Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
Binance Convert
NFT
VIP

Paano Mag-withdraw ng NFT mula sa Binance

2021-10-21 06:38
Video na Tutorial
Puwede kang mag-withdraw ng mga NFT at bukas nang Mystery Box mula sa Binance. Gayunpaman,  dapat mo munang kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan. Kung hindi mo pa nakukumpleto ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan, ipo-prompt ka kapag sinubukan mong simulan ang proseso ng pag-withdraw.

Paano mag-withdraw ng NFT mula sa Marketplace ng Binance NFT?

1. Pumunta sa Binance NFT at mag-log in sa iyong account. I-click ang [User Center] - [Nakolekta] - [Mag-withdraw].
2. Puwede mong tingnan ang lahat ng iyong NFT ayon sa [View ng Koleksyon] o [View ng Asset].
Sa [View ng Koleksyon], puwede kang mag-withdraw ng ilang NFT o bukas nang Mystery Box mula sa isang koleksyon nang sabay-sabay. 
Sa [View ng Asset], puwede kang mag-withdraw ng partikular na NFT o bukas nang Mystery Box. Puwede ka ring mag-withdraw ng mga bukas nang Mystery Box at NFT asset nang sabay-sabay. 

Pag-withdraw mula sa View ng Koleksyon

a. Pumili ng koleksyon at i-click ang [Kumpirmahin].
b. Mare-redirect ka sa isang koleksyon. Piliin ang (mga) NFT o bukas nang Mystery Box na gusto mong i-withdraw at i-click ang [Kumpirmahin]. Tandaan na puwede kang pumili ng hanggang 30 asset sa bawat pag-withdraw.

Pag-withdraw mula sa View ng Asset

a. Piliin ang (mga) NFT at/o bukas nang Mystery Box na gusto mong i-withdraw at i-click ang [Kumpirmahin]
Tandaan na puwede kang pumili ng hanggang 30 asset sa bawat pag-withdraw.
b. Puwede mo ring bisitahin ang page ng listing ng NFT at i-click ang [I-withdraw] nang direkta. 
3. Pagkatapos piliin ang iyong mga asset, ipapakita ng system ang kaugnay na network kung saan pinapanatili ang mga ito. Siguraduhing pipiliin mo ang native cryptocurrency ng network sa wallet mo para mabayaran mo ang bayad sa gas. Puwedeng magbago ang bayarin sa pag-withdraw ayon sa status ng network.
Tandaan na nasa na-mint na network ng mga ito ang mga napiling NFT. Kailangan mong ilagay nang tama ang kaugnay na address, kung hindi, posibleng mawala ang mga asset mo. Siguraduhin din na pipili ka ng wallet na compatible sa pag-withdraw sa Binance NFT. 
4. Piliin ang wallet address kung saan mo gustong mag-withdraw sa [Address ng Destinasyong Wallet]
5. Kung hindi ka pa nakakapagkonekta ng anumang wallet, i-click ang [Magdagdag ng Wallet]. Mare-redirect ka sa page na [Magkonekta ng Wallet]. Piliin ang network ng iyong wallet at i-click ang [Kumpirmahin]
Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang BNB Chain (dating BSC) at Ethereum.
6. Piliin ang wallet na gusto mong ikonekta. Puwede kang kumonekta sa MetaMask o WalletConnect. 
Para sa detalyadong sunod-sunod na tutorial, tingnan ang aming mga gabay sa pagkonekta ng wallet dito.
7. Tingnan ang network at ang address ng destinasyong wallet at i-click ang [Kumpirmahin] para mag-withdraw.
8. Kapag kumpleto na ang proseso, puwede mo nang tingnan ang mga rekord ng pag-withdraw mula sa [Kasaysayan] - [Mga Pag-withdraw]. Puwede mo ring tingnan dito ang status ng pag-withdraw. 
Tandaan:
Ang mapipili mo lang ay mga asset na puwedeng i-withdraw.
  • Kung hindi ma-withdraw ang NFT o bukas nang Mystery Box, makikita mo ang [Hindi sinusuportahan ang pag-withdraw]. Naka-gray out ito at hindi ito mapipili.
  • Kung iniuulat ang isang koleksyon ng NFT dahil sa hindi naaangkop na content, mafi-freeze ito. Makikita mo ang [Hindi sinusuportahan ang pag-withdraw]. Naka-gray out ito at hindi ito mapipili.
  • Puwede ka lang mag-withdraw ng mga NFT at bukas nang Mystery Box mula sa parehong chain. Halimbawa, kapag pinili mo ang network bilang [BNB Smart Chain], hindi mo mapipili ang mga asset na nasa Ethereum network. Baguhin muna ang napiling network.
  • Kapag nakalista ang asset, hindi ito mapipili. Makikita mo ang [Hindi sinusuportahan ang pag-withdraw kapag nakalista ang mga NFT].
  • Kung naka-ban ang iyong account o naka-ban ang mga NFT/Mystery Box, mawi-withdraw mo pa rin ang mga asset, pero hindi mo maililista o mate-trade ang mga ito sa Binance NFT.
1) May Natukoy na Mapanlokong Koleksyon o Scam:
Kasalukuyang naka-ban ang NFT na ito sa Binance NFT at hindi ito puwedeng i-trade, pero puwede itong i-withdraw.
2) May Natukoy na Paglabag sa Copyright:
Kasalukuyang naka-ban ang NFT na ito sa Binance NFT at hindi ito puwedeng i-trade, pero puwede itong i-withdraw.
3) Tahasan o Sensitibong Content: 
Kasalukuyang naka-ban ang NFT na ito sa Binance NFT at hindi ito puwedeng i-trade, pero puwede itong i-withdraw.
4) May Natukoy na Nakaw na NFT: 
Kasalukuyang naka-ban ang NFT na ito sa Binance NFT at hindi ito puwedeng i-trade, pero puwede itong i-withdraw.
5) Iba Pa:
Puwede kaming magpatupad ng aksyon sa isang partikular na asset (hal., isang NFT), isang koleksyon ng mga asset (hal., isang koleksyon ng NFT), o isang indibidwal na account. 

Paano ko makikita ang mga NFT sa aking wallet pagkatapos mag-withdraw? 

Para makita ang mga na-withdraw mong NFT sa iyong wallet, kailangan mo munang idagdag ang mga iyon nang manu-mano sa iyong wallet. Gagamitin natin ang MetaMask Wallet bilang halimbawa. 
Siguraduhing nakakonekta ka sa BNB Chain kapag idinagdag mo ang mga NFT na na-withdraw mula sa Binance papunta sa iyong MetaMask Wallet. Tandaan na ang tinatanggap lang sa ngayon ng Metamask ay mga natatanging NFT (ERC-721) at hindi mga multi-edition NFT (ERC-1155).
1. Buksan ang iyong MetaMask Wallet at i-click ang [Mga NFT] para pumunta sa iyong library ng NFT.
2. Susunod, i-click ang [Mag-import ng Mga NFT].
3. Mare-redirect ka sa page ng Pag-import ng NFT. I-paste ang address ng iyong NFT at ang ID ng token sa mga kaukulang field. Puwede kang sumangguni sa gabay na ito rito para makita mo ang iyong address ng kontrata sa NFT at ID ng token. 
I-click ang [I-import] para idagdag ang NFT sa iyong wallet. Pagkatapos, makikita mo na ito sa iyong library ng NFT. 

Mga Madalas na Itanong

1. Gaano katagal mag-withdraw ng NFT sa Binance?
Karaniwang mapoproseso ang mga pag-withdraw ng NFT sa loob ng 2 oras. 
2. Ano ang bayarin sa pag-withdraw, at magkano ang mga iyon?
Ang mga pag-withdraw papunta sa mga crypto address sa labas ng Binance NFT ay karaniwang may “bayad sa transaksyon” o “bayad sa network.” Hindi sa Binance binabayaran ang bayad na ito, kung hindi sa mga minero o validator na responsable sa pagproseso sa mga transaksyon at pag-secure sa kaugnay na network ng blockchain.
Sa kasalukuyan, ang bayarin sa pag-withdraw ng NFT ay 0.001 BNB sa bawat transaksyon sa BNB Chain (dating BSC)at 0.02 ETH sa bawat transaksyon sa Ethereum network.
*Ia-adjust ng Binance NFT ang bayad sa pag-withdraw ayon sa status ng network. Sumangguni sa na-update na bayarin sa page ng pag-withdraw.
3. Bakit hindi ko ma-withdraw ang NFT o mga Mystery Box ko?
Hindi mawi-withdraw ang mga NFT sa mga sumusunod na sitwasyon:
1. Lumampas na ang iyong account sa maximum na limitasyon sa dami;
2. Sinusubukan mong mag-withdraw ng mga NFT mula sa iba't ibang network nang minsanan;
3. Sinusubukan mong mag-withdraw ng mga hindi pa nabubuksang Mystery Box o NFT na may status ng error.