Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Fan Token

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Paano Bumili ng Fan Token sa Binance sa pamamagitan ng P2P

2021-10-27 05:32
Nagbibigay ang Platform ng Fan Token sa Binance ng iba't ibang paraan para makabili at makipagpalitan ng Mga Fan Token sa Binance. Ang pinakamadaling paraan para bumili ng iyong mga token ay sa pamamagitan ng pag-credit ng fiat sa iyong account gamit ang credit at debit card o naka-link na bank account. Puwede ring bumili ang mga user ng mga token gamit ang mga stablecoin gaya ng BUSD o USDT, na puwede nilang makuha mula sa ibang mga user sa pamamagitan ng P2P.
Depende sa iyong rehiyon, puwedeng maging available sa iyo ang opsyong P2P para maipalit ang mga fiat currency sa mga stablecoin at crypto. Ang P2P ay isang marketplace para sa mga mamimili at nagbebenta para ma-broadcast ang kanilang mga alok at makipagpalitan nang ayon mismo sa sarili nilang kagustuhan—gamit ang iba't ibang paraan ng pagbabayad at fiat currency—anuman ang bansang pinagmulan. Ang ilan pang benepisyo ng P2P ay ang mga sumusunod:
  • Mababang bayarin sa transaksyon
  • Mga flexible na paraan ng pagbabayad
  • Pakikipagpalitan sa gustong presyo

Paano bumili ng Mga Fan Token sa Binance sa pamamagitan ng P2P sa website?

1. Bago ka magsimula, mag-log in sa iyong account sa Binance at kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan. Pagkatapos, i-enable ang 2FA (two-factor authentication), gaya ng Google Authentication sa ilalim ng [Profile] - [Seguridad].
2. Bisitahin ang Platform ng Fan Token sa Binance at tingnan ang Mga Fan Token sa Binance at mga listing ng koponan. 
3. Mag-scroll pababa at i-click ang button na [Bumili], pagkatapos ay piliin ang opsyong [P2P] sa listahan.  

 Puwede mo ring i-access ang P2P mula sa [P2P] sa ilalim ng tab na [Bumili ng Crypto] sa navigation bar sa itaas.  

4. Pumili ng stablecoin gaya ng USDT mula sa tab na [Bumili] at mag-browse sa mga listing na iniaalok ng mga nagbebenta sa P2P. Puwede mong i-filter ang mga listing sa pamamagitan ng pagtukoy sa halaga, fiat currency, at mga paraan ng pagbabayad. I-click ang button na [Maghanap].
5. I-click ang button na [Bumili] sa tabi ng gusto mong listing at tingnan ang mga detalye ng order at impormasyon sa pagbabayad ng nagbebenta. Pumili ng paraan ng pagbabayad at kopyahin ang impormasyon ng babayaran para magbayad ayon sa tagubilin. 

6. Pangangasiwaan ng platform ng Binance ang transaksyon ninyo ng nagbebenta sa paraang ila-lock ang crypto ng nagbebenta hangga't hindi nakukumpleto ang order, para makapaglipat ka ng mga pondo nang walang pag-aalala. Tingnang mabuti ang impormasyon ng babayaran at kumpletuhin ang transaksyon sa loob ng itinakdang oras.
7. Kapag naisagawa na ang transaksyon, mag-click sa [Nailipat na, Susunod] at pagkatapos ay [Kumpirmahin]. Magiging “Ire-release” ang status at ire-release ng nagbebenta ang mga crypto asset kapag nakumpirma niyang natanggap na ang bayad. Pagkatapos, kumpleto na ang transaksyon. Puwede kang makipag-ugnayan sa nagbebenta anumang oras gamit ang window ng chat sa kanang bahagi ng page.
8. Mula sa iyong [Funding] Wallet, i-click ang [Ilipat] para ilipat ang iyong mga pondo sa iyong [Fiat at Spot] Wallet. Ngayon, maipapalit mo na ang iyong mga crypto asset sa Mga Fan Token sa Binance!

 Paano bumili ng Mga Fan Token sa Binance sa pamamagitan ng P2P sa Binance App?

Maa-access mo ang P2P mula sa homepage ng Binance App sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang. 
Para sa higit pang detalye, sumangguni sa aming FAQ na Paano Bumili ng Cryptocurrency sa Binance P2P (App).