may pinakamahusay na performance: Max na ratio na puwedeng i-adjust bilang default = kasalukuyan
-Para sa kanyang #26 na sub-account na may pinakamahusay na performance: Max na ratio na puwedeng i-adjust bilang default = #25 na Max ratio na puwedeng i-adjust
*Ika-3 quartile = gitnang value sa pagitan ng median at mga sub-account na may pinakamahusay na performance sa mga aktibong futures sub-account ng user sa loob ng nakaraang 180 araw, kapag inayos ang mga account ayon sa performance. Hal. kung pag-iisipan ang 100 sub-account na ni-rank mula sa may pinakamahusay na performance hanggang sa may pinakamababang performance, kung saan #1 ang account na may pinakamahusay na performance, at #100 ang pinakamababa, ang #25 na sub-account ang ika-3 quartile.

Iskedyul ng bayad para sa pagtaas ng limitasyon ng posisyon 

Ang bayad sa pagtaas ay 20 USDT/buwan para sa mga pares sa pag-trade ng USDT perpetual at 10 USDT/buwan para sa mga pares sa pag-trade ng BUSD. Kapag nakumpirma na ang pagtaas ng iyong limitasyon ng posisyon, awtomatikong ibabawas ang bayad sa USDⓈ-M Wallet mo sa unang araw ng bawat buwan. Proporsyonal na kakalkulahin ang na-adjust na bayad para sa unang buwan batay sa mga natitirang araw ng buwan, at ibabawas agad ang bayad. Kung kakanselahin mo ang serbisyo sa buwan ding iyon, hindi ire-rebate ang iyong bayad. 
Halimbawa, kung tataasan mo ang limitasyon ng posisyon sa BNBUSDT sa Nobyembre 10, 20/30*20 = 13.3 USDT ang ibabawas sa Nobyembre 10. Kung hindi ito mababawasan bago sumapit ang Disyembre 1, 20 USDT ang ibabawas sa Disyembre 1.

Paano ako magkakansela ng mga pag-adjust ng limitasyon ng posisyon?

Para sa VIP0 - VIP3, bisitahin ang page ng pag-adjust ng limitasyon ng posisyon.
Para sa VIP4- VIP9, bisitahin ang page ng pag-adjust ng limitasyon ng posisyon
Tandaan na kung hindi mo gagamitin ang tinaasang posisyon sa loob ng 15 araw, awtomatikong bababa sa orihinal nitong laki ang limitasyon ng posisyon.

Paano ko ia-adjust ang limitasyon ng posisyon para sa mga sub-account?

Para i-adjust ang limitasyon ng posisyon ng sub-account mo, pumunta sa page ng pag-adjust ng limitasyon ng posisyon. Puwede kang pumili ng alinman sa mga nauugnay na sub-account (kasama ang mga virtual account) sa pamamagitan lang ng pag-scroll pababa sa menu ng [Pumili ng Account].