Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
2-Factor Authentication

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Gabay sa Mga Function ng Account
Pag-verify ng Pagkakakilanlan
2-Factor Authentication
Mga Isyu sa Email
Referral at Mga Affiliate
Voucher
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT

Paano I-enable ang Binance Authenticator

2021-09-14 07:35
Para mas mapaigting pa ang seguridad ng iyong account, ipinapakilala ng Binance ang Binance Authenticator para sa pagbuo ng mga code para sa 2-step na pag-verify kapag kailangan mong i-verify ang iyong mga kahilingan o gumawa ng mga transaksyon. 
I-download ang Binance Authenticator dito.

Paano i-enable ang Binance Authenticator?

Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Profile] - [Seguridad]. I-click ang [I-download ang Binance Authenticator] para i-download ang app sa iyong telepono.

Kung hindi ka pa nakakapag-enable ng anumang authenticator:

1. I-click ang [I-enable]
2. Mare-redirect ka sa page na [I-enable ang Binance/Google Authenticator]. I-click ang [Binance Authenticator] at i-download ang app kung hindi mo pa iyon nagagawa.
3. Pagkatapos, may makikita kang QR code at 16-digit na key sa screen. 
Buksan ang Binance Authenticator sa iyong telepono at i-scan ang QR code, o ilagay ang 16-digit na key nang manu-mano. 
4. Dapat may makita kang 6-digit na code. I-click ang [Susunod]
5. I-back up ang iyong bagong key sa mga secure na lokasyon at i-click ang [Susunod].
6. Para i-enable ang Binance Authenticator para sa iyong account, mag-verify gamit ang mga 2FA device mo.
7. Matagumpay mo nang na-enable ang Binance Authenticator.


Kung na-enable mo na dati ang Google Authenticator:

1. Kailangan mo munang alisin ang iyong kasalukuyang Google Authenticator, dahil isa lang sa Binance Authenticator o Google Authenticator ang puwede mong i-enable para sa iyong account. I-click ang [Baguhin] - [Kumpirmahin] para magpatuloy. 
Tandaan na para maprotektahan ang iyong account, madi-disable ang mga pag-withdraw at pagbebenta sa P2P nang 24 na oras pagkatapos mong baguhin ang iyong Authenticator. 
2. Mare-redirect ka sa page na [Baguhin ang Binance/Google Authenticator]. Kumpletuhin ang pag-verify gamit ang 2FA sa iyong mga 2FA device, kasama ang kasalukuyan mong Google Authenticator.
3. May makikita kang QR code at 16-digit na key sa screen. 

Buksan ang Binance Authenticator at i-scan ang QR code, o ilagay ang 16-digit na key nang manu-mano. 
4. Dapat may makita kang 6-digit na code. I-click ang [Susunod]
5. I-back up ang iyong bagong key sa mga secure na lokasyon at i-click ang [Susunod].
6. Para ma-enable ang Binance Authenticator para sa iyong account, mag-verify gamit ang mga 2FA device mo, kasama na ang code mula sa kaka-enable mo lang na Binance Authenticator.
7. Na-enable mo na ang Binance Authenticator.